CHAPTER 3 (ANG PAGDUKOT KAY ZIAH)

2788 Words
CHAPTER 3 ZIAH's POV: MATAPOS ang pag-uusap namin ni Dad ay babalik na sana ako sa University. Konting oras lang naman ang nilaan ko para kausapin si papa tungkol sa naging achievements ko. Pero hindi lang 'yon ang naging takbo ng pag-uusap namin. Humantong ito sa ginawa ng Mafia kaya natagalan ako sa mansion. "Pakibilisan na lang Manong ng pagdrive ha? Baka ma-late ako sa first subject ko," ani ko sa driver para sana bilisan niya ang pagmamaneho. Tumango na lamang siya bilang tugon. Hindi ako pwedeng ma-late dahil running for magna cumlaude ako. Sayang naman ang image ko kung magiging late lang ako diba? Mahirap na, perfect woman pa naman ako sa paningin ng mga estudyante sa University. Sa kalagitnaan ng pagdrive ni Manong ay bigla siyang napatigil dahil sa dalawang itim na van na sumalubong sa amin. Mga armado ang mga taong lumabas sa sasakyan dahilan para balutin ako ng takot sa aking katawan. Kung kanina ay excitment na banggaan ang nangyari, ngayon naman ay ganitong senaryo ang mararanasan ko. Hindi ko gusto ang pangyayaring ito lalo na't biglang tinutukan ng mga malalaking tao ang dalawang lalaking nagbabantay sa akin. Tinutukan nila ito ng baril kaya wala nang nagawa sila Manong at ang bodyguard. "H-huwag niyo ho akong sasaktan," pakiusap ko sa kanila. Kabado ang aking boses. Nangangaratal na rin ang katawan ko nang masaksihan ko mismo ang pagpatay nila sa kasama ko. Oo, pinatay nila. Masyado talagang halal ang kanilang kaluluwa. Hindi man lang nila inisip yung pamilyang maiiwan ng dalawa. Hindi pa sila nakontento at pinagbabaril din nila yung mga taong dumadaan sa kalsada. Para silang mga demonyo. Mas masahol pa kasi sila sa hayop kung umasta. Hindi na ako nakapagsigaw pa nang palanghapin nila ako nang pampatulog at ramdam ko ang panghihina ng aking katawan at panghihilo ng ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay. And when I open my eyes, doon ko lang napagtanto na nasa lumang building ako. Kinalap ko ang aking mata at sinuri ko kung nasaang lugar ako. Pero sa aking nakikita ngayon ay tila hindi ko malaman ang saktong address ng building. Hindi ko rin gusto ang amoy ng lugar na animo'y may mga patay na daga ang bawat sulok. Sobra akong natatakot. Pakiramdam ko ay hindi ako magtatagal sa ganitong lugar. Sa amoy pa nga lang ay halos sumakit na ang aking tiyan. Nang masilayan ko ang isang lalaki na siyang papalapit sa gawi ko ay agad akong sumigaw. Matagal din pala akong nakatulog dahil pag-gising ko ay gabi na. Kaya natitiyak kong nag-aalala na si Dad sa akin. Hindi rin ako magkakamali na pinapahanap niya na ako sa pulis. Dahil hindi malabo na kumalat ang balita tungkol sa kidnapping na naganap lalo na't ako yung nawawala. "ANO BANG GAGAWIN NIYO SA AKIN? PAKAWALAN NIYO NA AKO!" pagsisigaw ko habang pinipilit kong makawala sa gapos. Nakagapos kasi ang aking katawan gamit ang lubid kaya nasasaktan na rin nang husto ang braso ko. Kahit na merong body guards ang siyang nakabantay sa akin ay nagawa pa nila akong makuha. Kung sabagay, marami sila at malalaki ang kanilang katawan, isabay mo pa na meron silang dala na armas. Pero kahit binabalot na ako nang takot sa aking dibdib ay pinili ko na maging palaban. Wala naman kasing kahahantungan kung magiging mahina ako. "Pakawalan mo na ako sabi! If you want my money, then I'll give it to you. Kunin niyo na lahat ng pera ko sa wallet. And if you want my jewelries, then you can grab it also," pakiusap ko sa kanya. Kaso sa halip na makinig siya ay tinakpan niya ang aking bibig para hindi na ako makapagsalita. Ang tanging naalala ko kanina bago ako mawalan nang malay ay inambush nila ang kotse ko na dapat sana ay papunta na ako sa University. Pero sila ang sumalubong at humarang sa daan para lang kidnapin ako. Alam kong pera ang habol nila. Ilang beses na rin kasi na nalagay sa piligro ang buhay ko. Kaya minsan ay sanay na ako sa ganitong senaryo. Pero syemore kapag usapang baril na ang siyang nangibabaw ay nagkakaroon ako ng trauma. Kahit naman anong bantay sa akin at ahit marami pang guards ang kunin ni papa para lang masiguro na ligtas ako ay wala pa ring nangyari dahil patuloy akong napupunta sa sitwasyon na buhay ko lagi ang nakataya. Ang hirap pala maging mayaman. Sinasabi ng ibang tao na mas mahirap daw kapag mahirap, dahil walang makain at laging nagugutom. Pero sa akin, kabaliktaran ang lahat nang 'yon. Meron nga akong nakakain. Masasarap na pagkain ang siyang hinahain lagi sa mahabang mesa at hindi ko naranasan ang magutom. Kaso kaakibat nito na hindi ako makatulog nang payapa dahil sa mga masasamang tao na gusto akong kunin para lang sa pera. Narealized ko na ang pera ang siyang nakakademonyo sa isip ng tao. Nasisilaw sila sa laki ng danyos. Wala silang pakialam kung makapatay sila, dahil ang gusto lang nila ay ang salapi. "Let me go!!! Hindi ba kayo nakakarinig ha? JUST. LET. ME. GO!" muli kong singhal nang magawa kong maalis ang takip sa aking bibig. Talaga ring dinidiinan ko ang bawat salitang binibigkas ng dila ko nang maramdaman nila ang galit ko. Kaso malakas na sampal ang siyang natamo ko sa lalaki. "Daddy... Help me, daddy!" bigkas ko na pilit kong tinatawag si papa. Sa sobrang sakit nang sampal na 'yon ay hindi na ako nakaimik pa. Babae pa rin naman ako. Kaya ano na lang ang magiging laban ko diba? At kahit alam kong hindi ako maririnig ni papa ay patuloy ako sa pagsambit sa pangalan niya. Alam ko kasi na hindi niya ako hahayaan na tumagal dito. Hindi niya ako hahayaan na malagay sa panganib dahil ayaw niya nang maulit muli ang nangyari kay mommy. Namatay kasi ang mommy ko dahil nagawa rin siyang kidnapin ng mga tao na halal ang kaluluwa. Dahil dito ay nalagay sa piligro ang buhay niya. Kahit naibigay na yung pera, nagawa pa rin siyang barilin at patayin. Ganyan na kademonyo at ka-satanas ang mga tao ngayon sa ngalan ng pera ay kaya nilang kumitil ng buhay. "Daddy, I'm afraid," mahinang usal ko. Hindi ko na rin napigilan pa ang aking emosyon dahil sa nakakatakot na lugar nila ako dinala. Honestly, I have a phobia in dark. Takot na takot ako sa dilim. Feeling ko ay hindi ako makahinga kapag wala akong nasisilayan. Narinig ko naman ang kaluskos sa may pinto na tila may taong bumubukas. Sisigaw na sana ako dahil ang buong akala ko ay normal na tao lang na gusto akong tulungan. But I was wrong, dahil kasabwat din pala ang taong bumukas ng pinto. Napatingin kami pareho ng taong sumampal sa akin at doon namin nakita ang isa pang lalaki. "Ikaw na ang bahala dito. Palaban ang taong 'yan," saad ng isang taong sinampal ako bago umalis para iwan ako sa lalaking dumating. Kaya yung atensyon ko ay nabaling sa kanya na ngayon ay nakikita ko na okay naman ang itsura nito. Pero kahit anong kagwapuhan ang meron siya ay masama pa rin siyang tao. "Kumain ka raw muna sabi ni Madam... Huwag ka nang mag-inarte kung ayaw mong malipasan ng gutom," ani ng lalaki na may dalang pagkain. "Are you out of your mind? Paano ako kakain kung nakatali ang mga kamay ko? Alangan magkusa yang kutsara para lumipad papunta sa bibig ko? Hindi naman siguro uso ang magic dito, diba?" sakrastikong bigkas ko naman. Gusto kong kalagan niya ako para sa gano'n ay meron akong laban. Natuto rin kasi ako ng self defense kaya pwede ko itong magamit ngayon. Kaso mautak din ang lalaking ito dahil kinuha niya ang kutsara. "Susubuan na lang kita," wika nito na talagang naniniguro na hindi ako makakatakas. Napahinga na lamang ako nang malalim dahil hindi ko alam kung ano pang palusot ang pwede kong sabihin. Kung matalino ako, mas matalino yata ang mga nangkidnap sa akin. Grrrr!!! I really hate my f*cking life. Sana hindi na lang ako pinanganak na mayaman. Kung mahirap siguro ako ay hindi ganito ang aabutin ko. Malaya kong magagawa ang lahat na walang iniisip na panganib. "Alam kong kailangan niyo ng ransom para lang palayain ako... My dad, will give you a money. Just name your price... Mababayaran kayo ni Dad. Kung gusto niyo, doblehin niyo pa ang perang hinihingi niyo. Kayang-kaya 'yon ni Daddy," turan ko sa maamong boses. "Miss, nakahingi na kami ng pera sa ama mo. Ang kaso, yung amo namin, ayaw kang pakawalan. Kaya wala akong magagawa," tugon ng binata. Sa palagay ko, meron siyang mabuting puso. Nagkataon lang na hawak lang siya sa leeg. "Amo? Teka, sinong amo niyo? Ano bang kailangan niya sa akin? Nabigyan na pala kayo ng pera pero hindi niyo pa rin ako pinapakawalan," naiintriga na sambit ko. Masyadong misteryoso naman ang amo nila para gawin ito sa akin. Wala na ba siyang puso? At wala siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. "Dahil 'yun ang utos sa amin ni Madam. Na huwag kang pakawalan dahil meron pa siyang kailangan sayo," he replied again. Nadagdagan tuloy ang katanungan sa isipan ko dahil sa aking narinig ngayon. May kailangan siya sa akin? Ibig sabihin, hindi lang pala pera ang habol nila. Kung gano'n, kailangan kong makilala ang madam na tinutukoy niya. Dahil siya ang punot-dulo kung bakit ako nandito. Siguro ay matagal niya na akong pinagmamasdan nang palihim kaya nagkaroon siya ng inggit sa katawan niya. Kasi base sa binigkas ng lalaki, "Madam" ang tawag niya sa kanyang amo. Kaya sa tingin ko, may lihim na galit sa akin ang babaeng 'yon. PERO SINO? SINO SIYA? Hindi ko lubos maisip na maraming mangyayari sa buhay ko sa loob ng isang araw. Akalain niyo ba naman ay nagtagpo ang landas namin ng Mafia pero kaakibat nito ay nakidnap naman ako. PUNO tuloy nang katanungan ang isipan ko ngayon dahil kahit anong tanong ang bigkasin ko ay hindi ako masagot ng lalaki. Gusto ko lang naman na malaman kung sino ang babaeng amo nila at kung bakit niya ito nagagawa sa akin. Sa pagkakaalam ko kasi, kapag ganitong kidnapping ay laging lalaki ang namumuno. Kaya nagtataka ako kung bakit napapaikot sila ng isang babae. "Can you please answer my question? Sino ba talaga ang amo niyo?" bigkas ko muli. "Makikilala mo rin siya. Mamaya ay pupunta 'yon rito," kalmadong sambit niya. Hindi ko tuloy mahulaan kung paano ko mapapaamo ang binatang ito para lang pakawalan niya ako. "Wala akong nakaaway. Wala rin akong naalala na merong may galit kay Daddy," mahinang saad ko at ito ang siyang naisip kong sabihin. Kung titingnan ang dahilan at rason, kailanman ay hindi naging masama ang ama ko. Ang totoo nga n'yan ay marami na siyang natulungan na mga tao. Kaya imposible naman na hahantong ako sa ganito na may iba pang dahilan bukod sa pera. "Ang tao, kahit walang ginagawa, may palihim na nagagalit. May palihim na naiinggit... Akala mo, mabait siya sayo kapag kaharap. Pero kapag nakatalikod, sinasaksak ka na pala," mahiwagang bigkas niya. Natahimik naman ako bigla at pinili kong pagmasdan ang itsura ng lalaking kausap ko ngayon. The way he talked to me ay tila may malalim na dahilan nga ang may gawa nito sa akin. May punto kasi ang bawat salitang sinambit nito. Kaya hindi maipagkakaila na may mabuti siyang kalooban. "Alam kong mabait ka. At siguro meron kang rason kung bakit nagawa mong maging sunud-sunuran," ani ko at hindi ko napigilan ang sarili ko ibahagi 'yon. Mapakla naman itong napangiti na animo'y tama nga ang naging hula. "Mabait naman talaga ako. Kaso aanhin ko ang kabaitan kung buhay ng kapatid kong bunso ang nakasalalay," usal nito. "W-what do you mean by that?" "Yung amo namin, maraming tauhan. Mga demonyo. Paano kahit babae 'yon ay nasa puder pa rin ng tatay niya. At yung tatay niya ang pinaka-satanas dito sa bansa. Siya ang may kagagawan ng mga krimen na nangyayari. Yung pang-gagahasa, pang-hoholdap, at mga droga," pahayag niya kaya minabuti kong makinig sa kwento ng kanyang buhay. This is the first time that I encounter a man who have a soft heart. "Napilitan lang naman ako sa grupo nila dahil wala rin akong choice. Paano, kung hindi ako sasanib ay papatayin nila ang kapatid ko... Yung kapatid ko na nga lang ang natitirang pamilya ko, kaya natatakot ako na baka mawala siya sa akin," patuloy niyang wika. Bahagya siyang napatingin nang diretsa sa aking mata. Yung mata niya ay nangungusap para patawarin ko siya. "I'm sorry... Patawad kung wala akong magawa. Patawad kung hindi kita kayang tulungan na pakawalan... Mas pipiliin ko kasi ang buhay ng kapatid ko, kaysa sa buhay mo. Dahil hindi naman kita kilala at lalong hindi kita kaano-ano. Pasensya na Miss ha?" pagtuturan niya. Since I understand his situation, tumango na lamang ako at sinabi kong ayos lang. Wala naman kasi ako sa posisyon niya para husgahan ko siya. Besides, he has a point. Sino ba naman ako para iligtas? Kahit naman siguro ako ay ganon ang gagawin ko, kung sakaling malagay sa alanganin ang buhay ng taong mahal ko, lalo na yung kadugo ko pa. "TRISTAN!!!" sigaw ng isang babae na nakamaskara nang makita na hahawakan sana ako ng lalaki. Dahil sa tawag niyang 'yon ay nalaman ko ang pangalan ng lalaking kinakausap ako. Siya pala si Tristan. Ang taong naipit sa sitwasyon na hindi niya rin kagustuhan. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha? Hindi ba't sabi ko sayo ay papakainin mo lang 'yan? Bakit parang nagiging malapit ka na sa kanya? NAAKIT KA BA SA KAGANDAHAN NIYA?" madiin nitong sambit sa huling salita. "Hindi ho madam. Masyado ho kasing maarte ang babaeng ito at ayaw kumain. Kaya pi-pwersahin ko sana na pakainin siya," pagsisinungaling niya para hindi siya malintikan sa kanyang amo. Napatingin naman ako nang matalim sa babaeng nakamaskara. Siya pala ang may gawa sa akin nito. At siya siguro ang tinutukoy ni Tristan na anak ng amo nila na walang puso. "Siguraduhin mo lang! Dahil kapag nalaman kong nagkakamabutihan kayo, hindi ako magdadalawang isip na ipapatay ang kapatid mo!" bigkas niya na talagang dinuro pa ang lalaki ng baril. "Sige, alis na! Baka hindi ko mapigilan ang kamay ko at maiputok ko ang baril na 'to sa ulo mo!" sigaw nito ulit. Dali-dali namang kumaripas ng kilos ang binata palabas ng silid. Kaya heto ako, naiwan sa kamay ng impaktang ito. "At ikaw naman, huwag ka masyadong maarte. Dahil kung gusto mong mabuhay pa, kumain ka lang," turan niya nang ibaling nito ang tingin sa akin. "Bakit hindi niyo na lang ako patayin?" tugon ko naman at hindi maalis ang matalim kong mata sa kanya. Pero tumawa lang siya nang malakas at dinampi ang baril sa mukha ko. "Huwag kang excited. Dadating tayo dyan... Gusto ko lang na bihagin ka muna, habang wala pa yung hinihintay ko," ngising saad nito at nasisilayan ko ang pilyang ngiti ng ngipin niya. "Ano ba kasi ang gusto niyo ha? Kulang pa ba yung pera na binigay ni daddy sa inyo para itago niyo pa rin ako?! Kasi kung oo, pwede pang dagdagan ni Daddy 'yan!" I shouted. "And do you think, pera lang ang habol namin sayo? Well, si papa, siya lang ang may kagustuhan ng pera. Pero pagdating sa akin, hindi pera ang kailangan ko Ms. Ziah," ani niya na talagang kinilala nga ako nang lubusan. My real name is Creziah. At tanging malalapit lang na tao sa akin ang tumatawag ng Ziah. Kaya hindi ako magkakamali na inimbestigahan niya yata ang buong katauhan ko. O hindi kaya'y talagang magkakilala na kami. "Sino ka ba? Bakit hindi mo tanggalin ang maskara mo?" sambit ko sa kanya para hamunin ang babae. "Saka ko na aalisin ang maskara ko kapag gagawin na yung hiling ko." "Anong hiling ang tinutukoy mo?" bigkas ko ulit. "Ang dami mo talagang tanong. Hindi ka ba nauubusan ng laway? Kasi kung ako ang nakapwesto dyan, mananahimik na lang ako kaysa sayangin ko ang pagod ko... So please shut your mouth. Kasi may tamang oras para dyan sa tanong mo. And I know, magugulat ka nang husto kapag nakilala mo ako. It such an exciting part, Ziah. Kaya yung lakas mo, ipunin mo 'yan, okay?" pahayag niya na tila iniiwasan na sagutin ang tanong ko. Tumalikod na ito sa akin at saka ako iniwan na hindi pa rin siya kilala. Kahit anong masid ang gawin ko sa kanyang hubog na katawan ay hindi ko pa rin ma-identify ang pagkatao niya. She's really a mysterious woman. Kaya kinakabahan ako na baka meron siyang gustong gawin na ikakapahamak ko. "Please God save me," ang tanging bigkas ng isip ko. Alam kong hindi ako papabayaan ng Diyos. Maririnig niya ang dasal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD