CHAPTER 9

1033 Words
CHAPTER 9 ZIAH's POV: "B-bakit mo ito nagawa sa akin? N-naging mabuti naman akong kaibigan sayo, Xyrell. Trinato kita na parang kapatid. Ikaw ang naging paborito ko sa lahat. Kaya paano mo nasikmura na pakidnapin ako?" saad ko sa aking kaibigan na puno ng katanungan sa aking isip. Para akong nananaginip sa mga oras na ito. Paulit-ulit kong pinipikit ang aking mata at nagbabakasakali na nagkakamali ako ng nakikita ngayon sa harapan. I don't want to believe it. She has a good heart. At 'yon ang pinapakita niya sa akin. That's why I'm really shocked na meron pala siyang masamang intensyon kaya niya ako kinaibigan. I never judge her. Kahit hindi man siya katalinuhan at kagandahan ay hindi ito naging rason para layuan ko siya. Instead naging mabait akong kaibigan sa kanya. "Mabuti? HAHAHAHA, nagpapatawa ka yata Ziah. Hindi ka naging mabuti sa akin. Kahihiyan lang lagi ang natatanggap ko nang dahil sayo. Ang plastik mong tao!" she shouted. Punong-puno ito ng pagkamuhi sa akin na akala mo ay meron akong malaking atraso na nagawa. Sa pagkakaalala ko naman ay wala akong ginawa rito. Kaya hindi ko talaga malaman ang sagot kung paano at kailan nagsimula ang galit niya. "Paano ako naging plastik Xyrell? Halos ikaw ang nakakasama ko diba? Ikaw yung nakakausap ko. Madalas nga ako pa ang nalalapitan mo sa tuwing nagigipit ka," pahayag ko sa babae. Totoo naman kasi lahat nang nilalabas ng bibig ko. Kung meron mang award ang pagiging 'the best' na kaibigan, siguro sa akin na ito mapupunta. Kung tutuusin, napaka-swerte niya dahil siya ang naging bestfriend ko. I'm helping her not just about the money but also when it comes on academic. Pero kahit anong kabutihan pala ang gawin ko, may nasasabi at nasasabi pa rin siya na mali. "Nalalapitan nga kita. Pero yung mga iniisip ng tao sa akin, isa akong tuko na kapit nang kapit sayo. And I hate it Xyrell, ni hindi ko narinig sa bunganga ang ipagtanggol ako. Hinahayaan mo lang sila na tapak-tapakan ako," pahayag niya na talagang nilalabas na nito ang sama ng kanyang loob na matagal niya na yatang kinikimkim. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kailangan niya pang ipaabot sa ganito ang galit niya? Pwede niya naman akong komprontahin. Hindi yung idadaan niya pa sa pagkikidnap ang lahat. "Hindi ako ang nag-iisip nang gano'n Xyrell. Sinabi ko na sayo noon pa man na wala akong pakialam sa iniisip ng ibang tao sayo. Kaya dapat hindi ka rin nagpapaapekto sa sinasabi nila," mahinahon na wika ko. Gusto ko sanang magkaayos pa kami at ayusin ang gusot na ito. Simpleng problema lang sana ito pero umabot sa malaki at magulong problema ang inggit niya. "Madali para sayo na sabihin 'yan dahil wala ka sa posisyon ko. Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Kaya kahit ano pang sabihin mo, ikaw pa rin ang punot-dulo ng lahat. Gusto mo kasi na ikaw ang kinikilala ng mga tao. Gusto mong sinasamba ka at hinahangaan ng mga estudyante! Laging sarili mo lang ang iniisip mo!" bulyaw niya muli dahilan para malungkot ako sa kanya. I always told to her na huwag na lamang pansinin ang mga taong nakapaligid sa amin. Ang iba nga ay pinag-iisipan siya ng negatibo. Kesyo kinaibigan lang ako ni Xyrell dahil mapera ako at matalinong babae. Pero kagaya nang paulit-ulit kong sinasambit sa dalaga, hindi ako kailanman nagpapaapekto roon. Kaso kabaliktaran pala ito para sa kanya. Dahil pagdating sa babae ay binibigyan niya ito ng malalim na kahulugan. "Xyrell, hindi ako ganyan. Hindi naman ako selfish na tao eh. Yung utak mo na ang mali. Binibigyan mo ng negatibong pag-iisip ang lahat ng ginagawa ko. In fact, kung ano man ang meron ako ngayon, pinaghirapan ko ito at pinaghirapan din ni daddy ang posisyon niya. Naging bilyonaryo siya dahil sa pagsisikap. At gano'n din ako..." pagtuturan ko naman para pagsabihan siya. Wala na sa akin ang problema, nasa utak niya na dahil ang sama ng tingin nito sa akin. Pero kahit anong paliwanag pa yata ang sabihin ko sa harapan ni Xyrell, hindi ko na yata mapapabago ang utak niya. Tuluyan na siyang nagpalamon sa pagiging masama dahil talagang desidido siya na nakawin ang pagkatao ko. She even slapped me. Yung sampal niya ngayon ay ramdam ko na ang sakit dahil alam kong galing na ito sa best friend ko. "Well, ako na ang magiging bilyonaryo Ziah. Pinaghirapan din namin ni papa ang pagplano namin sayo na kidnapin ka. Kaya kung saan man patungo ang lahat ng ito, I also deserve it," pagbibigkas nito. Hindi na siya literal na Xyrell, bagkus kampon na siya ni Satanas. Silang dalawa ng tatay niya ay wala ng puso. "Ano kaya ang mangyayari sa akin sa unang araw ko sa mansion mo?" ani niya para ipamukha ang pagtatagumpay niya. Hindi pa nga nito nagagaya ang mukha ko ay nilalasap niya na agad ang pagkapanalo. "Kahit man gayahin mo ako, hindi mo pa rin ako mahihigitan Xyrell... Kopyahin mo man ang mukha ko, pero yung utak nating dalawa ay hindi pa rin magkaka-level," turan ko rito. "Okay lang... Ikaw naman ang mapapahiya kapag pinagtawanan ako. Dahil ikaw yung ginagaya ko, Ziah... Ang mangyayari ay ikaw ang aakalain ng lahat na nagiging boba... Pabor na pabor 'yon pagdating sa akin dahil nasisira ko ang imahe mo," pahayag niya para galitin ako. Hindi pwedeng magtagumpay siya. Pagkatao ko ang nakasalalay dito. Hindi pwedeng masira niya lang 'yon sa pagiging impostora niya. "Kaya kung ako sayo, ipagdasal mo na hindi masira ang image mo. Para kahit nasa langit ka, mananatiling maganda ang pangalan mo dito sa ibaba, okay?" bigkas niya na may ngiti pa rin labi na puno nang pang-iinsulto. Halos sumabog na ang aking panga. Gustuhin ko man siyang saktan ay wala akong magawa. Wala akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko dahil sa mga gapos sa aking kamay. "Sige na. Take a rest na Ziah... Huwag mo ng tangkain pa na tumakas ha? Para kahit papaano ay hindi ko matuloy ang pagtapon sayo sa gitna ng dagat... Malay mo bulungan ako ng anghel na idaan na lang sa pagtulog mo ang pagpatay ko sayo," wika niya saka umalis sa harapan ko. Hayop talaga siya! Napakahayop niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD