Mira's POV: Maaga kaming gumising lahat para sa gagawin naming misyon mamaya. Magmemeeting kami para sa plano namin. Hindi kami pwedeng pumalpak at wala na itong second try. Hindi naman kami magnanakaw ha, Plan B 'yong paplanuhin namin mamaya kung sakaling mga manloloko o hindi kaya ay may intruders sa misyon namin. "Guys, punta na kayo rito ngayon sa sala!" Tawag sa amin ni Laxon. Pumunta na kaming lahat dito sa sala. Naghead count kami pero kulang ng isa. Teka nasaan ba si Mei? Tulog kasi nang tulog ang isang 'yon. "Mei Natara magsisimula na tayo ng meeting!" Sigaw ni Laxon ng pagkalakas-lakas kaya napatakip kaming lahat ng tenga namin. "Pre, para kang babae kung makasigaw!" Sigaw ni Shin kay Laxon habang hawak-hawak ang tenga niya. "Sorry kakagising ko lang!" Nagmamadali

