bc

It's His Mistress (TAGALOG) - COMPLETED

book_age18+
41.5K
FOLLOW
138.7K
READ
family
inspirational
drama
twisted
city
cheating
lies
intersex
affair
wife
like
intro-logo
Blurb

Si Faith Elliana Mondragon-Montemayor ay isang responsableng asawa ngunit magiging responsable pa kaya siya kapag nalaman niyang may mistress ang kaniyang asawa? Hanggang saan niya kakayanin ang lahat?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
"Wife.." Napangiti naman ako sa yumakap sakin kaya hinarap ko siya. Ang gwapong mukha ng asawa ko. Hinihintay ko talaga siya twing gabi dahil hating gabi na siyakung umuwi. Alam kong mahirap ang trabaho bila heir ng pamilya. He's the onlychild. Hindi kagaya ko apat kaming magkakapatid at puro lalaki pa. Ako lang din naman ang nagiisang babae sa Mondragon Clan. Kaya ako ang hinirang na Heiress. At overprotective sila sakin lalo na ang mga kuya ko. "Can't sleep? I told you na wag muna akong hintayin pa" nakasimangot na sambit ng asawa ko kaya natawa ako. Nagagalit kasi siya kapag hinihintay ko siya pero anong magagawa ko? Asawa niya ako at responsibilidad kong hintayin siya. Maraming nagsasabi sakin na may kabit daw ang asawa ko at maraming babae ito, hindi naman ako naniniwala ron dahil alam kong ako lang ang babae ng asawa ko. Hind niya ako papakasalan kung mangbababae lang siya. "Ayos lang naman sakin yun. Maaga kasi akong nakauwi kanina galing sa FEM CORP hindi naman din ganun kadami ang ginawa ko" sambit ko sa kanya habang tinutulungan ko siyang tanggalin ang coat at necktie niya. "Hays. Alam mo naman ayokong napupuyat ka" malambing niyang saad sakin kaya napangiti na lang ako. Hindi talaga ako nainiwala na nangbababae siya kung ganyan naman niya ako lambingin. Pagkatanggal ko ng coat niya nanuot sa ilong ko ang isang hindi familliar na amoy parang amoy ng babae? I don't know, hindi kasi ganito ang pabango niya tsaka isa pa napansin ko na parang may lipstick ang sleeves niya. Pero hindi ko na yun pinansin baka pintura lang yon. Sinong niloko mo faith? "Hey What's wrong Wife?" Tanong niya sakin. Umiling lang ako at humiga na lang ako na lang ulo ko sa balikat niya at walang imik na napapikit na lang. "Mahal na Mahal kita Zendrick.." mahinang bulong ko sa kanya ramdam kong natigilan siya pero niyakap niya lang ako ng mahigpit. Sana lang mahal mo pa rin ako. -- Nakalipas ang buwan, at taon. Umabot na sa apat na taon ang pagiging magasawa namin , ganun parin naman siya sweet at maalaga sakin. Palagi ko parin siyang hinihintay kahit nakakatulugan ko na, tapos kapag gigising ako sa umaga na wala na siya sa tabi ko, susulatan lang niya ako na may meeting siya ng umaga kaya iniintindi ko na lang siya. Pero minsan nababalitaan ko na lang sa mga kaibigan ko na nasa isang bar si zendrick at gabi gabi daw itong nasa bar at parang may babaeng palagi niyang tinitignan o pinagmamasdan. Di naman ako nainiwala kasi alam kong mahal ako ng asawa ko. "Besh!" Napangiti naman ako sa narinig kong boses. Ang kaibigan ko mula elementary hanggang ngayon. Si Dale Corpuz. "I have something to tell you!" Kunot noong sambit niya sakin. Napailing naman ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. "about your husband!" Natigilan ako at tumingin sa kanya. Kumalabog ng malakas ang puso ko parang ayoko madinig ang sasabihin niya Huminga ako ng malalim "What is it?" walang ganang tanong ko sa kanya kahit na sobra sobra na ang kaba ko. "I told you may babae ang asawa mo! ilang mga kaibigan natin na may hinahatid sundo siya sa bar na sinasabi ko sayo!" sambit niya sakin na kina buntong hininga ko na lang. Here we go again. "How many times did i tell you dale na walang babae ang asawa ko? Maaga siya palaging umuuwi sa bahay namin" i lied. Dahil ayokong paniwalaan ang mga sinasabi niya. Hindi lang naman siya ang nagsasabi na may babae ang asawa ko miski ang iba pa naming mga kaibigan. Pang ilan naba siyang pinuntahan ako? Pang pito na ata. "Hanggang kelan ka magbubulagbulagan Fem?!" galit na tanong niya sakin. "Kailan ka makikinig samin?! I love you fem! Kaya ko sinasabi sayo to! I can't believe na mangbababae si Z! I know him!" Napailing naman ako sa kanya. Kilala ko siya kapag galit na. "Please dale? Mas kilala ko ang asawa ko. Im sorry pero walang babae ang asawa ko" mahinahong sambit ko sa kanya. Inirapan niya ako at padabog na lumabas ng opisina ko. Napansandal naman ako sa swivel chair ko at hinihilot ang sentido ko. Kilala ko si dale hindi siya magsisinungaling sakin pero kasi hindi ako maniniwala hanggat hindi ako mismo nakakakita. Napadilat lang ako nung tumunog ang telepono dito sa opisina ko kaya agaran kong sinagot yun. "This is Faith Montemayor speaking" walang gana kong sagot sa telepono. "Wife.." napaayos ako ng upo ng marinig ko ang boses ni zendrick. Napalunok na rin ako dahil bigla akong kinabahan ngayon. "Y-Yes?" Napapikit ulit ako sa katangahan na ginagawa ko! Jusko asawa mo lang yan Fem! Asawa mo! Bakit ka ba kinakabahan?! "Let's dinner I'll fetch you and i miss you" bigla naman naginit ang pisngi ko.. Sh*t Mas lalo tuloy akong nahuhulog sayo Z. "Sure! I miss you too!" In-end ko na yung tawag at nagsisigaw ako na sa wakas may time na kaming dalawa ng asawa ko. Sa loob ng apat na taon ngayon na lang ulit kami nagka-oras sa isa't-isa sa sobra din naming busy sa kanya kanya naming negosyo. "Young lady?" Takang tawag sakin ng butler ko. Napa peace sign naman ako sa kaniya at sinenyasan siya na lumabas na nang opisina ko. Gosh! Nakakahiya! Natawa na lang ako at nagayos nako ng sarili! Tama ang sabi nila na nagmumuka na daw akong losyang dahil sa trabaho! Kaya kailangan maganda ako sa date namin ng asawa ko. "Whats with your smile young lady?" Napalingon ako at mas lalo akong napangiti. Si Jaxien Mondragon one of my cousin. "Well guess what?" Nakangising tanong ko sa kanya. Kumunot lang noo niya at tila naghihintay ng sasabihin ko. "May date kami ng asawa ko!" Kinikilig na sambit ko sa kanya. Napailing naman siya sakin at ngumisi rin. "Buti naman naisipan ni Z na idate ang asawa niya. Sa pagiging busy niya kaya pati ikaw nakakalimutan na niya" nakangiting sambit niya. Natawa naman ako at niyakap siya. "Busy lang talaga ang asawa ko hindi madaling magpatakbo ng negosyo ng magisa lang. Hindi katulad satin na madami tayo" nakangiting sambit ko sa kanya. Ginulo naman niya ang buhok ko. "Pero sabihin mo lang kapag niloko ka ni Z kilala mo si kuya Fix mas masahol pa sa demonyo yon at iniingatan non ang Prinsesa ng Mondragon Clan" Napakunot naman ang noo ko sa kaniya. Ano bang sinasabi niya? "Hindi ako lolokohin ng asawa ko Jax" seryosong sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sakin at tumalikod na. "Sinasabi ko lang younglady handa namin patayin lahat ng manloloko sayo tatandaan mo yan" huling sambit niya bago tuluyang umalis ng opisina ko. Totoo ang lahat ng sinabi niya lalo na si kuya Fixion Alejandro Mondragon mas demonyo pa siya samin. Hindi mo nalalaman ang bawat kilos niya at madali niyang malaman kung may traidor o may gustong kumalaban sa pamilya namin. Hindi rin kami madaling kalaban, dahil bago mo pa kami maunahan sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya. Nagtext na lang ako kay Zendrick na magkita na lang kami sa may garden na malapit dito sa FEM CORP kaya lumabas nako binabati rin ako ng mga empleyado ko at nginingitian ko lang sila. Masyadong maganda ang mood ko kaya nadadamay sila. Takot kasi sila sakin dahil isa nga daw akong mondragon ang nakakatakot sa buong mundo. Pangatlo kami sa pinaka makapangyarihan sa buong city dahil nangunguna na don ang kaibigan ng pamilya namin. Masyado ko na nga namimiss si Scarlett Knight balita ko rin may mga anak na siya. Mayado din kasi akong busy kaya nawalan ako ng communication sa kanila. Si Zendrick kasi ang kaibigan ni Dominic Stone nung mga college kami. Hindi ko rin aakalain na magkakatuluyan pala ang dalawang yon. Ang swerte nila sa isat isa pero mahadera ang kapatid non tsk. nakarating nako sa garden nakaupo lang at hinihintay ang asawa ko. Napatingala ako sa langit na parang uulan ata dahil kitang kita ko ang pagdilim ng kalangitan. Nasan na ba kasi si Z? Sinilip ko ang cellphone ko baka sakali may tawag siya pero wala. No text, no reply. Bumuntong hininga na lang ako at sumandal sa inuupuan ko. Hihintayin ko siya kahit anong mangyari. Ilang oras nako sa paghihintay pero wala parin siya. Nasan na kaya siya? Baka may nangyari-- Aish! Fem calm down! Walang mangyayaring masama sa asawa mo! Napahimas nako sa dalawang braso ko dahil mas lumakas ang hangin. Bigla rin namang kumulog at bumuhos bigla ang malakas na ulan. Napapikit nako sa tubig ulan na tumatalsik sa mukha ko. N-No. H-Hindi ako aalis dito kahit anong mangyari. Maghihintay pa rin ako. Nanginginig na rin ako dahil sa lamig pero hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko. Pinaghandaan ko ang gabi na to kaya maghihintay pa rin ako. "Lady fem?" Napatingala ako at napansin kong pinayungan nako ng butler ko. "Malakas na ho ang ulan baka ho magka sakit kayo, sa loob niyo na lang po hintayin si Master Z." mahinahon ngunit walang emosyon na sambit niya sakin. Nginitian ko lang siya. "T-Thank you pero maghihintay pa rin ako ngayon dito dadating si Z alam kong dadating siya" pahina na ng pahina ang sambit ko at napayuko at hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Hindi na nagsalita ang butler ko at narinig ko na lang na bumuntong hininga siya at pinayungan na lang ako habang nakatayo siya sa gilid ko. "J-John kaya ko ng mag-isa" mahinang sambit ko muli sa kanya. "P-Pero--" Ngumiti ako kaya natigilan siya. "L-Leave me alone please? Hihintayin ko pa rin ang asawa ko" Nagaalalangan siyang iwan ako pero bumuntong hininga na lang siya at binigay niya sakin ang payong pero hindi ko inabot at napayakap na lang ako sa tuhod ko. Naramdaman ko na lang sinara niya ang payong na dala niya at inilapag niya sa tabi ko at narinig ko na lang ang mga yabag niya. Hindi pa rin tumitigila ang bugso ng ulan. Basang basa na rin ako at wala na rin sa ayos ang itsura ko. Nabigla ako ng biglang nag vibrate ang phone ko kaya nabuhayan ang loob ko. Natataranta kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko nang bigla ring nawala ang ngiti ko sa nabasa kong message mula sa kaniya. My hubby - mahal im sorry nagka emergency lang kasi umuwi kana at kumain. I love you. Bawi ako next time. Hindi ko namalayan nabitawan ko na pala ang phone ko at wala ng tigil ang pagpatak ng mga luha ko kasabay ng pagbuhos muli ng malakas na ulan. Naghintay ako Z. Naghintay ako dahil buong akala ko magkakaroon na tayo ng oras para sa isa't-isa. Sana hindi kana lang nagsabi para hindi ako umasa sa wala. **

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.3K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.0K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.4K
bc

His Cheating Heart

read
41.3K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook