Haiven POV's
Yieee sa wakas nagkaroon na din ako ng pangalan at konektado pa sa Heaven hahaha.
T-teka nga nasaan na ba ako?
"Cubao!Cubao!Cubao!"sigaw ng isang konduktor sa Bus oha oha alam ko na yung mga tawag ng bagay dito sa lupa di naman sa pagmamayabang Matalino ako ...
O sige na fine Shunga din Minsan...
"Ineng! Ineng!" napalingon ako ng may isang matandang tumatawag sakin
"Bakit po lola?"Tanong ko naman sa matandang kahabag habag ang itsura
"Pahingi naman ng pangkape dyan oh"sabi ng matanda kaya naman nginitian ko sya at kumuha ng barya sa bag ko
"Teka ineng wag yan gusto ko sana iyong kape sa Starbucks"sabi muli ng lola kaya napa awang ang bibig ko
"Starbucks po?"takang tanong ko kaya tumango naman sya at itinuro ang isang establishments
"Sa tanang buhay ko di pa ako nakakainom ng kape dun kaya sana kung mapag bibigyan mo ako kahit bago man ako mamatay nais ko sanang makatikim ng Starbucks Coffee"sabi ni lola kaya inilabas ko ang pera ko at sabay kaming nagpunta dun
"Miss bawal mamalimos dito" sabi ng guard kaya nangunot yung noo ko
"Kuya di po ako mamalimos bibili po kami ni lola"sabi ko at ipinakita ang pera na hawak ko
Kaya ayun binuksan ni manong guard yung pinto
Grabe anlamig dito sa loob...
"Ineng dun nako sa upuan ah! gusto ko ng Frappe tsaka isang slice na din ng Choco strawberry cake tapos water na din pasabi less ice" sabi ni lola kaya napa iling nalang ako pati pala mga pilubi ngayon eh sosyal na...
Umorder nako ng frappe ni lola kaya ginaya ko nalang sya sa order at dinala na sa table namin..
"Lola eto na yung order mo"sabi ko at inilapag na yung Frappe dadampot na sana ako ng bigla nyang tabigin yung kamay ko
"Hinay hinay lang ineng wag excited selfie muna tayo i popost ko to sa i********: ko tsaka sa f*******: ano IG mo? i follow kita" sabi ni lola kaya napahiya na nman akong ngumiti
"Hehe Lola wala po ako nun eh" sabi ko at nagkamot ulo
"Osya smile na at mag pipicture na tayo"
1..2..3. click
"Heart finger naman" sabi ni lola kaya ginaya ko nalang sya
*Click*
"Last Dab naman"
*Click*
"Tara kain na" sabi ni lola kaya kinuha ko nayung akin..
"Lola kayo nalang po ba?"tanong ko sabay higop sa Frappe ko
"Bakit iha may nakikita ka pa bang kasama ko?" sarkastikong tanong nya sakin jusko lord patawarin nyoko
"W-wala po" buntong hininga kong sagot pinagmasdan ko syang kumain ng cake na tila ingat na ingat masyadong pino kumilos hanggang sa bitawan nya yung kutsara nya at may kinuha sa bag nya
"Eto ineng gamitin mo ang mga papeles nato" sabi ni lola kaya agad kong inabot yun...
"Para saan po ito?"nagtataka kong tanong
"Basta magagamit mo yan sa pananatili mo dito sa lupa" nakangiti nyang sabi
"Nga pala mamaya sumakay ka ng bus na yun at magtungo ka sa Cubao dun mo madaling mahahanap ang kelangan mo"sabi ni lola kaya mas nagtaka na ako
"Miss pakibilis naman po yung pagkain nyo kasi airconditioned po etong shop nagrereklamo na po yung ibang costumer" sabi ng waiter kaya tumingin ako sandali
"Opo teka po Ahm.. Lola??" nagulat ako dahil wala na dun si lola asan na yun?
Napatingin naman ako sa labas ng branch at nakita ko sya dung nakatayo dala ang frappe at ngumiti tsaka tumalikod... Talagang inubos nya muna yung cake bago umalis...
WEIRD AH...
Sabi ni lola dun daw ako sasakay sa bus na papuntang Cubao
"Oh Cubao Cubao! paalis na" sigaw ng lalaki kaya sumakay nako
Medyo siksikan na kaya dun nako napunta sa dulo pero kada dadaan ako napapamura yung mga taong nadaanan ko ang aarte ng mga to ah!
"Miss dito kana oh"sabi ng isang lalaki medyo madilim kaya diko makita yung mukha nya pero ambango bango nya hehehe
"S-salamat" sabi ko naman at nagpabebe na umupo
"Mukhang daming dala ah"Nakangiti nyang sabi kya tumango ako
ilang Oras itinagal ang byahe at madilim na din impairness kay kuya di nagrereklamo sa amoy
*Aachhoooooo* si kuyang mabait yan
Now i know i think barado ilong neto kaya walang pang amoy
"Oh Cubao Cubao na!!!" sigaw ng konduktor kaya bumaba nako samantalang yung kuya tulog na tulog pa din medyo naaninagan ng ilaw ang mukha nya kaya nakita ko sya at GWAPO!!
"Ano ba miss baba kaba o hindi?!! sigaw ng konduktor sakin
"Eto na po oh sandali lang highblood ka msyado kuya" sabi ko naman
Nang makababa nako may nakita akong mga bata sa gilid na may sinisinghot...
"Pst bata ano yan?" tanong ko mukha kasing enjoy na enjoy sya eh so desperate as i am kumuha dun ako ng plastic at ginaya sila
Boring naman!
Pinutok ko nalang yung plastic at tumayo may nakita na din akong mga taong nakahiga sa gilid...
Dito nalang ako matulog pwede na siguro dito...
Nag pray muna ko at pahiga na sana ng may kumalabit sakin
"Babae Teritoryo namin yan kaya kung mahal mo pa buhay mo umalis ka dyan"sigaw ng lalaki sakin
"Bawal bang makihiga?" tanong ko naman grabe naman sla sakin
"Oo bawal! kaya layas!" sigaw nya kaya agad akong napatayo at tumakbo huhuhu saan ako matutulog neto?!
Napadaan ako sa isang palaruan nagpunta ako sa swing at doon umupo...
Namimiss ko na ang langit...
Gusto ko ng bumalik....
Naramdaman ko ang pagbasa ng pisngi ko..
Eto ba ang tinatawag nilang luha?? Luha ng kalungkutan...
Ilang oras ako sa ganong pwesto hanggang sa mapansin ko ang isang malakis slide at naisipan kong doon nalang magpahinga...
K I N A B U K A S A N
Nagising ako sa init ng araw at sa ingay ng paligid nag unat ako ng braso at tumayo ng...
*BOG*
Aray ko huhuhu napahawak ako sa noo kong tumama sa Slide piskat naman oh!
(Piskat is just a word expression nasa manner na din kasi ni author ang pagsasalita ng Piskat so hahawaan ko na si Haiven)
Madaming batang naglalaro...
Sakit ng katawan ko hays...
Bibitbit ko na ang gamit ko at nag umpisa ng maglakad san naman kaya ako pupunta neto?
Sa di kalayuan may nakita akong nagtitinda ng isang mabangong pagkain...
"Ate magkano po dyang sa kulay orange na yan?"tanong ko
"Ah Kwek Kwek Dos ang isa" sabi ng ale
"Sige po pabili"sabi ko at tinignan ang ibang bumibili kumukuha sila ng stick tapos tinutusok tapos isasawsaw sa suka
Kaya ginawa ko din...
SARAAAAAPPP
"Ate pabili pa po"sabi ko at muling tumusok isusubo ko na sana ng may batang pinapanood ako habang kumakain
"Bata gusto mo?"tanong ko sa bata kaya agad syang tumango
"Eto oh kainin mo" sabi ko at inabot yun sakanya bumili din ako ng tubig para sa bata at para sakin...
Hays bakit ba pinapabayaan ng mga magulang ang anak nilang palaboy laboy sa kalsada hayss
Napatingin ako sa gilid ko ng may isang pamilya dun ang masaya na magkaka usap...
Kung naging tao kaya ako? May pamilya din kaya ako? O palaboy laboy din ako?
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ng may nakita akong batang iyak ng iyak
"Bata bat ka umiiyak?" tanong ko sa isang batang babae na mukhang angel sa sobrang cute
"Yung toys ko po kasi nahuyog doon" humihikbi nyang sabi at itinuro ang kanal jusko ang lalim ng kanal na to ah
"Pag kinuha ko ba yang toys mo titigil kana sa pag iyak?"tanong ko sa bata at agad din tong umoo
"Sige teka ah" inangat ko yung nakaharang sa kanal na yun at nagsimulang bumaba para kunin ang toys nya...
"TADAAAA!!! sigaw ko ng makuha ko yun
"Yeheeyy!! i got it thank you ate"masayang sabi ng bata sakin kaya sobrang lawak din ng ngiti ko...
"Sir ayun po si Zelesaiah"sabi ng isang gurang na babae at shet na malagket! may kasama syang tatlong lalaki na tila tatlong anghel na galing sa langit para silang si David,Julian at Thomas wow
*∆*
"Zelesaiah are you fine?"Tanong ng lalaki teka parang familiar sakin to ah!
"Yes kuya this girl helps me to get my toys in the canal" sabi ng batang babae kaya napatingin naman sakin yung lalaki
"H-hello pero pwede po bang bago kayo mag chismisan eh tulungan nyo ko maka akyat dito hehe"sabi ko kaya walang alangang inabot sakin ng lalaking pamilyar yung kamay ko at hinila ako pataas
"Miss thank you for helping my sister anyway im Julian and you are?"tanong sakin kaya agad akong ngumiti
"My name is Haiven" sabi ko naman
"Youre familiar miss nagkita naba tayo before?"tanong nya at may inilabas na kwintas teka kwintas ko yan ah!!
"Ikaw yung sa bus! Kuya akin po yang kwintas" sabi ko kaya agad syang ngumiti
"Haha oo nga eh pag gising ko wala kana then nakita ko tong kwintas" sabi nya
Kay gwapong mga nilalang naman ito biruin mo tyamba na Julian ang pangalan nito.
"Anyway where is Matthew ?"sabi ni Julian sa isa pang lalaki
"Ewan ko baka nandito lang yun sa paligid"sabi ng lalaki at tumingin sakin
"Anyway im Thomas" sabi nya at ngumiti
"Im David" sabi ng lalaking naka salamin
Lord mga Fallen Angel din ba ang mga to?
"Andyan lang pala kayo"Hingal sabi ng isang lalaki t-teka eto yung?
Agad akong napatakbo at yumakap sakanya
"Sabi na nga ba magkikita ulit tayo eh!" masayang sabi ko pero ganun nalang ang pagtulak nya sakin palayo
MESHEKET YUN >__To be continued...
A/n: Thanky sa patuloy na nagbabasa!! yiee❤
VOTE AND COMMENTSSS!!! THANKK YOUU