CHAPTER 7 "ANG PAGTAKAS"

1350 Words
CHAPTER 7 ZIAH's POV: PANIBAGONG UMAGA NA NAMAN. Pero ang umagang ito ay hindi magandang bungad sa akin. Nandirito pa rin ako sa silid kung saan nakagapos pa rin ang aking kamay. Kahit nangangati na ang katawan ko ay hindi ko ito magawang makamot dahil sa sobrang higpit ng gapos. Pinipilit kong alisin ang mga gapos na ito para sa gano'n ay makatakas ako. Kaya lang masyado nilang ginalingan ang pagkakagapos sa akin kaya nahihirapan ako. Natigil lang ako sa pag-aalis ng tali nang bumukas ang pinto at dalawang lalaki ang siyang pumasok. I don't want to judge them pero ang panget nila. At yung mata ng dalawa ay parang nasobrahan sa paghithit ng droga. Mga lulong na talaga sila at wala na sa tamang katinuan. Anytime, pwede nila akong galawin. Kaya natatakot ako. Hindi ko maiwasan na kabahan dahil nasisilayan ko mismo kung paano ngumisi at dumila sila na animo'y takam na takam ang mga ito na tikman ako. Kung kahapon ay isang mabait na lalaki ang siyang nagbantay sa akin, ngayon ay parang alagad ng demonyo na wala sa tamang pag-iisip ang patuloy na lumalapit sa gawi ko. Ang pintig ng puso ko ay halos mapunit na ang aking ugat. "A-ANONG GAGAWIN NIYO SA AKIN?" kabadong tanong ko sa kanila. Nangangaratal na ang aking boses dahil nanghihina na ako. Wala akong sapat na kinain kagabi. Ang totoo n'yan, hindi na ako nakakakain ng pormal. Sino ba kasing gaganahan na kumain diba? Kahit sinong tao na nakidnap ay hindi kakain kahit masarap na pagkain pa ang ilapag sa kanya. Alam ko kasi na kahit kumain ako ng marami ay hindi pa rin ako makakalabas dito. Wala nga akong kasiguraduhan kung makakalaya pa ba ako o dito na ako mismo mamamatay. "Matagal na kaming natatakam sayo Miss... Simula nang kidnapin ka namin ay matagal na kaming nang-gigigil sa katawan mo. Ang sarap mo. Ang ganda pa ng kutis mo. Kaya tiyak maganda at mabango rin ang tahong mo," saad nito na umaapaw ang kamanyakan sa kanyang dibdib. Sinasabi ko na nga ba. May balak sila sa akin. Balak nila akong galawin. Namumutla naman ako dahil ito ang pinakatatakutan ko sa tanan ng aking buhay. Ang gahasain ako at hawakan ang katawan ko. Kailan man ay hindi ko pinahawak sa kahit sinong lalaki ang aking katawan dahil isa ito sa bilin ni Dad. Respetuhin ko ang sarili ko para maging maayos akong babae. But how can I stop them? Kung ganitong eksena pa lang nga ay parang lamunin na ako ng aking takot. Hindi ko tuloy magagamit ang pinag-aralan kong martial arts dahil nakagapos ako sa upuan. Kung sana malaya ang kamay ko ay magagawa ko silang labanan. I know how to fight but this time I can't fight for myself because of my situation. "Huwag ka nang sumubok pang lumaban. Kung ako sayo Miss, just go with the flow, hindi mo kailangan na sumigaw o manlaban... Masasarapan ka naman kasi magaling kami sa ganito," ani ng isang lalaki. Anong masasarapan ang pinagsasabi nila? Sa mukha pa lang nila ay ang asim na. Ang babaho pa nila na tila hindi uso sa kanila ang salitang pag-ligo. "P-please no, a-ayoko," naiiyak kong sambit. Pinili kong ibaba ang aking pride at magmakaawa para sa gano'n ay hindi nila matuloy ang maduming takbo ng isip nila. Kahinaan ko ang ganitong senaryo. Ilang beses nang may nanghipo sa akin. Ilang beses na rin akong nabastos kahit maayos naman ang suot kong damit. Kaya may trauma na ako pagdating sa mga lalaki na walang respeto sa babae. Kahit naman kasuhan ni dad at ipakulong ang mga may gawa no'n sa akin ay hindi basta-basta mabubura ang masamang ala-ala na 'yon. "No, no... Ayoko pleasee," pakiusap ko sa kanila pero hindi nila ako pinakinggan. They just continue their plan. Inumpisahan na kasi nila na haplusin ang legs ko. Kaya nanginginig naman ako nang dahil sa takot. Wala akong magawa dahil nakapalda lang ako. And yes, I'm still wearing an student uniform. That's why I feel so sticky also. Yung kamay nila ay patuloy na gumagapang pataas dahilan para matunton nila ang butones ng aking blouse. Nasa may hinaharap ko na ang kanilang palad. Gusto kong sumigaw pero yung isang lalaki ay bigla niyang tinakpan ang bibig ko kaya hindi na ako nakahingi pa ng saklolo. Mukhang ito na yata ang huling araw nang buhay ko. Hindi na yata ako magagawang mailigtas pa ni Dad. Hindi na rin yata mangyayari ang nasa utak ko tungkol sa Mafia na pwedeng malapitan ni Dad. He told me na ano mang oras ay pwede niya 'yon malapitan, pero mukhang imposible na yata. Ayoko sana nang ginagawa nila pero wala akong lakas na labanan ang dalawang lalaki. Kaya napapaluha na lamang ako habang patuloy nilang hinahaplos ang aking katawan. Saka lang sila natigil noong dumating ang lalaking nagbantay sa akin kahapon.. Siya ang ang nagpigil sa mga ito kaya hindi nila naituloy ang kanilang binabalak. Nauwi naman sa suntukan ang pagsasaway niya na naging hudyat para magkanya-kanyang kuha ng baril ang mga ito. Lalo akong tinakot dahil baka mahagip ako ng mga balang pinakawalan nila. Malalakas na putukan ang siyang nangibabaw sa loob ng silid. Hindi ko makita kung sino yung namatay at sino yung nabuhay dahil nakapikit ang aking mata. Naidilat ko lamang ito nang maramdaman kong kinakalagan na ako ng binata. Oo, yung tumulong sa akin ang siyang nabuhay habang yung dalawang manyakis ay nakita kong umaagos ang dugo sa semento. "Naumpisahan ko na ang laban. Tiyak papatayin din lang nila ako, kaya itatakas na kita," saad nito kaya nagtataka ako kung bakit nagbago bigla ang isip niya. Tauhan lang naman ang mga 'yon. Pwede niya namang depensahan at gawan ng palusot ang pangyayari. Kaso tila nababasa niya yata ang takbo ng utak ko dahil sa muli nitong pagsalita. "Pinsan sila ng boss ko kaya magiging delikado na rin ang lagay ko," sambit niya ulit. I don't know why pero bigla akong napahanga sa lalaki. Handa siyang isugal ang buhay niya para lang makatakas ako. Ang tapang niya rin na tao. Kung hindi niya siguro sa akin kinwento ang kanyang buhay at kung hindi ko nakita ang mukha niya ay baka iisipin ko na siya yung tinutukoy ni papa na magaling sa pakikipagbakbakan at matapang ang loob. Kaso hindi eh. Hindi siya 'yon... But still I am very thankful for him. Hindi pa man ako nakakatakas dito sa lumang building ay parang niligtas niya pa rin ang aking buhay. Yung Mafia kasi na crush ko na gustong-gusto ni papa para sa akin ay isang halik lamang ang natanggap ko. And worst, ang halik na 'yon ay hindi pala para sa akin kundi sa ibang babae na sobra niya siguro minahal. Pero bakit ko nga ba iniisip ang halik na ito? Nasa alanganin ang buhay ko pero yung Mafia pa rin ang siyang inuuna ng utak ko. Gano'n na ba talaga ang paghanga ko sa kanya? Kahit sa bitag ng aking buhay ay siya pa rin talaga ang naaalala ko. Saka lang ako natigil sa pag-iisip sa binatang Mafia nang marinig ko ang malalakas na putuka. May nakakita sa amin na tumatakas kaya inambagan nila kami ng mga bala. Hinawakan ako sa palad ng lalaking kasama ko, just to make sure na safe ako. Tumatakbo kami ngayon palabas ng building. Pero dahil maraming mga armado ang nakapalibot ay nahirapan kami na makatakas. Barilan ang siyang naririnig ko na tila nabibingi na ako sa tunog. Nagkaka-trauma na ako sa tunog ng baril. Pakiramdam ko kasi ay konting maling galaw ko ay mababaril ako dahilan para mamatay ako. Kaso hindi pa ako handa na mamatay. I have so many plans on myself. Hindi pwede na hanggang dito lang yung buhay ko. Sa pagtatakbo namin ay ang pagbagsak ng kasama kong lalaki. Tadtad ng baril ang kanyang likod na animo'y siya ang sumalo ng mga bala na dapat ay para sa akin. Niyakap niya kasi ako mula sa likuran ko para lamang maprotektahan ako. Hindi ko pa siya nakikilala nang husto, pero yung pagprotekta at pagsagip niya ay malaking bagay na para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD