THE ROLLER COASTER OF MY LIFE BEGINS TODAY. Hindi ako makapaniwalang bumi-biyahe na kami ngayon patungong Springland. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Excitement dahil makikita ko ang Lola kong Queen. Na kwento kasi ni Prince Dalton ang tungkol sa kanya. Sort of nakakakaba dahil sa pag iisip na baka magkita nga ang landas namin ng Prince na dapat ay pakakasalan ko. At may halong lungkot, dahil labag sa loob ni mama ang pagpunta ko doon. Naaalala ko pa sa isip niya ang mga sinabi nito: "Kirsten! Ano pa ba ang gusto mo? Nalaman mo na ang totoo mong pagkatao, hindi pa ba sapat iyon? Kailangan mo pa talagang pumunta d’on ha? Ano ‘to? Ilalagay mo lang sa panganib ang buhay mo! Sa oras na mabalitaan ni Monica na nagbalik kana sa palasyo paniguradong ipapapatay ka niya!

