KABANATA 2

1712 Words
A R I Y A H "Riyah!" Napalingon ako sa tumawag sakin, si Belle pala ang kaibigan kong babae dito sa Club. Ngumiti naman ako sa kaniya at kinausap saglit ang mga matatandang lalaki na binigyan ko ng alak. Nagbow muna ako at nagmamadali akong lumapit kay belle. "Ano yun?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Hay nako si Mr.Jung hinahanap ka" nakasimangot na sambit niya sakin kaya nawala ang ngiti ko at ginapangan ako ng kaba. Si Mr.Jung ang matandang biyudo na palagi akong hinahanap para ko na siyang tatay kaya ginagalang ko siya. Pilit na ngumiti lang ako kay belle. "Ako nang bahala sa kaniya" tumango naman siya at umalis na sa harapan ko. Bumuntong hininga naman ako at dumiretso sa V.I.P room namin dahil naron lang naman siya. Pagpasok ko nagbow muna ako sa mga bodyguards niya. "M-Mr. Jung" bungad ko sa kanya. Ngumisi naman ang matanda at sinenyasan na lumapit ako sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang lumapit. Umupo ako sa tabi niya pero may distansya ng kaunti kasi iba pakiramdam ko sa kanya. Palagi niya kasi akong tinitignan at medyo naiilang ako sa kanya. "Drink?" Umiling ako sa kanya kasi hindi naman ako umiinom. Tumango lang siya at napaigtad ako ng mapunta ang kamay niya sa hita ko kaya napahinga ako ng malalim at awkward na ngumiti sa kanya at dahan dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakapatong sa hita ko. "Iha, ibibigay ko lahat ng gusto mo basta sumama ka sakin" nakakatindig balahibong sambit niya kaya napalaki ang mata ko ron At bahagyang lumayo sa kanya. "A-Aalis n-na po ako" Tatayo na sana ako ng hawakan niya ako sa braso ng mahigpit. "Alam mo bang kaya kong ipasara tong pipitchuging bar niyo?! Napaka choosy mo naman! Alam ko naman yun ang trabaho mo!" Galit na sambit niya kaya naiiyak na ako. Hindi akalain ganito siya kabastos! "Babayaran kita--" Sinampal ko kaagad siya para tumigil na siya sa kakasalita at galit naman akong humarap sa kaniya. "Hindi ako katulad ng mga babae mo!" sigaw ko sa kanya at lalabas na sana ako sa vip room nang bigla akong tutukan ng baril ng mga bodyguards niya kaya napaatras ako sa gulat. "Hahaha akala mo makakatakas ka sakin ng di manlang ako nakatikim?!" Nakangising demonyo na lumapit sakin si Mr.Jung kaya umatras ako ng umatras. "Maawa kayo mr.jung please" naiiyak na sambit ko sa kanya pero parang wala siyang narinig at patuloy lang itong lumalapit sakin. "Saglit lang naman ito iha don't worry babayaran kita ng malaki" nakangising sambit niya sakin at sinumulan niya akong halikan. Nagpupumiglas ako at umiiwas sa mga halik niya. Naiiyak na rin ako hindi ko aakalain na tinuring kong ama-amahan gagawin ito sakin. "TULONG--Hmpp! TULONG!" Malakas na sigaw ko kahit alam kong walang makakarinig sakin. "HAHAHAHA--huk" Nakapikit ako habang umiiyak pero naramdaman ko na lang na wala na si mr.jung sa harapan ko kaya napadilat ako, nanlaki ang mga mata ko na nakatumba na si mr.jung sa sahig at may isang lalaking nakatayo za harapan ko. Napaupo na lang ako dahil nanlalambot na ang mga tuhod ko sa takot at sa kaba. Napayakap nako sa sarili ko at taimtim na umiyak sa sulok. Mabuti na lang may taong tumulong sakin dahil kung hindi baka nakuha na ng matanda ang pag-aari ko. Napatingin muli ako sa lalaki, pamilyar siya pero hindi ko masyadong natatandaan kung saan ko siya nakita. "Mr.Montemayor pati ba naman ikaw? Makikihati sakin? Alam ba ito ng asawa mo?" Nakangising sambit ni mr.jung kay mr.montemayor ayon sa narinig ko pero nanatili lang madilim ang mukha nito at nakakuyom ang kamao. "You bullshit! Gusto mong sabihin ko sa publiko na nanghaharass ka ng babae! Try me mr.jung at lahat ng meron ka mawawala ng isang iglap" nagpipigil na sambit niya kay mr.jung. nawala ang ngisi ni mr.jung at padabog na umalis sa kwarto. Nakahinga ako ng maluwag ng wala ng mr.jung sa harapan ko dahil hindi ko alam kung anong mangyayari kung pagpapatuloy nila ang pag-aaway. Baka paalisin nako ni Madam B dito sa club niya kapag may gulo na nangyari. Ito lang din ang kinabubuhay ko sa kapatid ko at sa nanay ko. Kung aalisin ako sa trabaho, Saan nako pupulutin nito? Kaya kahit anong mangyayari titiisin ko na lang ang lahat para lamang sa pamilya ko. Naramdaman ko na lang din ang mainit na braso na yumakap sakin. "Sssshhh im here" bulong niya at napapikit na lang ako dahil nararamdaman ko na safe ako sa kaniya. Maraming salamat sayo mr.montemayor. -- Walang araw na hindi dumadalaw sakin si Zendrick isang kilalang businessman. Palagi siyang nasa bar kung saan ako nagtatrabaho. Nag-offer siya sakin ng trabaho pero tinatanggihan ko dahil masyado ng nakakahiya. Palagi niya rin akong pinupuntahan sa mumunti naming tahanan at palagi rin niyang binibilhan ng mga laruan ang kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit ganun siya samin ng pamilya ko. Nagoffer rin siya sakin na mag ipagamot si nanay pero tinatanggihan ko lubos lubos na ang mga naitulong niya sakin. Naalala ko pa nung naririnig ko silang naguusap ni nanay. "Inang Arila pwede ko bang ligawan ang inyong anak?" Halos hindi ako mapigilang kiligin at mamula ang buong pagmumukha ko sa narinig ko. Ako liligawan niya? Isa akong simpleng babae na may simpleng pamumuhay pero bakit ako ang napili niya? Sa mundo niya marami siyang makikilala na magaganda at naglalakihang pamilya pero nagtitiyaga siya rito sa maliit at marumi naming tahanan. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko kay Zendrick. Dahil siguro mahal ko na siya. Hindi rin nagtagal naging kami ng dalawa, dahil araw araw niya akong nililigawan ng walang palya kahit gabing gabi na pupuntahan niya ako para bigyan ng pagkain o hindi kaya dadalaw lang siya para lang makita ako. Hindi ko maipagkakaila na lumalim na ang nararamdaman ko para sa kanya. Umabot na rin ng dalawang taon ang relasyon namin na walang pagtatalo dahil naiintindihan namin ang isa't-isa. Gusto na rin niyang umalis nako sa trabaho ko dahil masyado ng delikado kung magpapatuloy ako sa bar kung saan ako nagtatrabaho. Binilhan rin niya kami ng sarili naming apartment para sa bagong buhay namin ni nanay at ng bunso naming kapatid. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang mawala si Zen sakin. "Baby tanggapin muna kasi yung apartment na binili ko para sa inyo" nakangusong sambit niya sakin. Nandito kami sa condo niya gusto daw niya kasi akong masolo. Hinalikan ko siya sa labi kaya humigpit ang yakap niya sakin. "Baby sobra sobra na ang naitulong mo sa pamilya ko. Kaya hindi ko na yun matatanggap" malambing na saad ko sa kanya. Ngumuso lang siya kaya natawa ako. Ang cute cute niya kapag ngumunguso. "Last na to baby please?" At sumiksik siya sa leeg ko. Natawa naman ako at hinayaan lang siyang halik halikan ang leeg ko palagi niya kasing ginagawa sakin ito. "Hays. Ang kulit mo talaga zen oo na pero tsaka na ha? Alam mo naman si nanay hindi maiwan ang pamana samin ni itay" sambit ko sa kanya. Tumango tango lang siya sakin at hinahalik halikan ako sa mukha kaya natawa na lang ako. Ganyan siya kalambing sakin at napaka possessive pa. DING DONG! Natigilan kami ng biglang narinig namin ang pagtunog ng doorbell. Nagkatinginan kami ni Zen hanggang sa sumimangot na siya kaya napangiti na lang ako. "May bisita ka ata sige na pagbuksan mo na" natatawang sambit ko at tinulak tulak ko siya. "Aisssh! Istorbo naman!" Nakasimangot na sambit niya. Natawa lang ako at pinagmasdan siyang nakasimangot na nagbukas ng pinto. Hinintay ko lang siya sa sala mukang napatagal ata ang pakikipagusap sa labas. "Ariyah right?" Napalingon ako at nahiyang ngumiti sa lalaking bumungad sakin. "Im Nelson Delafuente Zendrick's friend" pakilala niya sakin. nakaipagshake hands naman ako sa kaniya mukang mabait naman siya kaya ngumiti lang ako. "Bro to my room" seryosong saad ni zendrick sa kanya kaya kahit nagtataka ako tumango lang ako sa kanila at ngumiti. Atsaka sila dumiretso sa office ni zendrick at pinagpatuloy ko ang panonood ko. - Z E N D R I C K Ano kaya kailangan niya? Siya lang ang nakakaalam na girlfriend ko si Ariyah. At mapagkakatiwalaan ko siya. Hindi ako nakapunta nung dapat may dinner date kami ni faith kasi inatake ng sakit ang nanay ni Ariyah kaya kailangan niya ako. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito ang nararamdaman ko. "Gago ka bro! Alam mo bang isang linggo ng may sakit ang asawa mo?!" Inis na sambit niya sakin kaya nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hindi mo alam noh?! Kasi isang linggo ka ring wala! Ano bang nangyayari sayo?! Pinaghintay mo si Faith! Tapos nandito ka kasama ang kabit mo?!" Galit na galit na sambit sakin ni nelson. Hindi ako nakapag salita at hindi ko rin malaman ang sasabihin ko. Nagaalala ako kay faith pero kailangan pako ni ariyah ngayon. "Bro mahal ko si ariyah" mahinang sambit ko sa kanya na nagpatigil sa kanya saglit at kumunot ang noo niya. "Z nagbago kana hindi ba? Bakit bumabalik ka nanaman sa dati? Alam mo ang pamilya ng asawa mo. Nagiisang babae si faith sa mondragon at hindi nila hahayaan na masaktan ang kaisa isang babae ng pamilya nila" seryosong sambit niya sakin at napahagod siya sa buhok niya. "Z habang may oras pa habang kaya mo pang itama ang pagkakamali mo, ayusin mo na bago pa magkagulo ang lahat. Sa huli kailangan mong mamili sa dalawa. Kung ang asawa mo ba or your mistress hindi pwedeng dalawa sila Z." Napakagat nako sa labi at hindi nakasagot sa kanya. "Kaibigan kita Z pero hindi kita kukunsintihin sa ginagawa mo dahil unang una mali na ang ginagawa mo. Maling mali to bro sa mata ng lahat you're cheating your own wife. Sana hangga't may oras pa ayusin mo na ang gulo mo" tinapik niya ako sa balikat at iniwan niya akong walang sagot na maririnig mula sakin. Natanaw ko na lang paglabas niya mismo rito sa condo ko. Napapikit na lang ako at napakuyom sa kamao bago ko kinuha ang larawan namin ni faith na nandito mula sa opisina ko sa condo. I-Im sorry faith.. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD