Mira's POV: Kakagising ko lang at nagsisipilyo na ako ng ngipin dito sa banyo. Naalala ko tuloy iyong nangyari kagabi, bigla akong nahiya. Isipin mo babae ako tapos ako ang nagfirst move, bagal naman kasi ni Laxon eh hehe. Buti na nga lang bumaba ako kagabi at nagtimpla ng gatas, kung hindi ako bumaba edi hindi pa kami nagkaaminan ni Laxon. Hindi rin kasi ako makatulog dahil nakokonsensya ako sa nasabi ko sa kaniya, nadala lang naman din naman ako ng galit ko. At saka, nagjojoke lang din naman ako doon sa sinabi kong bumalik na lang kami sa dati, hindi ko rin naman kaya, love ko na 'yon eh. "Hey b***h, may balak ka pa bang lumabas diyan kanina pa kami rito!" Sigaw ni Andrea sa labas at kinalampag ang pintuan. Napatagal tuloy ako sa pagmumuni-muni. Haynako Mira Jane Yang, ang haba ng

