Nagising ako sa isang madilim na silid. Ginala ko yung paningin ko at napagtanto ko nandito ako sa kwarto namin ni Z. Tatayo na sana ako ng mapansin kong may napansin akong nakatanday sa bewang ko kaya napalingon ako ron. Napangiti ako ng makita ang maamong mukha ni Z. Tumigilid ako paharap sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo pero napansin ko may pasa siya sa labi. Kumunot lang ang noo ko, bakit siya may pasa sa gilid ng labi? Nakipagaway ba siya? "Hmm.." Humigpit yung yakap niya sa sakin kaya niyakap ko rin siya. Hindi ko hahayaan na masira ang bubuuin naming pamilya ni Z. Hindi ko siya kayang iwan hindi ko kaya na wala siya sa buhay ko. Siya yung nakapagpabago sa ugali ko mamahalin ko siya hanggang sa kamatayan. Muli nanamang tumulo ang luha ko at pumikit na lang.

