CHAPTER 47 ZIAH's POV: Raven wants to court me. Papayag ba ako magpaligaw sa kanya? Kay Calix na mismo nanggaling na gusto akong ligawan ng binata. Pero hindi ko naman ginusto ang lalaking 'yon. Because for me, Raven is just a friend of mine. Marami siyang pinakitang kabutihan sa akin, and despite of those kindness, hindi ko pa rin talaga kayang mahalin ang isang tulad niya. Parang hindi siya bet ng puso ko. May nagbubulong sa isipan ko na hindi siya yung lalaking minahal ko sa dati kong buhay. Kaya hindi ko alam kung paano ko kokomprontahin si Raven na hindi ko masasaktan ang damdamin niya. Gusto ko lang sana na manatili kaming magkaibigan. Pero mukhang malabo na 'yon dahil may iba pala siyang pagtingin sa akin. "Anak, nandyan si Raven sa labas. Hinahanap. Mukhang gusto ka yatang

