CONTINUATION of CHAPTER 9

1043 Words
Continuation... Ziah's POV: HINDI ako natulog. Mas gugustuhin kong nakamulat ang aking mata para magmasid sa mga tauhan ni Xyrell. Kahit nanghihina na ang aking katawan dahil sa gutom at sugat na natamo ko ay pinili kong tiisin ito dahil wala rin naman akong choice. Kapag kasi natulog ako ay hindi ko maririnig at makikita ang mga pinaplano ni Xyrell. Hindi ko rin alam kung bakit umabot pa kami sa ganito. Maayos naman ang naging pagsasama naming dalawa. Halos lahat ng bagay ay magkasundo kami. Madalas nga ay pumupunta pa siya ng mansion kapag meron siyang ibabalita sa akin. Welcome na welcome din ang babae sa mansion at minsan pa nga ay nakakausap siya ni Daddy. Kaya masakit para sa akin na ang isang tulad niya ay matagal ng may masamang balak sa amin ni Dad. Sana pala ay nakinig na lamang ako sa mga sinabi ng kapwa ko estudyante. Lagi nila sa akin pinapaalala na huwag akong magtitiwala sa isang tao lalo na kay Xyrell. Sobrang weird daw kasi ng dalaga. Kahit binubully na siya ay hindi man lang ito gumagawa ng paraan para matigil ang pangbubully sa kanya. That's the reason why I ask her to be my friend. Kinaibigan ko si Xyrell dahil wala siyang makasama. Kinaibigan ko siya dahil lagi itong nag-iisa. At hindi ako sanay na may nakikita akong tao na nalulungkot. Pero yung awa at pagiging mabuti ko pala ang magdadala sa akin sa kapahamakan. Napaayos ako ng aking upo nang marinig ko ang malalakas na yapak na hindi pa masyadong pamilyar sa tenga ko. Pinakinggan ko kung saan patungo ang yapak na 'yon pero mukhang pupunta siya rito sa mismong harapan ko. Bumukas ang pinto at bumungad ang pagmumukha ng tatay ni Xyrell. Malaki nga ang katawan nito at mahahalata mo agad sa postura niya na sanay na siya sa ganitong pangingidnap. "Kumusta hija? Balita ko ay nasabi na ni Xy sayo ang totoo," kausap niya dahilan para mapalunok ako ng laway. Buong oras yata ay laway ko lang ang naging kaagapay ko dahil hindi naman nila ako binibigyan ng tubig. "Huwag niyo akong tatawagin na 'hija' dahil demonyo ka. Demonyo kayo pareho ni Xyrell!" usal ko at hindi ako nagpatinag sa armas na dala nito. Alam ko na rin naman ang patutunguhan ng buhay ko. Kaya wala ng rason para galangin at respetuhin ko pa siya. "Creziah... Matagal na akong demonyo. Ang pagiging demonyo ko nga ang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito. Ang pangit naman kasi tingnan kung napapalibutan ng mga anghel ang paligid diba? Wala ng twist kung lahat ay mababait," pagwiwika niya na akala mo yata ay nasa teleserye kami kung umasta ito. "Kontrabida ka pala ng taon. Sabagay, mukha mo pa lang, nakakatakot na. Like father, like daughter nga naman. Wala kayong pinagkaiba sa itsura, parehong pinaglihi sa sama ng loob. Patawarin sana ako ng nasa itaas pero mukha talaga kayong puwet," turan ko na tila hindi man lang siya nasaktan sa sinabi ko. Sanay na yata siya na sinasabihan na panget. "Tama ka dyan. Kontrabida nga ako. Kagaya sa mga napapanood mong pelikula, ako ang tatapos ng buhay mo... Mamaya, magdasal-dasal ka na," sambit nito na animo'y tuloy na nga ang plano nilang mag-ama. Binalingan niya ng tingin ang kanyang mga tauhan at sinenyasan ito na kalagan na ako. "Sige na, nandyan na yung Doctor na magpapalit ng anyo ng anak ko. Kaya ipunta mo na ang babaeng 'yan sa barko," utos nito sa mga lalaki bago siya nawala sa paningin ko. Talagang sinuportahan niya pa ang balak ng anak. Mga gahaman sila sa pera. Walang ibang inisip kundi ang mai-angat ang kanilang buhay. Yung pinagpaguran ng daddy ko, gusto nilang kunin sa pamamagitan ng pang-gagaya sa akin. Hindi ko tuloy mawari ang kabog ng puso ko na halos ay huling t***k ko na yata. Wala na talaga akong kawala at wala na akong pag-asa na makalaya. Marahas ako na kinalagan ng mga lalaki kasabay nito ay kinaladkad nga ako palabas. Kahit hinang-hina ako ay pinili ko na lumaban. Nang makalabas kami ng silid ay tinadyakan ko ang dalawang lalaki sa kanilang itlog dahil alam ko na ito ang kahinaan nila. Namimilipit naman sila sa sakit kaya hindi ko sinayang ang pagkakataon na kunin ang baril para wala silang magamit kahit makalayo ako. Dahan-dahan lang akong napatakbo. Pero dahil sa sigaw ng lalaki na nakatakas ako ay naalarma tuloy ang mga tauhan ng tatay ni Xyrell. Kaya dali-dali akong tumakbo at ginamit ko na ang baril. Bahala na, mamatay man ako ay ayos lang basta ang mahalaga ay sinikap ko na makipagpatayan at ipaglaban ang sarili ko. Hindi lang kasi pagmamartial arts ang alam ko, marunong din ako humawak at gumamit ng baril. Medyo nga lang takot ako dahil sa mga nangyayari sa akin, pero yung takot na 'yon ay hindi ko na inisip pa. Palit-palitan ng putok ang siyang nangibabaw sa loob. Parang kanina lang ay putukan ng baril ang naganap at ngayon ay gano'n pa rin. Walang pinagkaiba at walang pagbabago. Yung tenga ko, manhid na yata at nasanay na rin sa tunog ng baril. Maganda nga ang buhay ko. Nasa mayaman na pamilya. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Pero kagandahan ng aking estado ang magdadala sa akin sa kapahamakan. "God please, please save me. Ikaw na ang bahala sa akin," mahinang sambit ko saka ako lumabas ng lungga para barilin ang isang lalaki na tila naubusan ng bala. Dito ay napatay ko siya. Nakapatay ako ng tao na may masamang ugali. Kaya lang dahil sa marami ang tauhan ang meron sila Xyrell, hindi pa rin ako nakatakas. Hindi ako nakawala sa kamay ng mga taong demonyo. Bagkus, lalo akong nahirapan. Sa dami ng bala na pinakawalan ng ibang mga lalaki, ang dalawang bala ay tumama sa aking tuhod at paa na naging hudyat ng pagkabagsak ko. Tanging bala ang siyang laman ng aking katawan ngayon. At sa lagay kong ito, malapit na nga ang katapusan ng aking buhay. Malakas na palo ng baril ang siyang naramdaman ko sa aking likod dahilan para mawalan ulit ako ng malay. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Basta ang tanging naalala ko, yung tatay ni Xyrell ang siyang nasilayan ko bago pumikit ang aking mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD