CHAPTER 46 CALIX POV: "ANG AGA MO YATA? May sadya ka bang puntahan?" tanong ni Iya nang huminto ako mismo sa tapat niya. 5:00 o'clock in the morning pa lang at tumungo ako rito sa dagat para sana abangan ang pagsikat ng araw. Pero mapaglaro nga naman si Tadhana dahil nadatnan ko si Iya na tila naghihintay din siya sa pagsinag ng umaga. "Mag-aabang lang ako ng sunrise. Hindi ko naman alam na nandito ka," turan ko bilang pagsasabi ng totoo. Napadpad lang ako rito ng mga paa ko para sana magmuni-muni. Pumayag na kasi ako sa kagustuhan ni Raven na ligawan niya si Iya at ako ang tutulong sa kanya. Wala na rin naman akong lusot pa dahil ayon talaga ang naging usapan namin. At higit sa lahat, nagkalinawan na kami na kapag napasagot niya si Iya ay kukumbinsihin niya rin ang dalaga na pumunta

