Ilang araw na ba akong naglalakad???
Pagod na pagod nako pero sabi nga nila...
"Mapapagod lang pero di susuko!" chos
May patutunguhan paba ako???Ubos na din yung pagkain na ibinigay ng babae sakin wala namang mabilhan ng makakain dito sa ilang araw kong paglalakad madami akong natutunan sa mga taong nakakasalamuha ko...
"Gutom nako" sabi ko at huminto muna at umupo binuksan ko ang bag at nakita ko na may ilang gamit pa ang nandun may nakita akong isang box na kulay pula binuksan ko naman yun at hmmm mabango ah inamoy amoy ko muna at tsaka tinikman...
Maanghang pero malamig sa bunganga...
Tinignan ko yung box at binasa yun buti nalang tinuruan kaming bumasa wahahahaha
"Colgate?" yan ang nakasulat sa box hays dibale na pwede na tong panlaman ng tyan...
"Miss Miss? okay ka lang?"Tanong ng isang babae at halatang bata pa to nginitian ko naman sya base sa damit nyang madumi mukhang palaboy laboy din to...
"Okay lang ako ikaw ba?"tanong ko naman
"Nagugutom nako eh"sabi nya at bumuntong hininga napatingin naman ako sa bagay na hawak ko
"Gusto mo share tayo?"sabi ko pero nangunot ang noo nya
"Di naman pagkain yan Colgate yan pang linis ng ngipin" sabi nya ay bumusangot
Akalain mo yun panlinis pala to ng ngipin...
Kinuha ko ang salamin at tinignan ang ngipin ko na ubod ng puti...
"Grabe napakaganda ng ipin mo di tulad ng sakin"sabi ng babaeng laboy
"Lahat ng likha ng Diyos ay maganda di mo lang napangalagaan ng tama kaya nagkaganyan"sabi ko at ngumiti
"Diyos? meron ba nun?tss" singhal nya kaya agad ko syang hinarap buti nalang may kalakihan ang harap ko noh napansin ko ang pag awang ng bibig nya at napatingin sa boobs ko
"Maputi na ang ipin at may dibdib pa! ano pa ano pa ang ipinagkait sakin!" sabi nya at animoy umiiyak
"Merong diyos at totoo sya,Maniwala ka sakin kelangan mo lang na manalig sakanya at ibigay ang buhay mo hayaan mong sya ang maging sentro ng buhay mo"sabi ko naman at ngumiti
"Kung may diyos di ako magkakaganto di ako magiging laboy!" Singhal nya pa
"Takte ka ah! Galit ka galit ka?!" singhal ko din pero agad syang umiling
"Alam mo teh KJ ka imbes na icomfort moko eh" atungal nya kaya natawa ako
"Drama mo kasi nananapak pa naman ako ng madrama"seryoso kuno kong sabi kaya bumakas ang takot sa mukha nya kaya bigla ako tumawa
"Hahahha tama na nga yan binibiro lang kita"sabi ko naman
"Anong Pangalan mo?"tanong nya sakin bigla akong nanlumo
"Hehe w-wala akong pangalan eh"napahiyang sabi ko sa ilang araw kong pananatili dito sa lupa ngayon ko lang naisip na wala pala akong pangalan
"Wala kang pangalan? pano nangyari yun?!" singhal nya hilig nya ba talaga ang sumigaw ipaslak ko kaya sknya tong colgate pero syempre joke lang yun hihi
"Wala talaga eh"sabi ko
"Edi ano ang itatawag ko sayo?"Tanong ng babae
Agad akong napa isip ano kayang ipapangalan ko sa sarili ko?
"Teka ako mag iisip ng pangalan mo para Unique"Sabi nya kaya napangiti ako
"Maxpein kaya? para astig?"tanong nya
"Ano ka si Maxinejiji?Tsaka di ako hambog! eh kung Nena nalang kaya"sabi ko naman
"Eww ang panget wag yun!" sigaw nya ulit
"Osang?"sabi ko naman
"Walang class ambaho pakinggan"singhal nyang muli
"Takteng yan" sabi ko naman
"Kung ang pangalan ko ay Rama edi ikaw nalang si..."naputol ang pagsasalita nya ng takpan ko ang bibig nya alingasaw na kasi yung baho ng hininga nya
"Haiven nalang Haiven nalang ang pangalan ko"sabi ko at ngumiti
(Haiven pronounce as : Heyben katunog ng Heaven)
"Sige na pwede na nga yan Haiven, Haiven ako si Rama" sabi nya at inabot ang kamay nya nakita ko yung kuko nya na pwede ng taniman ng kamote sa sobrang dumi...
"Hi Rama ako si Haiven" sabi ko at ngumiti
Nagpatuloy ang paglalakad ko nagpaiwan na din yung si Rama ayaw nya daw lumayo sa lugar nila eh medyo malayo na din muli ang nalakad ko at mas dumadami na ang mga sasakyan...
"Thank you for coming in Pampanga?"
Nakita ko naman ang isang malaking nakasulat na Welcome Bulacan kaya dumirediretso pa din ako
Madami ng tindahan tinignan ko ang pera ko at may 5 thousand pa ako dapat 6 thousand pa to eh binigay ko nalang kay Rama yung 1 thousand...
Ipang bibili daw nya ng Panty at Bra lels di nya ko maloloko wala naman syang dibdib noh
Napadaan ako sa isang Lugawan..
"GOTO hell" ang pangalan ng tindahan...
Mag papansit na nga lang ako nakakatakot yung pangalan eh
"Manang isang pansit nga yung isang bilao"sabi ko at iniabot ang 1000 nasuklian nama yun ng 700
Nang nandyan na yung order ko napansin kong pinagtitinginan ako anong problema nila?
"Kaya pala ambaho may pulubi" sabi ng isang babae ako pulubi woi laboy lang ako at walang ligo noh!
"Grabe girl yung amoy parang pempem na walang hugas hugas ng isang buwan" sabi pa ng babae kaya napangus ako alam ko naman na ako ang pinaparinggan nila pero FYI isang linggo palang akong di naghuhugas ang OA nman nila sa 1 buwan azar
"Miss pwede mo bang bilisan ang pagkain mo dyan nagrereklamo na kasi yung ibang costumer" sabi ng waiter dun
"Kuya naman parang hindi ako costumer ah!nagbabayad naman ako ng tama"sabi ko naman at agad na kinain yung pansit at tumungga ng tubig
"Oh kuya tip mo keep the sukli!"Sigaw ko at iniwan ang 100 pesos dun kala nya huh!
Lalaalallalala busoog na akoo lalalaaalalalala
*PEEEEPPPP*
"Aahhhh" sigaw ko at napa pikit!
"Shet! miss ano ba dika ba nag iingat!"singhal ng boses pero nakapikit pa din ako
"Hoy miss dumilat ka nga!"singhal nya ulit
1
2
3
*Dilat*
*Kurap kurap*
Nakabalik naba ako sa Langit????
*_______*
"Hey miss dadalhin kita sa Ospital tsk" sabi ulit ng lalaki at hinila ako patayo pero nanatili akong nakatingin sakanya
"Sakay na"sabi nyang muli
"Huh?" yan lang ang nabigkas ko masyado syang masarap titigan
"Sabi ko sakay!"sigaw nya kaya agad akong lumundag at sumakay sa itaas ng sasakyan
"Bobo dito sa loob ka sumakay!"sigaw nya kaya bumusangot ako
"Linawin mo kasi!"singhal ko naman sakanya gwapo gwapo nga masungit naman tse!
Ilang minuto ng tahimik kaya naisipan ko syang kausapin
"Anong pangalan mo?"nakangiti kong tanong sakanya pero snobb lang nakatutok lang ang mata nya sa daan
"Bakit mo tinatanong? dont you dare na magreport sa pulis dadalhin na nga kita sa Ospital geez" sabi nya at mas nagsalubong ang kilay
"Nagtatanong lang eh"singhal ko naman
"Di naman kelangan lahat alam mo"sabi nya naman hay nako kung di ka lang gwapo eh
Nanahimik nalang ako at baka masapak nako
@Hospital
"Give her a medication then this is the calling card of my Assistant sakanya mo kunin ang bill ng babaeng yan"sabi ng lalaki bagamat diko masyado naintindihan...
Bigla ng tumalikod yung lalaki
"Huy kuya san ka pupunta? wag moko iwan!"sigaw ko pero di nanya ako pinansin tatayo sana ako ng pigilan ako ng nurse
"Mam may mga sugat kayo kelangan yan magamot"sabi ng Nurse hayss itatanong ko lang naman ang pangalan nya eh para pag naging Angel nako ulit isa sya sa mga babantayan ko hihihi...
Sino kaya sya??
To be Continued...
A/N:Tuloy tuloy lang ang pagbabasa hihi
VOTE AND COMMENTS PLEASE! PARA SIPAGIN MAG UD HEHE^^