CHAPTER 2 (THE KISS)

1144 Words
CHAPTER 2 ZIAH's POV: TULALA ako ngayon habang nakaharap sa malaking salamin. Patuloy kong inaalala ang itsura ng Mafia. At habang inaalala ko ito ay sumagi sa aking isipan ang halik na natanggap ko mula sa kanya. That was my first kiss. And yet, yung mismong crush ko ang siyang nagnakaw ng una kong halik. Ewan ko ba pero masyadong big deal para sa akin ang kiss na 'yon. Kasi sabi ni Dad, kung sino daw na lalaki ang unang humalik sa labi ko ay siyang ipapakasal niya. So at this point, I'm asking myself kung dapat ko bang sabihin ito kay dad. Pero kapag sinabi ko naman ito ay tiyak na mapipilitan ang lalaki na maging asawa ako. And I don't want it to be happen. Ayokong mapilitan siya sa isang bagay na hindi niya talaga gusto. At saka bukod do'n, halata namang may ibang tinitibok ang puso ng Mafia at 'yon ay si Jillian. Si Jillian na hindi ko kilala at wala akong balak na kilalanin ang babaeng 'yon. "My unica hija, bakit parang bumalik ka agad dito? Wala na ba kayong pasok ngayon?" tanong ni Dad nang magbeso kami sa isat-isa. "I have Dad. Kaya lang may gusto lang ako na ibalita sa inyo," ani ko upang sabihin yung tungkol sa pagiging top 1. Si dad na mismo ang siyang kusang lumapit sa akin na tila namasdan niya na wala ako sa sarili dahil nakahawak pa rin ako sa labi. "Ano ba 'yon Ziah? Sabihin mo na agad dahil meron akong itatanong sayo," bigkas nito kaya't kinabahan tuloy ako lalo na at biglang napayuko ang bodyguard na kasama ko kanina. Feeling ko, sinumbong niya ako kay Dad. Natatakot tuloy ako na baka pagalitan ako nito dahil sa nangyari kanina. "Ahm I am top 1, dad... Kaya running for magna-cumlaude na po ako," wika ko at pilit kong tinatakpan ang pagiging kabado ko. "Kung ganyan ang balita mo ay talagang nakakatuwa nga... Pero palagay ko ay meron ka pang gustong sabihin, Ziah?" saad ni Dad. Napapikit na lamang ako ng aking mata dahil hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin ito. Kaso wala na rin akong choice dahil inunahan na ako ni bodyguard. Hindi ko naman sila masisisi dahil si Papa ang siyang nagpapasweldo sa kanila kaya malamang si papa pa rin ang kanilang susundin. "Dad, kung dahil ito kanina. Let just forget it. I mean, aksidente lang 'yon. Believe me, hindi ko 'yon ginusto," sambit ko para depensahan agad ang sarili ko. Ayokong isipin ni Dad na hinayaan ko ang lalaking 'yon na bastusin ako. "Alam ko hija... Pero ang hindi ko lang maintindihan ay bakit pinigilan mo itong bodyguard mo na saktan ang taong 'yon, edi sana naturuan siya ng leksyon. Kung ako ang kasama mo kanina, siguradong ipapakulong ko agad ang lalaki dahil sa ginawa niya sayo," saad ni dad. Napakamot na lamang ako sa aking leeg dahil tiyak maging siya ay mabibigla kapag sinabi ko na yung Mafia ang siyang humalik sa akin. "Dad, lasing ang tao. Kaya wala 'yon sa tamang pag-iisip. Lumilipad nga yata ang utak no'n," usal ko ulit. "Kahit lasing o hindi ang taong 'yan, talagang malilintikan 'yon sa akin... Hindi kita pinalaki para bastusin lang. Kaya hindi ko mapapalagpas ang ginawa no'n sayo," pagdedesisyon ni papa na naging hudyat para mapatingin ako nang diretsa sa mata niya. "No dad. Hindi pwede. Hindi mo pwedeng balikan ang taong 'yon dahil baka ikaw pa ang malagay sa alanganin," tugon ko sa aking ama. "At bakit naman Ziah? Hindi mo ba alam na Bilyonaryo ako. Kaya kong gamitin ang pera ko mahanap lang ang taong ninakawan ka ng halik," pagalit na saad niya. "Hindi nga kasi pwede dad. Dahil yung lalaking nagnakaw sa akin ng halik ay yung Mafia na kinikwento niyo. Yung Mafia na gusto niyo na makatuluyan ko. Siya 'yon papa. Siya 'yon," wala sa oras na pag-amin ko. Ayoko sanang sambitin ito kaso wala rin naman akong pagpipilian. Nalagay na ako sa ganitong sitwasyon. Pero dahil sa narinig niya ay tila nawala agad ang galit sa mukha ni papa. Bagkus ay ngumiti siya ng malawak na animo'y nakalimutan niya agad ang naging atraso ng Mafia na 'yon. "Hindi mo agad sinabi sa akin. Hinayaan mo pang tumaas ang dugo ko," wika niya sabay akbay sa balikat ko. "Hindi na kayo galit, dad?" tanong ko naman. "Walang rason para magalit ako. Alam mo naman na siya yung gusto kong lalaki para sayo," turan ni papa. Ilang beses niya na ring bukambibig ang Mafia na 'yon. I don't know kung bakit ganito na lamang ang kagustuhan niya na makatuluyan ko ang Mafia. "Ayoko sanang itanong ito, Dad. But why? Bakit sa dinami-raming lalaki sa mundo ay siya ang gusto niyo na maging asawa ko?" malumanay na tanong ko. I am very curious. Ang isang tulad ko ay parang pinagtutulakan niya sa isang lalaki na imposible na mahalin ako. Eventhough that I have a crush on him, hindi ko naman siya pwedeng pilitin na gustuhin ako. Kagaya nga noong nasabi ko sa harap ng salamin, hindi dapat pinipilit ang pag-ibig. Dapat, kusa itong nararamdaman ng tao. "Yung taong 'yon, ligtas ka sa kanya, hija. Marami na ang nakapagsabi na mabuting tao siya. Kaya kakausapin ko ang lalaki para sabihin sa kanya ang tungkol sa kasal," saad nito sa akin. "Dad, may mahal na pong iba ang tao. Hindi ba't parang unfair naman kung ilalayo niyo siya sa taong mahal niya dahil lang sa hinalikan niya ako? Kasi dad, the reason why he kissed me ay lasing siya at ang tingin niya sa mukha ko ay yung babaeng tinitibok ng puso niya," turan ko naman. Napalakad ako patungo sa may upuan para sana umupo muna. Aminado akong nasiyahan ako dahil sa halik na 'yon. Pero may parte ng puso ko na nalulungkot ako dahil hindi niya rin kagustuhan ang nangyari. "Kahit na anak. Pagsasabihan ko lang naman... Ang pagmamahal ay naaaralan 'yan. At alam ko namang madali kang mahalin," ani nito na talagang sinundan ako para hindi ako panghinaan ng loob. "I know dad. I know na maganda ako. I know na talented ako. And I know na sobrang unique ako. Pero kasi dad, hindi tama ito... Hayaan na lang natin ang tadhana ang gumawa no'n. Hayaan na natin na yung tadhana ang magdesisyon kung sino talaga yung para sa akin. Handa naman akong maghintay sa tamang tao na nakalaan talaga for me," wika ko rito para hindi na ako kulitin pa. Naniniwala pa rin ako na yung pag-ibig na mismo ang siyang lalapit. Kaya hindi ko kailangan na maghabol muna sa Mafia. Pero sana dumating ulit ang panahon na magkita kami. At sana sa araw na 'yon ay handa na siyang buksan ang kanyang puso na walang iniisip na ibang babae. Alam kong darating ang araw na 'yon, so I'm gonna wait for it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD