CHAPTER 5 (ANG NAKARAAN)

2116 Words
CHAPTER 5 Ang Nakaraan... XYRELL's POV: "Grabe noh? Ang ganda talaga ni Creziah! Sana maging katulad niya rin ako! Siguro marami rin sa akin na magkakagustong lalaki kung pareho kami ng mukha." "Oh my gosh! Si Creziah talaga ang bagay na maging Queen sa Campus. Bukod sa mayaman na, maganda talaga. Hindi maipagkakaila kung bakit ang daming naghahabol sa kanya." "Si Creziah talaga yung babaeng makita mo lang, kaiinggitan mo talaga. Sobrang perfect naman kasi." Ilan lamang 'yan sa mga komplimentong naririnig ko sa aking bestfriend. Oo, Creziah is my bestfriend. Lahat na yata na maganda at mabuting salita ay natatanggap niya na. Paano, she's really a smart and gorgeous woman kaya naging sikat siya. At nang malaman ng lahat na siya rin ang anak ni Mr. Xi na kilalang bilyonaryo ay halos sinamba na siya ng mga tao at estudyante sa University. Kaya nawalan tuloy ako ng spot sa campus. Dahil lahat nang ito ay inagaw ng babaeng 'yon. Ang hindi ko lang maintindihan ay pareho naman kaming maganda. Pero bakit siya pa yung mas kapuri-puri kaysa sa akin? I am friendly too. Bukod pa do'n, mas talented naman ako kumpara sa dalaga. So it's really unfair for me. Kung tutuusin, ay hindi nagkakalayo ang level naming dalawa. "Top 1 na naman si Creziah... Hindi ko na talaga siya ma-reach... Wala talagang makakatalo sa kanya," rinig kong saad ng magkaibigan sa unahan ng bulletin board. Nasa likod kasi nila ako at gusto ko rin sanang makita yung mga ranking. Pero dahil sa usapan ay parang nawalan na ako nang ganang tingnan pa ito. "Look oh, si Xyrell. Yung bestfriend ni Creziah... So pitty," maarteng bigkas ng katabi nito na animo'y nasa akin napunta ang kanilang pag-uusap. Since they mentioned my name ay naintriga naman ang dibdib ko kung ano ang pinag-uusapan nila. "Anong pitty ka dyan? It's so funny kaya... Akalain mo, naging bestfriend niya na si Creziah pero hindi man lang siya nakakasabay sa top 10. Nakakatawa siya," sambit nito dahilan para uminit ang aking ulo. But I control myself. Kinalma ko ang sarili at pinili ko na huwag magpaapekto sa sinasabi nila. Kilala akong mabait at hindi palaban na babae rito sa Campus. I've been bullied. Kaya sanay na sanay na rin ako sa mga negatibong naririnig ko tungkol sa akin. And I guess that's the reason kung bakit si Ziah ang laging hinahangaan dahil palaban siya. Pero yung pagiging palaban niya humahantong sa pagiging pabida dahil siya na yata ang pinapakinggan ng mga kapwa namin estudyante. Isama mo pa pati yung mga Professor namin na favorite din siya. "Hoy Xy, kanina ka pa ba rito? Sorry ha? Kakarating ko lang... Si daddy kasi, ayaw akong paalisin na walang kasamang guard," wika ng babaeng sumulpot bigla sa tabi ko. Kapag talaga chinichismis at pinag-uusapan ang isang tao ay mabilis na dumating. "It's okay. Alam ko namang strict si tito... By the congrats, top 1 ka ulit Ziah. I'm so proud of you," pahayag ko na may ngiti sa labi. Isang kaplastikan ang pinapakita ko sa kanya sa mga oras na ito. Hindi ko na kaya na pakitunguhan siya bilang totoong kaibigan. "Really? Top 1 ulit ako?" hindi makapaniwalang bigkas niya na akala mo naman ay nagulat siya sa resulta. "Yes. Sino pa ba ang pwedeng mag-top 1 dito? Ikaw lang ang nakikita naming lahat na deserving sa spot na 'yan," ani ko na lamang. Since kailangan ko pa siya. I will be a good bestfriend for her. Ipapakita ko na mabuti akong tao. Pero ang hindi niya alam, sinasaksak ko na siya patalikod. I hate her... Gustong-gusto ko siyang saktan dahil nilalamon na ako nang inggit sa kanya. "Thank you Xy ha? Ang supportive mo talagang kaibigan... You know what, matutuwa si daddy nito kapag nalaman niyang pinagbubutihan kong maigi ang pag-aaral," wika ng babae nang yakapin niya ako. "Lagi namang proud si tito sayo. Ikaw pa ba? Malakas ka sa mga tao eh. Kulang na nga lang ay lumuhod sila sa kagandahan at katalinuhan mo," turan ko rito. Kumalas na ako sa yakap kaya nagawa niya na akong tapikin sa balikat. "Grabe ka naman! Hindi naman ako ubod ng talino... Saka ikaw din kaya, magandang-maganda ka. Para na nga tayong magkapatid," hirit niya na akala siguro nito ay natutuwa ako. "Asus, dinamay mo pa talaga ako. Ikaw lang ang perfect person dito beh. Kaya huwag mo na akong bolahin... Ang mabuti pa, i-libre mo ako mamaya ng lunch time para naman mas matuwa ako sa'yo," ani ko na lamang. "Syempre naman. Let's celebrate together later. Kahit hindi ka nakapasok sa top 10, you also did your best," wika ni Ziah at talagang pinaalala pa nito kung gaano ako ka-bobo. Nagmumukha tuloy akong talunan kaya pinagtatawanan ako ng mga kaklase namin. "Sige... That's a great idea," walang emosyon na saad ko. Siya na ang kusang humawak sa aking braso habang naglalakad kami patungo sa cafeteria. Kapag ganitong oras ay pumupunta kami roon para sabay na mag-almusal bago pumasok ng classroom. Ganito kami ka-close ni Ziah. Oras-oras ay magkasama kami. Ako lang ang taong pinagkakatiwalaan niya kaya lahat nang tungkol sa kanya ay alam ko. Minsan nga, nagagaya ko na rin ang boses nito dahil siya lang ang nakakausap ko sa University. Pero si Ziah? Marami sa kanyang lumalapit at maraming nakikiusap sa dalaga. Habang ako? Walang ibang kaibigan kundi siya lang. Nakakataba man ng puso na siya yung taong tinanggap ako kahit hindi ako katalinuhan. Pero may pagkakataon talaga na bigla ka na lang magsasawa. At isa ako sa mga taong mabilis magbago. Hindi ko na kasi kaya na lagi akong kawawa at katawa-tawa sa paningin ng mga tao. Kaya sinabi ko sa sarili ko na gusto kong maging siya. Gusto kong maranasan na maging si Ziah. Para maramdaman ko rin ang maging mahalaga. Kaya nang malaman ko na may binabalak si papa tungkol sa pagkikidnap sa kaibigan ko ay hindi na ako humadlang pa. Si Papa? Matinik siyang tao. At oo, masamang tao si papa pero pagdating sa akin ay mabuti siya. And because of him, nakapasok ako sa sikat na University gamit ang perang nakuha niya lang sa panghoholdap at pangkikidnap. At hanggang ngayon, ayon pa rin ang trabaho ni papa. But this time, marami na siyang tauhan at siya mismo ang namumuno. Kung si papa ay habol lang ang pera... Sa akin, ang habol ko ay ang pagkatao at mukha ni Ziah... Hindi ako papayag na makakabalik pa siya ng mansion. Dapat ako ang pumalit sa kanya. Kaya oo, balak kong maging siya. Balak kong nakawin ang maganda niyang mukha para sa pansarili kong kaligayahan... "BAKIT KA HUMARAP SA BABAENG 'YON? PAANO KUNG NAKILALA KA NI ZIAH? EDI MABUBULILYASO ANG PLANO NATING DALAWA," saad ni papa nang makita niyang kakalabas ko palang galing sa silid kung saan kinulong at ginapos ang dalaga. "Just relax father. Hindi ako makikilala ni Ziah dahil magaling ako umiba ng boses. And look at my outfit. Hindi niya aakalain na kaya kong sumuot ng ganito. So don't think negative," ani ko sa aking ama para hindi niya na ako sermonan pa. Kumalma naman ito at muling ibinaling ang mata niya sa attache case. Kasalukuyan siyang nagbibilang ng maraming pera na galing mismo sa dad ni Ziah. Pinapaikot lang kasi ni papa ang matanda kaya ayan nauuto naman. Mabilis kasi siyang maniwala at mabilis na magbigay ng pera. Hindi tuloy maalis ngayon kay papa ang malawak niyang ngiti na tila konting salapi na lang ay magiging higaan niya na ang mga isang-libo na patong-patong. "Tiba-tiba ka yata papa. I'm so proud of you... Laging malinis at maayos ang pagkaplano mo. Hindi ka kailan man nabibigo," pagkokomento ko para sa gano'n ay makuha ko ang atensyon ng aking ama. "Kilala mo naman ang papa mo, Xyrell, basta usapang pera 'yan nagiging matalino ang isang matsing na katulad ko. Kaya ikaw, gayahin mo ako... Mautak!" usal niya ulit na talagang pinagyabang pa ang kanyang ginawa. Kaya naman ngumiti ako nang banggitin niya na dapat maging katulad niya ako. "Ginagaya ko naman talaga kayo papa. Ang katunayan nga n'yan nais kong sabihin ang gusto kong mangyari kay Ziah," wika ko upang ipaalam sa kanya ang magiging hakbang ko. Gusto kong iparating sa aking ama na yung buhay ni Ziah ay gusto ko na maging buhay ko na rin. Aangkinin ko nang panandalian ang kanyang posisyon bilang isang anak ng bilyonaryo. "At anong plano naman? Siguraduhin mo lang na maganda ang suhestyon mo para hindi masayang ang oras ko," bigkas nito na tila walang tiwala. Kung sabagay, bobo nga pala ako. Madalas na mali lagi ang kilos ko at hindi ako nakakapag-isip nang tama. Kaya nga lagi kong nararanasan ang kutyain ng mga tao sa aking paligid. "Papa, pwede bang kahit ngayon lang ay matuto kang bumilib sa anak mo? Sa University lang ako bobo, pero pagdating sa ganitong usapin, nakakaya rin na pantayan ng I.Q ko ang I.Q mo," wika ko naman. Gusto ko rin maranasan na maging proud si papa nang sa gano'n ay magkaroon na ako ng lakas na loob sa bawat desisyon ko. Kasi kahit umikot man ang mundo, kami pa ring dalawa ang magkasangga dahil magkadugo kami. "Bakit Xyrell, ano ba talaga ang pinaplano mo? Kasi nitong nakaraang araw ay dapat na sana nating ligpitin ang kaibigan mo. Pero pinigilan mo ako," ani niya dahilan para maalala ko yung araw na babarilin na sana ng tauhan ni papa ang dalaga. At tama siya, pinigilan ko nga. Ako mismo ang siyang gumawa ng paraan para hindi mamatay si Ziah. May natitira pa naman na kalambutan sa puso ko kaya hindi ko makakayang makita na humandusay ang babae na duguan at walang buhay. "Pinigilan kita papa dahil hindi pa ako tapos sa kanya. At kahit naman papaano ay mabuting tao si Ziah. Hindi natin siya pwedeng patayin," saad ko para ipaliwanag ang aking rason. Pero mukhang hindi yata nagustuhan ni papa ang narinig niya mula sa labi ko. "Nakikialam ka yata sa desisyon ko anak? Hindi ko gusto na ikaw ang komokontrol sa akin... Saka naperahan na natin si Mr. Xi, siguro naman ay sapat na itong milyong-milyon na pera para patahimikin na natin ang anak niya," sambit ni papa. "Sapat na ba sa iyo ang milyon na 'yan papa? Parang pinaparating mo yata na ganyang halaga lang ang gusto mong makamit," bigkas ko para demonyohin ang isipan niya. Naglakad naman ako papunta sa mismong harapan ni papa at sinimulan ko nang sabihin ang plano ko. "Kasi kung ako ang tatanungin, hindi sapat ang milyon na 'yan... Because I realized na dapat nating kunin ang lahat ng pera ng tatay ni Ziah... Kasi diba? Nasimulan na natin. Bakit hindi pa natin lubusin pa? Simutin na kaya natin pareho at kapag nangyari 'yon, sabay na natin silang patulugin na hindi dumadaan sa antok," I continue saying. "Hindi kita maintindihan... Ano bang pinupunto mo?" pagtatanong niya na may kaguluhan yata sa kanyang isip. "I just need your support papa. At the same time, that money... Pero hayaan niyo, ibabalik ko naman ang perang magagastos natin kapag naging successful ang operation," wika ko rito at nilihis ko ang usapan kaya lalo siyang naguluhan. "What? Teka, what kind of operation are you talking about? Hindi ko ma-gets ang point mo, Xyrell. Hindi mo pwedeng galawin ang pera na ito kung hindi naman makakatulong sa pagyaman natin," ani niya. Base sa pananalita nito ay takot siyang mabawasan ang pera. Takot siyang masayang ang pinaghirapan niya. "Papa, patapusin mo muna kaya ako nang sasabihin ko? Para naman hindi maputol ang usapan nating dalawa," saad ko na ikinatango niya dahilan para magpatuloy muli ako. "Didiretsahin na kita papa... Gusto ko maging si Ziah... Gusto kong agawin kung anong meron siya. Dahil kapag naging si Ziah ako, magagawa nating makuha lahat ng pera ni Mr. Xi. Kailangan natin ng pirma niya at ako lang ang makakagawa no'n," pagtuturan ko habang nakatingin sa mata ni Papa upang kumbinsihin siya. "Magpapanggap ako na si Ziah. Kukunin ko ang loob ni Mr. Xi hanggang sa siya na mismo ang magbibigay ng mga negosyo at ari-arian niya sa akin... Hindi ba't ang bongga nang naiisip ko papa?" wika ko nang hingin ko ang opinyon niya. "Hindi pwede. Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Delikado 'yon Xyrell. Tatanga-tanga ka pa naman... Paano kung mahalata ka? Mahalata ang kilos mo? Edi makukulong ka at pagsususpetsahan ka pa," saad nito na tila umaapaw ang pagiging concern niya sa akin. Ayaw niya akong malagay sa sitwasyon na manganganib ang buhay ko. Pero sa totoo lang, kaya ko naman. Kaya kong magpanggap na si Ziah. Kaso kung hindi papayag si papa, hindi ko magagawa ang bagay na ito na wala ang tulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD