CHAPTER 1 (ANG UNANG PAGKIKITA)

2459 Words
CHAPTER 1 ZIAH's POV: PAGPASOK ko pa lang sa University ay kitang-kita ko kaagad ang mga kumpulan ng mga kapwa ko estudyante. Ang iba ay tuwang-tuwa at ang iba naman ay nalulungkot. Marahil ay resulta na ito ng mga first semester. Nilalagay kasi sa mismong announcement board ang mga resulta everytime na natatapos na ang semester ng klase. Binilisan ko naman ang aking kilos at walang ano-ano ay nilapitan ko sila. Rinig na rinig ko ang mga pagcocongatulate nila sa akin nang mga estudyanteng nakakasalubong ko sa hallway. They are very nice to me. Paano naging mabuti din naman ako sa kanila. Masyado akong friendly kaya marami sa aking nagmamahal. Aside from that, yung ugaling pinapakita ko sa kanila ay walang halong kaplastikan. Nang matunton ko na ang mismong pinagkakaguluhan ng mga estudyante ay siya namang pagsalita ng isang babae na tila proud na proud siya sa narating ko. As usual, I am the top one when it comes in academic. Hindi naman 'yon maipagkakaila because I have a beauty and brain na siyang pinamana sa akin ni Mom. My mother is really an hardworking mom and she has a brilliant brain na siyang namana ko nga sa kanya. "WOW! TOP 1 na naman si Ms. Creziah! Ang talino at ang galing niya talaga, noh?" rinig kong sambit ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa announcement board. Dito agad ako dumiretso dahil excited din akong makita ang mga naging resulta ng first semester ko. Mas maganda kasi na makita ko mismo kung tama ba ang naririnig ko. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi agad naniniwala kung walang sapat na ebidensya. Well, I trust my capacity and skill, but still, I want to see the results. By the way, I am graduating student sa college kaya talagang pinagbubutihan ko ang aking pag-aaral dahil balak ko na maging magna cumlaude ng taon. Ito kasi ang gusto ni dad. Sabi niya ay pagbutihin ko ang pag-aaral kaya talagang binibigay at ginagawa ko ang aking best para sa kanya. Kami na lang kasing dalawa ang magkasama sa mansion since my mother already passed away. Wala na siya at matagal na akong nangungulila sa kanya. Miss na miss ko na siya at gusto ko siyang mayakap na. Pero alam kong hindi na ito mangyayari pa sapagkat wala na siya at imposible nang bumalik pa ang aking ina. That is why I'm doing my best for the both of them. I know my mother will be proud of me kapag naging magna cumlaude ako. As well as my dad, he will be so happy kapag nangyari ito. Siya na yata ang pinakamasayang ama sa buong mundo kapag natupad ko ang pangarap ko sa kanya, sa kanilang dalawa ni mama. Para sa kanila talaga ang ginagawa ko. Eventhough, nasa akin na ang lahat. Ang kayamanan, kagandahan at katalinuhan ay ginagawa ko pa rin talaga ang aking makakaya. Ayokong dumating sa punto na bumagsak ako kaya habang pausad nang pausad ang aking edad ay ginagalingan ko pa lalo. Natigil naman ang mga estudyanteng nasa unahan nang maamoy nilang nasa likod na nila ako. Kilala kasi nila ang perfume ko kaya kapag alam nilang nasa campus na ako ay halos sambahin na nila ako. Ewan ko ba sa kanila kung bakit napakataas nang tingin nila sa akin. I already told them that I'm also an ordinary person and student. Pero hindi pa rin daw nila mapigilan na mapahanga sa akin. Kaya everytime na nakikita at dumadaan ako ay talagang binibigyan nila ako ng espasyo para makalakad sa gitna upang matungo ang unahan na walang sagabal na tao. Kind of respect daw ito para sa akin. But honestly, ay masyado akong na-aawkward sa pagiging mabait nila. Hindi ako sanay na bigyan nila ako ng special treatment lalo na at alam kong pare-pareho lang naman kami rito estudyante. At pare-parehong nagbabayad ng tuition sa University. "Congratulations Creziah. Halos pangalan mo lagi ang nasa top 1. Walang mintis ang pagiging top 1 mo. Nakaka-proud ka," komplimento nila sa akin. Ilang beses ko na iyang narinig sa kanila at hinding-hindi ako magsasawa na pakinggan ang mga ito. Buong buhay ko rito sa University ay wala pa akong narinig na kahit anong negatibong komento tungkol sa akin ko lalo na sa pag-aaral. They really idolize me. Talaga nga namang hinahangaan nila ako dahil mismo sa aking talento at talino. Magaling akong kumanta at hilig ko rin ang pagsasayaw. At higit sa lahat, biniyayaan pa ako ng Diyos ng katalinuhan. I am so blessed that I have these kind of talent in my self. Hindi ko lubos maisip na lahat nang 'yon ay masasalo ko. Dahil sa totoo lang, anak din ako ni Mr. Xi, ang kilalang bilyonaryo sa Pilipinas. Ako ang nag-iisang anak niya kaya't maging pagkatao ko ay nakikilala na rin ng mga tao. Ganyan ako kaswerteng babae. Kaya ubod na pinagpala ako sa lahat. Natatawa nga ako minsan dahil ang sabi nila ay masyado ko raw na ginagalingan sa pagsasalo ng mga biyaya at wala na raw akong itinira para sa kanila. Pero kagaya nga nang nabanggit ko kanina, I am the only daughter of Mr. Xi that also known as the first billionaire in the Philippines. Si Dad, hindi naman siya strikto sa akin. Para siyang boy best friend ko kung umakto minsan. Nakakaintindi lagi siya sa mga kadramahan ko sa buhay. Sa kanya ko rin sinasabi lahat ng sekreto ko lalo na pagdating sa lalaking iniibig ko. My dad is my number one supporter Kung ano ang gusto ko ay talagang sinusuportahan niya ako. Hindi niya ako pinagbabawalan. Basta daw ay wala akong gagawin na ikakasama ko. Ayaw niya raw kasi akong malagay sa kapahamakan. Pero kahit ano namang iwas ko ay lapitin ako ng mga masasamang tao. Hindi naman 'yon maiiwasan sa pamilya namin. Dahil bilang isang anak nang pinakamayaman dito sa bansa ay lapitan din ako ng mga kidnapper at masasamang tao na gahaman masyado sa pera. Buwan-buwan kasi na nalalagay sa alanganin ang aking buhay kung kaya't araw-araw akong may kasamang body guards para sana protektahan ako at para mailigitas ako. Kaso sa kasamaang palad, sila yung namamatay. Sila yung nawawalan ng buhay. Samantalang ako ay nagkakaroon lamang ng trauma. I have a trauma when it comes to a gun. Kapag nakakakita ako ng baril at nakakarinig nang tunog ng baril ay hindi ko maiwasan na manginig ang buong katawan. Pero sa kabilang banda ay mas naaawa ako sa mga bodyguards na nasawi. Lalo na sa mga pamilyang naiiwan nila. Nang dahil kasi sa akin ay nawawalan ng buhay ang isang tao. Kaya kung meron man akong kakainggitan, 'yon ay ang magkaroon ng normal na buhay. "Thank you sa inyo. Salamat dahil laging positibo ang naririnig ko sa inyong mga bibig. Nakakatouch naman kayo. Masyado niyo talaga akong pinapasaya," magalang na turan ko sa kapwa ko estudyanteng nandirito sa announcement board. Nakangiti sila sa akin na talagang totoong-totoo ang pinapakita nilang pagkahanga. "Syempre Miss Creziah, wala naman kaming nakikitang masamang ugali sa'yo. Ang bait mo kaya, mapagkumbaba at pala-kaibigan. Bukod pa roon, ang ganda mong babae. Kaya nga nakakatuwa na idolohin ka namin," saad ng isa. "Idolo talaga? Nagmumukha tuloy akong artista sa ginagawa niyong 'yan ha? Baka mamaya ay humaba ang aking tenga," sambit ko na may kasamang hagikhik. "Bagay ka nga maging artista Ms. Creziah, tiyak akong sisikat ka lalo kapag nakita ka na sa telebisyon... Sobrang ganda mo talaga, hindi nakakasawang tingnan ang mukha mo," muli nilang hirit na komplimento. "Ano ba naman kayo, lahat naman tayo maganda. At kung puwede lang ha, huwag niyo akong masyadong pinagsasabihan ng ganyan dahil baka masanay ako," pahayag ko naman sa kanila upang sabihin na lahat kami ay magaganda. Ayokong mawalan sila ng tiwala sa kanilang sarili sapagkat pantay-pantay naman kaming lahat. "Kung ikaw lang naman ang pagsasabihan namin nang gano'n ay hindi talaga kami magsasawang sabihin 'yon sa'yo. You are really a Queen of beauty with brain," ani ng babaeng short hair. Napapangiti na lamang ako dahil tumataba ang aking puso kapag maraming nagmamahal sa akin. Para ko na rin tuloy silang pamilya dahil masyado silang mabubuti. Sobra lang akong nata-touch sa mga sinasabi nila tungkol sa aking pagkatao. Talagang tinatawag na nila ako na Queen of beauty with brain. Kahit naman ako ay makakapagsabi na maganda talaga ako. Because I have a perfect face and body na talagang nakakaakit kung titingnan kaya nga lapitan din ako ng mga lalaki. Sa totoo lang, marami ring nagtangkang manligaw sa akin. Pero wala akong sinagot kahit ni isa. I am waiting for someone na tinutukoy ni dad. Ang kilalang mafia na gwapo ang siyang hinihintay. He's my ultimate crush. But I don't know his name dahil ayaw pang banggitin ni dad ang pangalan nito. Pero noong makita ko ang mukha niya dahil sa picture ay para akong na-love at first sight. Sobra siyang gwapo. Kaya pasimple akong napapa-smile everytime na sumasagi sa isipan ko ang mukha niya. I am in love with him. Nagpaalam na ako sa mga estudyante na aalis na ako dahil kailangan kong sabihin kay Dad ang tungkol sa pagiging top 1. Kapag kasi sinasabi ko ito ay binibigyan niya ako ng isang araw para mag-enjoy at gumala. At gusto kong sabihin ito nang harapan sa kanta. Sakto naman kasi na wala ang Professor namin na ganitong oras kaya pwede muna akong umuwi saglit. Naglakad na ako patungo sa kotse kung saan ay nando'n ang isang driver ko at kasama ang bodyguard ko na isa. Oo, bodyguard at driver ang lagi kong kasama sa tuwing pumapasok ako sa University. Ang pinagkaiba nga lang ay maghihintay sila sa labas hanggang sa matapos ang klase ko. "Saan tayo pupunta Ma'am?" tanong ng driver nang pumasok ako sa sasakyan. "Sa mansion. May ibabalita kasi ako kay Dad na ikakatuwa niya," ani ko na lamang. I can't wait to say this to my dad. He will be so much happy when I say this to him. Hindi na nagtanong pa ang driver dahil agad na siyang nag-umpisa na siyang magdrive. Habang ako ay hinihintay ko na makarating kami sa mansion. Ang kaso nga lang ay sa kalagitnaan nang pagdrive niya ay biglang may isang kotse ang tila hindi maintindihan kung saan patungo ang kanyang direksyon. Yung nagmamaneho kasi ay tila wala sa tamang katinuan at hindi alam kung saan ang tungo niya. Para siyang nawawala sa kanyang sarili at walang permanenteng desisyon. Para akala niya yata ay pag-aari niya ang kalsada. Kaya yung driver namin ay halos kabahan na dahil hindi niya maisip kung paano niya maiiwasan ang kotseng gustong bumangga sa amin. Iniiwasan niya na magtama ang sasakyan namin sa sasakyan ng taong akala mo ay hari ng daan. Pero kahit anong iwas ang gawin niya ay nagbungguan pa rin ang sasakyan namin na naging hudyat para mauntog ang aking noo. "Ma'am, ayos ka lang po ba?" Nag-aalalang tanong ng bodyguard ko na yung kalagayan ko kaagad ang siyang kanyang inisip. "Okay lang. I'm fine... Paki-check naman kung sino yung taong nagmamaneho ng sasakyan na 'yon para maturuan ng leksyon. Hindi niya yata alam na pwede siyang makasuhan sa ginagawa niya. Nakakainis siya ha," pahayag ko para utusan ang body guard ko. Ayoko sanang magkaroon ng kaaway pero mali talaga ang ginawa ng taong nasa loob ng kotseng 'yon. Gusto niya yatang magpakamatay tapos idadamay niya pa ako. Mabilis naman siyang lumabas ng sasakyan upang lapitan ang kotseng bumangga sa amin. Tiningnan ko naman kung paano kausapin ng bodyguard ang taong nasa loob no'n. Kaso sa palagay ko ay mukhang nagkakainitan na yata ang dalawa dahil masyadong matagal ang kanilang pag-uusap. Hindi ko kayang malagay sa alanganing sitwasyon ang bodyguard ko dahil kargo ko pa rin siya. Kaya kahit masakit pa ang aking noo ay minabuti ko rin na lumabas para harapin at pagsabihan ang taong 'yon. Kailangan na ako ang makaharap niya para malaman niya na hinding-hindi ako magpapatalo lalo na't siya yung may mali. "Ma'am, delikado kayo rito. Lasing yung lalaki," sambit ni bodyguard para pigilan ako. Pero hindi ako nakinig sa kanya at dire-diretso ako sa bintana ng kotse ng taong bumangga sa amin. "Hoy, kung sino ka man. Hindi mo ba alam na makakapatay ka na inosenteng tao ha?!" pagalit kong saad. Sa halip na maging kalmado ako ay uminit bigla ang aking ulo. Ayoko kasi sa lahat ay yung umiinom ng alak. Hindi ko gusto 'yon sa isang tao. Ang alak ay hindi makakabuti sa tao lalo na kapag oras ng pagmamaneho. Kaso nanatiling nakayuko ang binata na tila walang balak na kausapin ako. Kaya sa inis ko ay kinalampag ko ang bintana para makagawa ako ng ingay at makuha ang atensyon niya. At dito ay bigla ko nang nakuha ko ang atensyon ng binatang lasing. Parang nag-slow motion naman ang paligid ko nang masilayan ko ang pagmumukha ng taong ito. Yung Mafia... Yung Mafia na kinikwento ni Dad sa akin ang siyang nakabangga sa kotse namin. Siya yung Mafia na naging crush ko kahit sa litrato ko lang nakita. Pinagdarasal ko pa naman sa Diyos na makita ko siya ng personal pero sa ganitong paraan pa talaga nagtagpo ang landas namin. Hindi tuloy ako makapagsalita. Yung kaninang angas ko ay biglang umurong nang dahil sa kanya. Lumabas ito ng kotse at walang ano-ano ay ngumiti sa akin na animo'y nakikilala niya ako. Kaya maging ako ay palihim na kinilig dahil lalo siyang gumwapo kapag nakangiti. Malaki rin ang katawan niya. At hindi maipagkakaila na nakaka-attract talaga siya. Kaya lang yung ngiti sa labi ko at kilig ng damdamin ko ay biglang napawi nang tawagin niya ako sa ibang pangalan. "Jillian... Nagparaya na nga ako pero hanggang dito ba naman ay ikaw pa rin ang nakikita ko," saad nito sa lasing na boses. Nagulat naman ako dahil hindi ko inaasahan na ibang babae pala ang tingin niya. At base sa pananalita ng binatang ito ay tila nasaktan siya sa pag-ibig. Parang heart broken yata siya sa mga oras na ito. And I guess, this is the reason kung bakit siya nagpakalasing. "H-hindi ako si Jillian. Nagkakamali ka lang nang akala," ani ko sa kanya. Pero mas nakakagulat nung bigla niyang hatakin ang mukha ko at agad akong hinalikan sa labi. Sa sobrang bilis nang pangyayari ay hindi agad ako nakapagreact. Maging ang bodyguard ko ay nagulat din sa kanyang nakita. Sa tingin ko, tumagal din ng ilang segundo bago ko siya matulak. Akma sana itong susuntukin ng bodyguard ko, pero ako na mismo ang umawat. "Lasing siya. Hindi niya alam ang ginagawa niya. Kaya h-halika na, h-huwag na natin siyang pagtuunan nang pansin," saad ko na lamang. But deep inside, halo-halong emosyon ang siyang umaapaw sa akin ngayon. Hindi ko mawari kung bakit parang nasisiyahan akong ginawa niya ang halik na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD