KABANATA 3

1885 Words
F A I T H "Fem! Sabi ko sayo magpunta na tayo ng hospital! Look at you! Masyado ka ng maputla!" Sigaw sakin ni dale. Umiling lang ako sa kanya Ayokong pumunta sa hospital baka kasi makarating sa pamilya ko na may sakit ako at baka lahat ng magagaling na doctor na kilala namin ipasuri ako. Masyado silang overreact pagdating sakin. "Isang linggo kanang may lagnat fem! Bat kasi nagpaulan ka ha?! Ni hindi ka nga sinipot ng asawa mo! I told you nasa kabit niya yon!" Inis na sambit niya sakin. Bumuntong hininga naman ako here we go again. "Dale alam mo naman mangyayari kapag nalaman ni chairman to hindi ba? Lalo na't sina mom and dad! Oa sila baka lahat ng doctor sa mundo tawagin nila" mahinahong kong sagot sa kanya. Isang linggo Isang linggo nakong may sakit dahil na rin sa nagpaulan ako nung gabing hindi ako sinipot ng asawa ko. Akala ko dadating pa siya dahil alam kong hindi niya ako kayang paghintayin ng matagal. Hindi niya kahit na kailan ginawa sakin ang bagay na yon Pero ngayon, nagagawa na niya. Anong nangyayari Z? Nasan kana ba? Hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi rito. Hindi ba niya ako naalala manlang? Hindi ba niya alam na may sakit ako? Hindi ko na alam, hindi niya gawain ito noon dahil dati rati oa siya kapag nalaman niyang may sinat ako, pumupunta kaagad kami sa hospital pero ngayon natitiis na niya ako. Kailangan ko na nga bang maniwala sa kanila na may kabit siya? Kailangan ko na ba siyang paimbestigahan kung anong ginagawa niya? Napailing ako sa naiisip ko magmumukha akong desperadang asawa kapag ginawa ko yun at baka sabihin pa niya na naghihinala ako sa kanya. Atsaka may tiwala ako sa kanya na hinding hindi niya ako magagawang lokohin. Hindi nga ba faith? Umuwi ka lang Z lahat ng hinala ko mawawala at babalik muli tayo sa dati. "Ano? Iniisip mo nanaman ang wala mong kwentang asawa?" Napakurap ako at lumingon sa kanila. Oo yung mga kaibigan namin ni Zendrick nandito. Sinamaan ko ng tingin si georgina Hindi siya walang kwenta! Alam kong uuwi siya ngayon! "Oh? Tama naman ako hindi ba? Wala siyang kwenta! Ni hindi pa nga siya umuuwi dito!" galit na sambit ni Georgina. Hindi ako makapagsalita para sabihin na may kwenta si Z! Ako ang asawa at hindi sila pero hindi ko rin mailabas ang mga gusto kong sabihin dahil kilala ko sila, isa sila sa mga fans ng love team namin ni Z noon kaya hindi ko din sila masisisi. "Maniwala ka samin na may babae yang asawa mo! Wag ka ngang magbulag bulagan sa mga nangyayari Faith! Hindi na ikaw to!" Sambit ulit niya at padabog na lumabas ng kwarto ko. Napayuko naman ako at napatakip sa mukha. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko! Hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin kung totoo man ang mga sinasabi nila Hindi ko na alam. "Pagisipan mo yung mga sinasabi namin sayo. Mas nagaalala kami sa magagawa mo kapag ikaw mismo nakaalam na totoo ang mga sinasabi namin sayo" sambit naman ni Nympha. She's right Kapag totoo ang sinasabi nila at makarating sa pamilya ko baka madamay ang negosyong pinaghirapan ng asawa ko at yun ang ayokong mangyari lalo na kapag nalaman to ng mga kuya ko baka masaktan lang nila si Z. Ayoko siyang masaktan lalo na't alam niya ang buhay na meron kami. Kahit nanghihina pa ako tumayo ako at humarap sa salamin. Ibang iba na ang itsura ko noon sa ngayon para na akong may sampung anak sa itsura ko wala na ang dating faith na bitches sa lahat. Tama si George hindi na nga ako ito Hindi na nga ako yung faith na palaban at bully noon Hindi na ako yung babaeng walang kinakatakutan noon. Napangisi ako ng mapait Tama sila nagbabago ang tao kapag nag-asawa na. At yun ang nangyari sakin ngayon. Napahawak ako sa tyan kong flat Bakit hanggang ngayon wala paring laman to? Ilang beses nanaming sinubukan ni Z para lang makabuo kami pero hanggang ngayon wala parin at natatakot ako na baka hindi ko siya mabigyan ng anak. Natatakot akong iwanan niya ako ng dahil lang sa wala kaming anak. Hindi ko namalayan tumulo nanaman ang masasaganang luha ko siguro nga kailangan ko ng magising sa katotohanan Masyado nakong nabubulag sa pagmamahal ko kay Z gusto kong malaman kung totoo ba ang sinasabi nila. At kung totoo man yon Tatanggapin ko kahit masakit para sakin pero sana wala siyang iba dahil hindi ko kakayanin. "Hello Mrs.Montemayor? What can i help you?" Huminga ako ng malalim at lumunok muna bago ako sumagot. "I need a Private Investigator right now please meet me at Deogracia's Cafe.." Sana tama ang desisyon ko.. At Sana mali ang hinala ko Z dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa malalaman ko. - "Magiingat ka baby salamat sa paghatid" nakangiting sambit sakin ni Ariyah. Ngumiti naman ako at hinalikan ko siya sa labi. Hinatid ko na siya dahil tumawag sakin si Jax na may paguusapan daw kami. Jaxien Mondragon is my Bestfriend siya ang naging tulay para mapasakin ang pinsan niyang si Faith. "Uuwi nako, Call me okay?" Tumango naman siya sakin at kumaway. Tinanaw ko lang siya hanggang makapasok siya sa bahay nila. Napabuntong hininga naman ako at tumalikod na rin atsaka ako naglakad papunta sa sasakyan ko. "So tama ang hinala ko" Nanlaki yung mata ko at lumingon sa nagsalita. Si Coren Jordan. One of my friend. Nakasandal siya sa pader at nakangisi sakin. "May kabit ka nga.." Umayos siya ng tayo at nakapamulsang naglakad palapit sakin. "Isang Zendrick Montemayor may kabit?" Tumawa siya ng mahina at tinapik ako sa balikat. "She's beautiful isn't she?" Napailing naman ako sa kanya, masyado siyang pilyo. Hindi ko aakalain na susundan niya ako. "Kaya ba hindi ka umuuwi sa piling ng asawa mo? Kasi sa ibang bahay ka pala umuuwi" pinagmasdan niya ang bahay nila Ariyah at bahagyang tumango. "Hindi kita masisisi man, maganda naman si ariyah pero mas maganda parin si Faith. Balita ko nagkasakit daw asawa mo pero walang alam ang mga mondragon dahil oa sila pagdating sa heiress" ngumisi siya sakin at nagsindi ng sigarilyo niya. "Pag nalaman to ng lahat.." Huminto siya at lumingon sakin. "Katapusan muna bro. Alam mo ang kayang gawin ng mga mondragon. Lahat ng pinaghirapan ng pamilya mo mawawala na parang bula at madadamay pa ang babaeng walang muwang sa mundo mo.." Napailing siya at halata ang disappointment sa mukha niya. "Hindi ko to sasabihin sa kahit na kanino pero sana bago mo pinasok ang gulong to sana nagisip ka muna. Walang nakakalusot sa pamilya ng asawa mo kaya magiingat ka" tinapik niya ako sa balikat at sumakay na siya sa motor niya. *Beep* Tinanguan ko lang siya at pinaharurot na niya paalis ang motor niya. Bumuntong hininga naman ako at sumakay na rin sa sasakyan ko. Gusto ko na rin makita si faith dahil nagaalala rin ako sa kanya atsaka miss na miss ko na siya pero bago yon haharapin ko na muna si Jax. Habang nasa daan ako iniisip ko yung sinabi ni Coren sakin. Tama siya o sila dahil malaking gulo talaga ang pinasok ko at baka madamay pa ang pamilya ko at mawalan ng alyansa sa pagitan ng pamilya namin ni faith pero anong magagawa ko? Mahal ko silang parehas hindi ko nga lang alam kung sino ang matimbang dahil nabihag din ako ng husto kay ariyah at parang hindi ko kakayanin na mawala siya sakin. I will protect her kahit anong mangyari at hanggang sa makakaya ko, hindi ko hahayaan na pati sila madamay sa katangahang ginawa ko. Sana mapatawad nila ako lalo na ang asawa ko. - Pagdating ko sa bahay namin ni faith patay na ang mga ilaw baka natutulog na siya. Napaupo ako sandali sa sofa at iniisip ko ang napagusapan namin ni jax hindi ko alam pero nakikiramdam lang ako kay jax feeling ko may alam na siya. (FLASHBACK) Pagdating ko sa club ni phaire mondragon kinawayan ako ni jax na umiinom na sa kaniyang kopita. Alanganin akong ngumiti sa kaniya at umupo ako sa harapan niya. "Ano ang atin?" Nakangising tanong ko sa kaniya. Nag angat siya ng tingin sakin at tinaasan ako ng kilay pero ngumisi rin siya kalaunan. Nagtaas siya ng kamay at may waiter na lumapit sa kaniya. "Mojito" tipid na sambit ko sa waiter na tinanguan ako at nilisan ang pwesto namin. "Bro!" Bati ni phaire samin. "Tsk. Back to work phaire" inis na sambit ni jax sa kaniya na nginisihan lang niya. "May mga bago akong labas na alak baka gusto niyong tikman galing pa ito sa--" natigilan siya ng sipain siya ni jax sa tuhod na kinaungol niya. "What the fvck man?!" "Leave us alone phaire. I'll count--" At mabilis na tumakbo paalis si phaire sa harap namin. Natatawang napailing na lang ako sa kanilang dalawa pero nawala ang ngiti ko ng seryoso akong tinignan ni jax. "Ano ang paguusapan natin jax?" tanong ko sa kaniya na kinangisi niya. "How's your date with young lady?" Natigilan ako at napalunok na lang. Damn! Nakalimutan kong hindi ko nasipot si fem sa dinner date namin. "Hindi mo sinipot si faith?" Napakuyom ang kamao ko at napalunok na lang. "Sinabihan ko si faith na hindi na muna matutuloy ang dinner date namin dahil nagkaroon ng emergency sa isang site" sagot ko sa kaniya. Tumango tango naman siya sakin. "Do you think im stupid?" "Jax.." Bumuntong hiningi siya at kinuha niya ang kopita niya at inalog ito ng marahan bago niya akong tinignan. "I have known you for a long time, we have been friends for a long time. I knew you before you met faith. Alam ko rin kung gaano ka gago noon. kaya siguraduhin mong hindi ko malalaman na ginagago mo si faith. You know my family Zendrick wala silang sinasanto" seryosong sambit niya na kinalunok ko lang. "Kung sasaktan man kita sa ginawa mo kay fem alam kong hindi niya yon ikakatuwa. Bumawi ka sa kaniya Z. Bumawi ka sa asawa mo" Napapikit ako at napangiti na lang sa kaniya. "Alam ko ang mali ko. Hindi ko na yun uulitin" nakangiting sambit ko sa kaniya at tumango siya. "Go home Z. Faith is waiting for you" Tumango ako at tumayo na. "Yeah. Thanks man" Tinapik ko na siya sa balikat at lumabas na ako ng club pero napasulyap pa ako kay jax na nakatingin pa rin sakin. Im sorry jax hindi ko hahayaan na mapahamak si ariyah. Hindi ko maipapangako na hindi ko masaktan si faith pero susubukan ko. - Napadilat ako at tumayo na para puntahan ang asawa ko. Pagpasok ko sa kwarto nakatalikod sakin si faith na mahimbing na natutulog. Napangiti na lang ako at umupo sa tabi niya pero natigilan ako ng makita ang wedding picture namin kaya kinuha ko ito at pinagmasdan. Halata ang saya namin nung araw na kinasal kami yun na yata ang pinaka masayang araw sa buhay ko dahil sa wakas napasa akin na ng tuluyan ang babaeng pinangarap ko. Napatingin ako kay faith at hindi ko namalayan na may luha na palang tumutulo mula sa mga mata ko. Im sorry faith! Im sorry.. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap ng mahigpit. Im sorry.. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD