CHAPTER 10 "ANG PAGKAWALA NG KAGANDAHAN NI ZIAH"

1029 Words
CHAPTER 10 ZIAH's POV: NASA barko na nga ako. Ito ang siyang bumungad sa aking mata nang maidilat ko ito... Medyo nandidilim pa ang aking paningin pero pinilit kong masdan ang bawat paligid kaya napagtanto kong nasa barko nga ako. Hindi ko alam kung bakit nakarating agad ako rito sa gitna ng dagat. Ang huling ala-ala ko ay nasa gusali pa ako at nakikipaglabanan. Mukhang nahimatay na yata ako dahil sa mga dugong nawala sa akin at dahil sa sakit ng aking likod. Nasa barko ako sa mga oras na ito kung saan tanging alon ng dagat ang siyang naririnig ko. Hindi ko na rin matanaw pa ang mga tao dahil nga nasa kalagitnaan na ako. Kaba ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Gabing-gabi na. Kaya kahit sumigaw pa ako nang sumigaw ay walang makakarinig sa akin. Kaya kong tiisin ang bala na nasa katawan ko. Pero yung mga kagat ng pating, hindi ko na yata ito makakaya pa. Sa kakamasid ko sa paligid ay hindi ko inaasahan ang latigo na dumampi sa aking likuran. Hindi lang isang beses ang paglalatigong natanggap ko. Bagkus ay lagpas na ito lima. "AHHH!!!" malakas na hiyaw ko. Nasasaktan ako ng sobra. Kusa na yatang susuko ang katawan ko. Wala na kasing pahinga ang pagpaparusa na binibigay sa akin ng mag-ama. Hindi pa siya nakontento ay bigla niya akong sinabuyan ng acido sa legs. Namimilipit na talaga ako sa sakit. Sana pala ay namatay na lang ako kanina sa bala. Hindi ko na sana nararanasan pa itong hapdi. "Sinabi ko naman sayo na huwag kang tatakas diba? Pero makulit at matapang ka. Kaya yung katapangan mong 'yan, may hangganan din sa akin," usal niya at walang ano-ano ay binuhusan niya ako ng acido sa mukha. Parang natutunaw ang aking balat dahilan para mapaiyak ako. Ang itsura ko... Ang kagandahan ko ay tila nawawala na... Pero si Xyrell, tuwang-tuwa pa siya na nakikita akong nahihirapan. Masaya siya na yung kagandahan ko ay unti-unti ng nasusunog. Pabor na pabor sa kanya ang mga kaganapan ngayon. "I love watching it Ziah... Ramdam ko na agad ang aking tagumpay! HAHAHAHAHA," sambit niya na may kasamang malakas na tawa. Hindi ko na siya magawang tingnan dahil yung mata ko ay nalagyan din ng acido. Kaya tanging pakikinig ang siyang nagagawa ko. Pinapakinggan ko ang sinasabi niya. "Kapag tinapon na kita sa dagat ay saka na uumpisahan ang pagpapaganda sa akin. Si Xyrell ay magiging si Ziah na. Ang bilyonaryang anak ni Mr. Xi. Ang bongga diba? Sana pala ay matagal ko na itong ginawa at matagal na dapat kitang pinatay," wika ulit ni Xyrell. Para siyang baliw na kinakausap ako. Hindi ko alam kung anong droga ba ang hinithit niya dahil nasasapian yata siya ng masamang elemento na hindi ko matukoy kung ano. "P-patayin mo na lang ako. Just kill me, please..." pakiusap ko na lamang sa dalaga. I don'y have any choice... Kung pipilitin ko na lumaban ay lalo lang ako na masasaktan. Kaya pipiliin ko na lamang ang mamatay. Total wala na rin yata akong kawala pa. Nawala na yung kagandahan na meron ako kaya wala na akong sapat na rason para tumagal dito. Pagod na ang katawan ko. Pagod na rin ang utak ko sa kakaisip kung makakaligtas pa ba ako. At lalong pagod na ang mata ko. Gusto na nitong pumikit at magpahinga. "Ganyan nga Ziah... Ganyan ang gusto ko. Yung nagmamakaawa ka sa akin hanggang sa sabihin mong ayaw mo nang huminga," ani nito na talagang pinapamukha niya sa akin na talunan ako. "Oo na... P-panalo ka na Xyrell... W-wala na akong laban sayo. K-kaya patayin mo na lamang ako," bigkas ko na hirap na hirap na rin akong magsalita dahil sa sunog sa aking mukha. Yung labi ko ay hindi ko na kayang maibuka pa dahil na rin sa hapdi kaya ang kinalabasan ay nagmamakaawa na nga ako sa kanya na tuluyan na akong kitilin. "Kung gano'n, your wish is my command... Patutunayan ko sayo na may isang salita ako, Ziah at marunong akong makinig sa mga hiling ng ibang tao. At dahil hinihiling mo sa akin ang mamatay, I will give it to you," saad niya saka sinenyasan ang mga lalaki na alisin ang pagkakagapos sa akin. Inalis nga nito ang tali at marahas akong pinatayo. And this time, ay nasa mismong dulo ng ako ng sakayan ng barko. Na konting tulak lamang ni Xyrell ay babagsak ako sa gitna ng dagat. Malakas ang hampas ng alon. Kaya napapalunok na lamang ako ng laway dahil ito na ang huling hininga ko. Sobra-sobra na ang nangyayari sa akin. Hindi na kaya ito ng katawan ko. "Say good bye Ziah... And say hello to my new life... Huwag kang mag-alala, ako na lang ang bahala sa daddy mo," bulong na bigkas niya sa aking tenga. Kinilabutan ako sa bawat salitang narinig ko. Pero yung kilabot kong 'yon ay tuluyan nang nabuo bilang takot dahil bigla niya na akong tinulak dahilan para sumabay ako sa agos ng malalaking alon. Hindi ko na kayang lumangoy. Kahit magaling ako sa larangan ng swimming ay hindi ko na kayang maigalaw ang aking braso at legs dahil sa mga balang natamo at sa acido na binuhos sa katawan ko. Kaya sa huli, hindi ko kinaya ang pagsubok na ito. Hindi ko na kinaya na makasurvive sa dagat. Yung bibig ko ay unti-unti nang nakakalunok ng tubig... "Daddy... I love you..." sambit ko na lamang. Akala ko ay yung pagtapon sa akin sa dagat ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko, pero hindi pa pala nagtatapos si Xyrell. Bagkus ay tila binalikan niya pa ako nang makita niyang gumagalaw pa rin ang katawan ko. Hindi pa sapat sa kanyang mata na makita akong lumalaban. Ang gusto niya ay yata ay makita akong wala ng buhay. "Pukpukin niyo ang ulo niya!" sigaw nito sa mga tauhan. At sa palagay ko ay agad nila itong sinunod dahil naramdaman ko ulit ang malakas na pukpuk nila sa aking ulo. Sobrang sakit no'n. Kaya ayon ang naging sanhi para tuluyan na akong napapikit ng mata at nawalan muli ng malay. Hindi ko na alam ang sunod pa na nangyari sa akin....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD