KINABUKASAN ay pumasok parin ako sa school na parang normal at walang nangyaring ganoon. Habang binabaybay ko ang pathway patungo sa classroom ay napansin kong nakatingin halos lahat ng estudyante at guro sa akin. Nakakapagtaka ang mga kilos at tingin ng mga ito. Hanggang sa marating ko ang classroom. Nagulat ako nang biglang nag-bow ang mga estudyante sa akin. "Good Morning Your highness," bati ng mga ito sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Paano nalaman ng mga ito ang tungkol doon? Hindi ko napansing nakaupo pala ang Prinsipe sa Teacher's table ko sa bandang likuran. Nakita ko lamang iyon nang itinuro ng isa kong estudyante sa pamamagitang ng pag nguso ang gawi nito. Aba'y makulit ito! Anong ginagawa dito? "What are you doing here?" Taas kilay kong tanong. Nakalapit na ako sa kanya

