Continuation of Chapter 8 "ANG NASA LIKOD NG MASKARA"

1041 Words
Continuation... ZIAH's POV: "ANONG KLASENG TAO KA BA AT NAGAGAWA MO ANG BAGAY NA ITO? Ganyan na ba talaga kataas ang inggit mo sa akin?" paninigaw ko na sa babae. Hindi na ako nakapagpigil pa ng aking galit dahil nalaman ko na nang tuluyan ang gusto niyang mangyari. Mukhang pera talaga siya. Siguro nga at pangit din ang itsura niya kaya balak niyang nakawin ang akin at magpanggap siya bilang ako. Pero hindi. Hindi ako papayag na kunin nito ang pagkatao ko. I am Creziah Xi, the only daughter of the old man who named Mr. Xi. Lahat ng kayamanan ni papa ay mapupunta sa akin kaya ayon ang nakikita kong dahilan para makuha niya ang perang pinaghirapan ng daddy ko. Kung pera lang naman ang gusto niya ay ayos lang sa akin. Pero kung gagayahin niya ang itsura ko, tiyak na mababago ang pakikitungo niya sa ibang tao dahilan para maging masama ako sa paningin ng lahat. Kilala pa naman ako na may mabuting puso. Because my name Ziah known to have a beauty, a brain and a heart. At yung tatlong 'yon ang wala siya kaya gusto niyang kunin. Pero siguro nga ay kaya niyang makuha ang kagandahan ko pero hindi niya kayang gayahin ang ugali ko lalo na ang katalinuhan na meron ako. "Tama ka. Naiinggit nga ako sayo Ziah. Nilalamon ako ng inggit sa katawan dahil sayo. Pero yung selos na nararamdaman ko ngayon, mapapalitan din ito ng tagumpay. Dahil ngayon na mismo gaganapin ang big event," she said while having a devil smile. Hindi mawala ang demonyong ngiti niya kaya kinikilabutan ako. Ano bang ibig niyang sabihin sa big event? Ito na ba ang araw na lilisan ako sa mundo? Tuluyan na ba akong mawawala at magpapaalam? "Hindi ka yata makasalita? Natatakot ka na ba, Ziah?" ani niya para pagsabihan ako. "Bakit naman ako matatakot. Kung papatayin mo ako, gawin mo na. Huwag mo ng aksayahin ang laway mo. Mumultuhin na lamang kita hanggang sa mabaliw ka," turan ko ulit at hindi ko pinakita sa kanya na naduduwag ako. Dahil kapag pinakita kong mahina ako, lalo niya lang ako aasarin. "Matagal na akong baliw, kaya kahit magparamdam at magpakita ka pa sa akin, hindi na tatalab 'yan," tanging saad nito. At this point, pinisil niya ang aking balikat dahilan para dumugo ito dahil nga sa balang natamo ko. Hindi naman ako makapalag dahil nakagapos ako. Kaya napapahiyaw ako sa sakit. "What do you feel, Ziah? Masakit ba?" bigkas niya habang dinidiinan nito ang paghawak. "Ayan lang ba ang kaya mo?" panghahamon ko pa rin kahit sa kabila nito ay halos mamatay na ako sa sakit. Hindi ko tiningnan ang aking balikat kahit ramdam ko ang pag-agos ng aking dugo. Natatakot ako sa dugo kaya minabuti kong huwag ito tapunan ng tingin. "Syempre kulang pa ito. Pero huwag kang mag-alala, mamayang gabi. Sa gitna ng dagat, itatapon na kita para lapain ka ng mga pating at pagpiyestahan HAHAHAHAHAHAHA," masayang tawa niya na tuluyan na nga siyang naging demonyo. Ang balak niya sa akin ay hindi na sa tao ang isip. Kailangan niya na yatang ipasok sa mental dahil ang pananalita niya ay ibang-iba na. "Siguraduhin mo lang na mamamatay ako sa dagat. Dahil kapag ako binuhay mo, hindi rin kita titigilan," singhal ko upang paalalahanan siya. I am a talented woman. Biniyayaan ako ng Diyos ng kaalaman at galing. Kaya nga almost perfect na ang tawag sa akin ng mga kapwa ko estudyante. Bukod sa marunong sa mga martial arts ay marunong din akong lumangoy. That's why I know to myself that I can survive. "Ang taas din yata ng tiwala mo sa sarili mo. Do you think hahayaan kitang mabuhay?" bigkas niya na ngayon ay madiin niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi na tila kanina pa siya napipikon sa pagsasagot ko. Katulad niya ay ginaya ko rin ang pag-ngisi niya para pagalitin siya lalo. "At sa tingin mo rin ba ay hahayaan kong mamatay ako? Hindi katulad mong babaeng nagtatago sa maskara ang magpapatumba sa akin at papatayin ako!" I shouted. Dahil sa sigaw kong 'yon ay halos sabunutan niya na ako dahil sa sobrang galit nito. Kung galit siya, mas lalong galit ako sa kanya. "Huwag mo akong pagalitin Ziah... Baka magulat ka na lang kung sino ang nasa likod nitong maskara na tumatakip sa mukha ko," wika nito bilang bulong sa tenga ko. "Ayan na lang lagi ang sinasabi mo. Bakit hindi mo na gawin ngayon ang pagtanggal ng maskara mo? Dahil kung talagang malakas ang loob mo, hindi ka magtatago dyan," turan ko para kumbinsihin na siya na alisin ang nakatakip sa kanyang mukha. I badly want to see her. Kung ito man ang maging huling hantungan ko, at least ay meron akong ideya kung sino talaga siya "Gusto mo talagang makilala na ako? Sige, pagbibigyan na kita. Total, masyado kang atat na makilala ko kaya ibibigay ko sayo ang kahilingan mong 'yan," ani niya bilang pagpayag. Para tuloy akong kinabahan dahil pakiramdam ko ay malapit na tao talaga siya sa akin. Ngayon lang naging ganito kabilis ang pintig ng puso ko na tila hindi ko maipaliwanag kung bakit. Napapalunok ako ng aking laway ngayon habang malagkit akong nakatitig sa babae. Unti-unti niya kasing hinawakan ang kanyang maskara na kulay itim na nakatakip sa itsura nito dahilan para abangan ko ang pagrereveal niya ng mukha. Almost two minutes ang hinintay ko bago niya tuluyang maalis ang maskara. And guess what, para akong nanlambot at natutunaw sa aking inuupuan nang makita ko mismo nang harapan kung sino ang pasimuno ng pangkikidnap sa akin. "I-ikaw?" nauutal kong saad. Tama siya. Magugulat nga talaga ako. At talagang nagulat ako dahil isa siya sa pinagkatiwalaan ko. Isa siya sa mga taong tinuring ko na kapatid at kapamilya. Pero hindi ko lubos maisip na yung taong minahal ko at tinutulungan ko lagi ay may malalim na galit pala na tinatanim sa kanyang dibdib. "Surprise bestfriend... Ang galing ko diba? Ang galing kong umarte kaya nabilog ko ang utak mo at nauto ka naman," hagikhik niya. Normal na boses na ang gamit niya dahil inalis na rin nito yung nilalagay niyang bagay para mapabago ang kanyang boses. She's Xyrell. My bestfriend.... That turns out to be my worst enemy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD