CHAPTER 45 CALIX POV: "Still congratulations, Calix... You still did your best, nagkataon lang at hindi para sa'yo ang pagkapanalo," saad ni Mayor habang kinakausap ako. Pinapagamot niya na rin ako sa Nurse na pinatawag nito kanina para hindi na dumaloy ang dugo sa aking braso. Kung tutuusin ay para ko na ring ama si Mayor dahil masyado siyang mabait sa akin. Nang mabalitaan niya ang sinapit ko ay hindi siya nagdalawang-isip na tumawag agad ng medic para lang patingnan ang sugat ko na siyang dahilan kung bakit dumaloy ang aking dugo sa loob ng court. Si Raven ang siyang dahilan nito. Alam kong hindi niya sinasadya dahil masyado niya talagang sineryoso ang laro. Ayaw niyang magpatalo. Naging sakim nga siya sa ibang mga ka-member niya sa basketball dahil hindi niya ito nagagawang pasaha

