Mira's POV: "Copy that, may nakabarilan na rin sila Andrea, maghanda na kayong lahat." Rinig kong sabi ni Laxon sa earpiece namin. Magkatabi pa rin kami ni Laxon ngayon dito sa upuan pero mahina lang ang pagkakabulong niya sa earpiece. "Laxon, kinakabahan na ako. Sana magtagumpay tayo." Sabi ko kay Laxon. Hindi ako nagpapabebe ha, nakakakaba lang talaga dahil baka hindi namin makuha iyong mga gem. Patay kami nito. "Huwag kang mag-alala, kasama mo naman ako–" Naputol ang sasabihin ni Laxon ng biglang mabasag ang salamin sa taas at may nahulog na tao. s**t, ito na ang sinasabi ko! May mga kalaban na! "Mira huwag kang hihiwalay sa akin! Tara na kailangan natin makuha 'yong gems!" Yaya sa akin ni Laxon at tumakbo kami na papunta sa unahan. Nakalagay kasi sa unahan ang lahat ng it

