CHAPTER 6

1075 Words
CHAPTER 6 CALIX's POV: NAPATITIG ako nang husto sa larawan ni Ms. Creaziah Xi. Kahit sa picture ko lang nakikita ang mukha niya ay hindi ko maiwasan na tingnan ito nang paulit-ulit. Parang nakuha niya ang atensyon ng mata ko. Yung kagandahan nito ay kakaiba na hindi mo basta-basta maaalis sa isipan mo. Pero wala akong gusto sa kanya. Wala rin akong balak na gustuhin siya. Ang sa akin lang, humahanga lang ako sa panlabas na anyo na meron siya. Kaso may parte ng utak ko na dapat ko siyang makilala at makita ng personal. Kaya marahan kong hinilot ang aking sintido dahil hindi pwede akong magpadalos-dalos. Hindi ako pwedeng maattract sa kahit sinong babae. Leader ako ng organisasyon. Kakabalik ko pa lang bilang isang Mafia kaya dapat kong pagtuunan ang aking trabaho. Minsan na akong nasawi sa pag-ibig. At ang pag-ibig ang siyang nagpapapahina ng loob ko. Siguro naman sapat na dahilan na si Jillian para hindi na ako magmahal ng iba. Yung naging karanasan ko kay Jillian ay isang magandang ala-ala na kailangan naming tapusin dahil kahit anong gawin ko ay wala akong karapatan sa kanya. Hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na binigay ko. Kaya dumating sa punto na ako na mismo ang siyang bumitaw dahil ramdam kong si Zach din naman ang pipiliin niya. Pinaglaban ko pa siya sa una. Kaso walang nangyari. Mas pinili niyang patawarin at tanggapin ang lalaking dinurog siya kaysa sa lalaking binuo siya. Kaya heto ako, nandito ulit sa organisasyon. Ang organisasyon na kailanman ay hindi ako tinalikuran kahit na tinalikuran ko sila nang dahil sa babae. "Boss, hinay-hinay lang sa pagtitig. Baka mamaya, agawin mo siya sa akin. Reserve na 'yan." Si Grex na biglang pumasok ulit na tila kanina pa akong pinagmamasdan. Agad kong ibinaba ang picture ni Creziah para ibaling ko sa binata ang aking mata. "Hindi ba't inutusan kita at binigyan ko kayo ng gawain para imbestigahan ang mga kakilala ng babae?" pag-iiba ko nang usapan. "May naiwan lang ako kaya bumalik ako rito. Hindi ko naman inaasahan na ganyang sitwasyon kita madadatnan," ani nito na binabalik sa litrato ni Creziah ang usapan. "Eto ba? Talagang pinagmamasdan ko nang mabuti ang mukha ng anak ni Mr. Xi nang sa gano'n hindi ko makalimutan ang itsura niya," pagpapalusot ko kahit hindi naman talaga ito ang dahilan. "Boss, hindi naman sa nag-ooverthink ako ha? Pero pwede bang ako na muna ang humawak ng litrato niya? Pakiramdam ko kasi ay inaagawan niyo ako ng pag-ibig," litanya nito. Diretsahan niyang sinabi ang kutob niya na hindi man lang nag-aalinlangan. "Pag-ibig? Tsk. Hindi mo pa nga kilala ang dalaga. At lalong hindi ka kilala ni Creziah tapos pag-ibig ang siyang nasasambit mo," wika ko para kontrahin ang binata. Para kasing gago si Grex. Mahalin ba naman ang isang babae na hindi pa siya kilala. Ni hindi nga alam ni Creziah na nabubuhay ang isang tulad niya. "Bakit boss? Mali bang umibig at umasa na magugustuhan niya rin ako? Kapag kasi nagkataon na maligtas natin siya, doon na ako manghihimasok. Kukunin ko ang loob ni Ms. Creziah... Kamahal-mahal naman ang mukha ko diba? Check mo nga boss kung pogi ako," saad nito na nag-pogi points pa sa aking harapan. Sinuklay niya rin ang kanyang buhok gamit ang kamay para magmukhang malakas ang dating. Pero hindi malakas na dating ang siyang nasilayan ko dahil nagmukha itong GGS. Gwapong-gwapo sa sarili. But instead of answering him ay tinutukan ko ito ng baril. Ganito ang bonding at samahan namin sa organisasyon. Ang baril sa amin ay isang laruan na ginagamit naming biro kapag may pag-uusap kami na nakakatawa. "Boss naman, sabi ko nga, magtatrabaho na ako. Para pagbalik ko ay meron na agad akong balita na dala para sainyo," ani nito nang hawakan niya ang baril at siya ang kusang kumilos para ibaba ko ito. "Kung gano'n, ano pang hinihintay mo? Alis na... Huwag mong sayangin ang oras. Hindi ko aagawin ang Creziah na ito sayo," turan ko para hindi na siya mag-isip pa nang kung ano-ano. "Talaga boss ha? Pangako mo 'yan sa akin. Aayusin ko talaga ang trabaho ko dahil maluwag na ang isip ko," masayang sambit niya. "Hindi isip mo ang maluwag, yung turnilyo ng utak mo ang maluwag kaya paayusin mo na," pagpaprangka ko. Kung hindi ko siguro siya tauhan ay iisipin kong may tililing ito. Patay na patay siya kay Creziah. At ngayon ko lang nakita kung gaano siya humanga sa dalaga. "Boss talaga, minsan ikaw ang laging komokontra sa akin. Pero kahit ganyan ka, mahal pa rin kita Boss Calix," bigkas nito na ikinadiri ko naman. "Tarantado! Tangina nito, umalis ka na nga!" malutong na mura ko sa kanya at akma ko sanang ipuputok ang baril sa ulo nito. Kaya agad siyang tumakbo palabas na hindi man lang kinuha ang tinutukoy niyang naiwan. Para kasing bakla ito kung umasta kanina na may panguso-nguso pa sa akin. Pero si Grex, loyal na tauhan ko 'yan. Loyal na kanang-kamay ko na hindi ako nagawang traydurin at talikuran. Kahit anong i-utos ko ay nagagawa niya nang tama. Para na rin siyang kapatid ko. Halos lahat naman nang tauhan ko ay tinuturing ko ng kapamilya. Kapag merong namamatay na isa sa grupo ko ay talagang nireresbakan namin para lang makaganti kami. Dahil 'yon ang sumpaan namin bago pumasok sa ganitong buhay. Alam kong kilala niyo na sila. Lalo na si Grex dahil siya ang lagi kong inuutusan noong mga panahon na tinutulungan ko si Jillian na makaganti. At ngayon, lalo niyo pa siyang makikilala dahil in love na ang gago sa isang babae na dapat naming sagipin. Hindi niya man nakikita pa sa personal ang dalaga, yung tama nito ay malakas na. Kaya yung kaligayahan niyang 'yon ay hinding-hindi ko hahadlangan dahil hindi ko ugali ang patusin ang gusto ng mga tauhan ko. Hindi ko ugali ang gano'n na inaagaw ang kasiyahan nila. Mas gugustuhin ko pa na maghanap na lang ng iba para walang gulo at away na mabuo sa amin. Sa palagay ko naman ay hindi mangyayari ito. Dahil wala na akong balak na buksan pa ang puso ko. Sakit lang sa ulo ang pag-ibig. Hadlang lang ito sa organisasyon ko. Iba pa naman ako kapag umiibig. Halos binubuhos ko lahat ng pagmamahal ko. Dumadating sa punto na nakakalimutan kong mahalin ang sarili ko. Kaya hangga't kaya kong pigilan ang aking puso ay gagawin ko, huwag lang ako bumalik sa dati na halos magmakaawa sa maling tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD