CHAPTER 4 (ANG PAKIKIPAGPARTNER NI MR. XI kay CALIX)

2013 Words
"CHAPTER 4" CALIX's POV: "Nice to meet you Mr. Xi, maupo ka," bigkas ko sa isang matanda na siya mismo ang kusang dumayo rito sa amin para lang daw makausap ako. Siya yung nangungunang bilyonaryo dito sa bansa. Kaya talagang kilala at matunog ang pangalan niya pagdating sa mga taong uhaw na uhaw sa pera. "Salamat Calix... Ikaw talaga ang sadya ko rito. Kasi kahit anong gawin ng mga kapulisan ay wala pa ring nangyayari sa paghahanap sa anak ko. Mahigit ilang araw na siyang hindi namin nakukuha. Naiisahan kami ng mga kidnapper. Nakailang bigay na ako ng pera pero pagdating sa tagpuan, ibang babae ang siyang binibigay nila," turan niya bilang pagkwento. Ramdam ko ang pangungulila at pag-aalala nito sa kanyang anak. Kaya pinakikinggan kong mabuti ang statement at kwento nito para magkaroon ako ng ideya kung paano ko malulutas ang kanyang problema. "Naiintindihan ko ang 'yong nararamdaman Mr. Xi... Nabalitaan ko ang tungkol sa nangyari sa anak mo kaya hindi ko masisisi kung bakit mo nagawang lapitan ako... Pero tama 'yang desisyon mo... Dahil pagdating sa akin, kaya kong resolbahan ang lahat sa lalong madaling panahon," wika ko sa matanda. Masyado kong kilala ang sarili ko pagdating sa ganitong bagay. Hindi naman sa pagmamayabang, lahat ng mayayaman na tao ay kami ang nilalapitan kapag buhay na ang usapan. Ni minsan ay hindi kami natalo at hindi kami umuwing sugatan. Bukod kasi sa magagaling ang grupo ko, ay magaling pa akong lider sa kanila. Kaya lahat nang inuutos ko ay nagagawa nila ng tama at walang palya. "Kaya nga ikaw ang nilapitan ko dahil katulad ng iba, ikaw ang binabanggit nila. Kaya umaasa ako Mr. Calix na maliligtas mong buhay ang anak ko. Sana ay magkita pa kami," pakiusap ni Mr. Xi. Napangisi naman ako dahil ilang taon din akong nagpahinga sa pagiging Mafia. At ganitong trabaho agad ang sumalubong sa akin. Isang bilyonaryong matanda ang siyang nagmamakaawa para lang mai-uwi ko ng buhay ang kanyang nag-iisang anak na dalaga. "Sa ganyang sitwasyon ay maaasahan niyo ako Mr. Xi. Hindi ko kayo bibiguin... Pero magkano ba ang danyos na ibibigay niyo kapag naibalik kong buhay ang anak niyo?" turan ko sa matanda. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at talagang pera na agad ang pinag-usapan namin. Mabuti na yung praktikal para lalong lumaki ang datong namin ng grupo ko. Napaayos naman ito nang pagkakaupo at sinenyasan niya ang kanyang bodyguard na may hawak na dalawang attache case. Pinakita nito ang libo-libong pera na nasa loob. "Magkano lahat 'yan?" pagtatanong ko. "Sampung milyon... Pero hindi lang 'yan ang ibibigay ko... Kapag nakuha mong buhay ang anak ko ay bibigyan pa kita ng isang bilyon," usal ni Mr. Xi. Parang nagdiwang tuloy ang aking tenga dahil sa laking halaga na matatanggap ko kapag nailigtas ko ang dalaga niyang anak. "Magandang usapan 'yan Mr. Xi... Hayaan niyo, ngayon pa lang ay pagpaplanuhan na namin ang tungkol sa pagligtas kay Ms. Creziah," turan ko at tumayo na ako para sana makipag-kamay na sa matanda. Kaso may isa pa siyang salita na dahilan para matahimik ako. "May hiling sana ako sayo Mr. Calix... Pwede bang pakasalan mo ang anak ko, kung sakaling makuha mo siya," wika nito na animo'y buo na yata ang desisyon niya tungkol sa pag-aasawa ng kanyang anak. "Ano?" tanong ko rito na medyo naguguluhan ako sa sinabi ni Mr. Xi. Ang usapan lang namin ay ang kaligtasan ng anak niya. Pero hindi ko lubos maisip na meron pa palang dahilan ang pagpunta niya rito. "Matagal na sana kitang gustong makausap. Kaso nagkataon na nalaman kong meron ka na palang iniibig na iba," pagsisimula niya. "Teka lang Mr. Xi, hindi ko kayo maintindihan," wika ko naman. "Mr. Calix, twenty-two na ang anak ko. Lagi siyang napapahamak. Taon-taon ay laging nasa alanganin ang buhay niya. Kahit anong self-defense ang pag-aralan niya ay hindi pa rin 'yon sapat para manatili siyang ligtas... Babae pa rin ang anak ko kaya hindi niya makakaya na ipagtanggol ang sarili niya... Yung mga body guards kasi na kinuha ko para bantayan siya ay palaging napapatay. Kaya sa huli, nakikidnap at nalalagay pa rin siya sa panganib. At alam kong ikaw ang nararapat sa aking anak. Kailangan niya ng taong may lakas ng loob at walang inuurungan," mahabang pahayag niya na paunti-unti ko ring naiintindihan ang gusto niyang ipunto. "I'm sorry Mr. Xi, pero hindi ako pwedeng pumasok muna sa relasyon... Alam niyong hindi pa okay ang puso ko dahil kakagaling ko lang sa hindi magandang relasyon sa una kong minahal," saad ko para prangkahin siya. Hanggang ngayon ay nandito pa rin yung sakit na binigay ni Jillian sa akin. Dobleng sakit ang naranasan ko dahil napamahal na rin ako sa bata. Tinuring ko si Juliana na parang anak. Pero sa kabila ng ginawa ko, wala akong natanggap na pagmamahal. Yung bata, mananatili pa rin siya sa ala-ala ko. Hinding-hindi ko pinagsisihan na minahal at trinato ko na anak si Juliana. Nagkataon lang na hindi talaga ako ang tunay na ama niya. Kaya yung araw na sinabi ni Jillian ang katotohanan sa harapan ng bata, hindi ko na nagawang magpaliwanag pa. Nasaktan na agad ako. At para makalimot, muli akong bumalik bilang lider ng organisasyon. Dating gawi ulit ako. Ang pumatay ng mga taong halal ang kaluluwa. "I know Mr. Calix... But love takes time. Hayaan mong gamutin ang puso ng ibang tao. Dahil kapag nagmahal ka ulit, kusa 'yang maghihilom... At sana kung magmamahal ka, ay matutunan mong mahalin ang anak ko," ani niya sabay tapik pa ng dalawang beses sa balikat ko. "Hindi ko maipapangako 'yan Mr. Xi. Ang tungkulin ko lang sa ngayon ay ang iligtas ang anak niyo... Wala sa isip ko ang mahalin siya," sambit ko ulit. "Kung gano'n ay hindi muna kita mapipilit... Sabagay tama ka nga naman, yung kaligtasan muna ng aking anak ang dapat mong unahin," turan nito kaya tumango na lamang ako. "Paano, mauna na ako sayo. Balitaan mo na lang ako kung kailan kayo magsisimula sa paghahanap sa aking anak. Kailangan niyong bilisan dahil ang oras ay tumatakbo... Ayokong i-uwi niyo siya ng bangkay. Gusto ko, buhay ang anak ko. Nagkakaintindihan ba tayo Mr. Calix?" bigkas niya na ikinatango ko sa pangalawang pagkakataon. Lumabas na nga ang matanda kasama ang mga body guards nito. Iniwan niya na ang pera sa akin dahil alam kong malaki ang tiwala niya na hindi ko siya bibiguin. Lalaki ako kaya meron akong isang salita na hindi ko pwedeng takasan. Kaya hindi ko sasayangin ang tiwalang binigay ni Mr. Xi sa akin. "KUMUSTA ANG USAPAN NIYO, BOSS?" Si Grex na biglang pumasok sa loob nang mahalata nitong umalis na ang bilyonaryong ama ni Creziah. "Malaking danyos ang kapalit kapag nauwi natin ang dalaga. Kaya dapat ngayong gabi pa lang ay makapagplano na tayo," saad ko bilang sagot sa tanong niya. "Magkano naman?" "Sampung milyon ang unang presyo na binigay... Pero kapag nailigtas natin si Creziah, isang bilyon pa ang dagdag," I answered again. "Malaking pera nga. Tiyak jackpot tayo neto," masayang wika ni Grex. "Talagang jackpot tayo. Pero hindi biro ang sasagupain natin. Kaya mag-iingat pa rin tayo... Tawagin mo na yung iba para makapagplano na tayo ngayon," utos ko rito na mabilis niyang sinunod. Kumilos na si Grex para tawagin ang mga ka-miyembro namin. Habang ako ay pinag-iisipan ko na kung saan pwedeng dalhin si Creziah. At kung ano ang motibo nang pagkidnap sa kanya. Ilang minuto ay nabuo na ang grupo ko. Kanya-kanya silang upo. Kaya ako naman ay kinuha ko ang pentelpen para gawing panulat ito sa pag-uusapan namin. "Si Creziah ang target nating hanapin... Nakikita niyo 'yan....Tandaan niyo ang mukha niya. Hindi dapat kayo makalimot dahil nasa babaeng 'yan ang susi ng tagumpay natin," pagsisimula ko. Naglakad ako nang marahan at iniisip ko nang husto ang naging posibilidad ng pangyayari. "Ang sabi ni Mr. Xi, ilang pera na ang hiningi sa kanya pero hindi pa rin binibigay ang anak niya... Marami na siyang pera na ginugol. Ang kaso lagi lang siya na inuuto. Sa halip na si Creziah ang matanggap niya ay ibang babae ang natatanggap nito... Kaya naisip ko na hindi lang basta pera ang motibo ng mga kidnapper," pagpapatuloy. "Kung hindi lang pera ang motibo nila, baka katawan na ng dalaga ang gusto nila. Hindi malayo na pagnasaan si Ms. Creziah ng mga kidnapper. Masyado siyang makinis at maganda. Kaya kahit sinong lalaki ay titigasan sa kanya," suhestyon ng isa kong kasamahan at nagbigay pa talaga siya ng kanyang ideya. "Sa tingin ko, may punto ang sinabi ni Grego... Baka ginagawa nang parausan ang anak ni Mr. Xi," pasegunda naman ng lalaki. "Baka nga... Pero sana huwag naman. Masyadong anghel ang dalaga para gawin sa kanya 'yon," pag-uusal ko. Hindi yata makakaya ng konsensya ko na gano'n ang sinapit ng babae. Kahit kailan ay hindi ko hiniling na merong masaktan sa sino mang babae. Lalo na ngayon na mismong anak pa ng bilyonaryo ang dapat naming sagipin. "Meron pa akong naisip na posibleng motibo... Kung hindi katawan at pera ang habol, posibleng may malalim pang dahilan kung bakit hindi pa rin nailalabas si Creziah. Kung bakit ayaw pa nilang pakawalan ang babae," wika ng ka-miyembro ko na nakaupo sa likuran. Seryoso ang mukha niya. At hindi ko maipagkakaila na matalino din siya kung mag-isip. "At ano 'yon, Fred?" "Posibleng may nakaaway si Creziah o hindi kaya'y may naiinggit sa kanya nang palihim," sagot nito na hindi man lang nagdalawang isip sa kanyang sinabi. "Kung gano'n, dapat nating imbestigahan kung sinong mga tao ang malapit sa dalaga. Posibleng may alam sila sa pagkawala ng anak ni Mr. Xi," muli kong wika. "Paano kung patay na si Creziah?" bigkas ni Grex na siyang ikinatigil naming lahat. "Bakit mo naman nasabi 'yan?" "Kasi Boss, kung iisipin nating mabuti, matagal nang nawawala si Creziah... Kanina pa bumabagabag sa utak ko na baka meron nang nangyaring masama sa dalaga. Ayoko sanang sabihin ito dahil alam mo namang natipuhan ko na agad 'yung babae. Na-attract agad ako sa mala-diyosa niyang mukha. Pero posibleng patat na nga si Creziah. Dahil kung galit at inggit ang dahilan, papatayin talaga nila ang babae," pag-eexplain ni Grex Maging ako tuloy ay gano'n na rin ang takbo ng isipan ko. Pero hindi pwedeng manguna sa akin ang negatibong bagay. "Huwag muna tayong mag-isip ng ganyan... Hangga't walang natatagpuan na bangkay ng babae, hindi pa patay si Creziah... Kaya imbestigahan muna natin ang unang araw na nawala ang dalaga. Kung kinakailangan na pumasok kayo sa University na pinag-aaralan niya, gawin niyo. Hanggang sa meron kayong makuhang impormasyon... Dahil once na meron na tayong ideya sa suspect, madali na natin matagpuan ang ruta nila," saad ko na talagang inisa-isa ko ang hakbang na dapat naming unahin. "Sige boss Calix... Kung ano ang plano niyo ay 'yon ang gagawin namin," pagsang-ayon nilang lahat. "Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa, dahil si Mr. Xi ang makakatulong din sa atin para marami pa ang magtiwala sa organisasayon natin... Pwede pa tayo na maging bayani kapag nagkataon na nauwi nating ligtas ang anak niya. Alam niyo namang kilala si Mr. Xi dahil sa bilyong pera na meron siya. Kaya tiyak, maging tayo ay mapapabalita kapag natulungan natin siya," sambit ko na hindi ko maiwasan na isipin ang pwedeng gawin ni Mr. Xi kapag nagtagumpay kami. "Tama ka Boss Calix... Magiging sikat tayo at hahangaan din ang organisasyon natin kapag nagkataon na buhay nating madala si Ms. Creziah," wika ng isa. Napangiti naman ako dahil gano'n talaga ang magiging takbo ng organisasyon na tinayo ko. "Ano pang hinihintay niyo? Gawin niyo na ang inutos ko... Ikaw na Grex ang bahala sa kanila... Sa University ang iba. At ang iba naman ay sa mansion ni Mr. Xi. Kapag may mga pangalan kayong narinig, alamin niyo agad ang background nila at kung anong relasyon at koneksyon nila sa dalagang si Creziah," sambit ko habang sinusulat ang mga inatasan ko sa kanila. Kanya-kanya naman silang kilos at hindi na nila hinintay pa na sermonan ko sila. Habang ako ay maghihintay lang nang balita dahil ako na ang bahala sa mga dapat patayin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD