Nandito na kami ngayon ni Laxon sa mini bus. Ang style nito ay parang mga mini bus rin sa Middle World. May air-con naman at television din. "Hali ka na umupo na tayo. Inaantok na talaga ako." Yaya sa akin ni Laxon at hinila ang kamay ko. Kainis kinikilig na naman ako! Humaharot na yata ako ah, natural siguro ito kapag nagdadalaga. Feeling nagdadalaga lang dahil mas matanda pa ako sa ninuno ni Dr. Jose Rizal! "Mira dito ka na sa tabi ko umupo." Alok ni Shin sa akin at hinawakan ako sa braso. Napag gigitnaan ako nitong dalawang pogi at nagsusukatan sila ng tingin. Ano bang mayroon sa uupuan ko? Siguro dinikitan nila iyon ng bubble gum o kaya kulangot, macheck muna mamaya bago ako umupo. Baka tinitrip nila ako. "Sa tabi ko uupo si Mira, hindi ba Mira?" Tanong sa akin ni Laxon at ng

