Ilang araw nakong nakakulong rito sa kwarto ko sa mansion. Nung nawalan ako ng malay sa hospital palihim akong dinala rito ng pamilya ko para hindi na kami magsama ni Z. At gusto pa nila na pumunta akong europe para lang makalayo kay Z ng tuluyan pero hindi ako papayag hindi ko kayang mailayo kay Z! Ikakamatay ko yon! Wala na rin akong naging balita kay Z matapos kong iuwi rito sa mansion pero minsan naririnig ko ang boses niya sa may labas ng mansion at isinisigaw ang pangalan ko. Hindi ko siya mapuntahan at mayakap dahil mahigpit ang mga bantay ko kaya tinatanaw ko na lang siya sa may bintana habang sinasaktan ng mga tauhan namin. Ilang beses na rin akong nagmakaawa kayla kuya na ibalik nako sa bahay ng asawa ko pero matigas sila! Ayaw nila akong pakinggan kaya wala akong ma

