Shin's POV: Pabalik na kami ngayon sa Casa Pueblo dahil naiwan namin si Mira. Paano ba naman, sinong tanga ang iiwanan ang kasama niya? Sino pa ba edi si Laxon. Paano kung nakidnap na si Mira at may masama silang gawin sa kaniya? Paano kung natorture siya? Anak ng teteng! "Bobo kasi eh, kapag si Mira lang talaga napahamak babasagin ko mukha ni Laxon." Bulong ko kay Malford at uminom ng tubig. Nandito kaming lahat sa van at nag-aalala para kay Mira. Pwera lang kay Kill na wala talagang pakialam sa paligid. "Kanina ka pa Shin ah, may sinasabi ka ba? Naiinis na ako sa 'yo!" Sigaw ni Laxon sa akin na nasa tabi ni Ruko. Agad naman akong hinawakan ni Malford nang akmang tatayo ako. "Eh kasalanan mo naman talaga kung bakit kasama mo si Mira hindi ba? May pagsabi ka pa ng be careful na

