I survived Lauren's rage in a week, barely to be exact. Her childish behavior is making me lose all my patience and I don't know when it will run out.
Pampapatid tuwing dadaan, basang gamit sa locker, pagsarado ng restroom. Ilan lamang yan sa mga pinapagawa niya sa mga kasama o mga alipores niya lalo na tuwing wala ang mga kaibigan ko.
Kilala ko naman siya at sanay na ako sa mga ginagawa niya dati pa kaya alam kong hindi pa sapat ang mga yun para lumamig ang ulo niya dahil sa nangyari. Hindi rin niya kayang gantihan si Morgana o sino man sa mga kaibigan ko kaya na sa akin talaga lahat ng atensyon niya ngayon.
Now, it's another whole new week and I don't know what kind of pranks Lauren will be pulling this time. I actually feel tired being wary every time I'm in school but I don't have a choice, pinili kong sa HJB mag aral kaya kailangan kong tiisin lahat ng to.
I took a deep breath and fixed my dress first in front of the mirror. I've been a dress girl since I was a child. Maybe because lola always sew and bought me nice dresses and always read me fairytale stories about princesses that I dreamed to be one too kaya hanggang ngayon ay nakasanayan ko na at hindi na komportable sa akin magsuot ng pantalon lalo na ang dikit na dikit sa balat ko.
Isang dark blue above the knee dress ang pinili ko at pinaresan ito ng skin tone flat shoes. Nag ipit rin ako ng oval barrette sa kanang bahagi ng punong tainga ko at hinayaang malaglag ang hanggang likod kong buhok. Sinuot ko na rin ang eyes glasses ko at saka pinagmasdang mabuti ang kabuohan sa salamin.
Is this what you are? A Damsel in distress?
Ipinilig ko ang ulo ko ng kung ano na namang negative thoughts ang pumasok sa isip ko. Agad na akong bumaba para makapag almusal na.
"Good morning Lola," bati ko kay Lola ng maabutan ko siya sa kusina na abala sa pagdi-dikdik sa halamang gamot.
"Good morning Apo," Nakita kong basa na ng pawis ang buong mukha niya hanggang leeg kaya kinuha ko agad sa balikat niya ang bimpong nakasabit at ako na mismo ang nagpunas sa pawis bago gumawad ng halik sa pisngi.
"Pwede mo bang pagtimplahan ng kape si lilith at tatapusin ko lang to? Bumili ako ng mainit na pandesal nasa lamesa bigyan mo na rin at siguradong wala pang laman ang tyan nun." paglalambing nito habang pinipiga na ang na dikdik na halamang gamot.
Agad ko namang sinunod ang utos nito at dinala sa sala ang tinimplang kape at pandesal kung nasaan ang bisita.
"Magandang Umaga po Aling lilith." bati ko sa kapitbahay naming napapaidlip sa upuan, wala sa ayos ang nakaipit na buhok at nangngingitim ang pang ibabang mata dahil sa kawalan ng tulog.
"Magandang Umaga rin sayo Sel. Pasensya na't maaga kaming umistorbo sa inyo, itong kasing si Julia, kagabi pa dinaramdam ang pananakit ng tyan," Nag aalalang sabi nito na umayos ng pagkakaupo habang hinihimas ang likod ng anak na nakatagilid ng higa sa aming mahabang sofa.
"Huwag nyo pong alalahanin yun, magkape po muna kayo," sabi ko naman sabay abot ng tasa ng kape.
"Salamat iha, paganda ka talaga ng paganda ngayong dalaga ka na," Nakangiting puri nito ng inabot ang kape at pinagmasdan ang kabuohan ko.
Agad namang nag init ang pisngi ko sa sinabi nito kaya nagpasalamat na lang ako at agad na nagpaalam para bumalik sa kusina. Nagkasalubong naman kami ni lola sa pintuan ng kusina na may dalang mainit na berdeng inumin. Pagkatingin pa lang ay napangiwi na kaagad ako sa itsura nito. Siguradong hindi maganda ang lasa nun.
"Oh eto Lilith, ipainom mo sa anak mo ng dahan-dahan para mawala na ang pananakit ng tyan niya," sabi nito sabay abot ng mainit na tasa.
Nagpasalamat naman si Aling lilith kay lola at pinainom ng dahan-dahan ang gamot. Umiyak ang tatlong taong gulang na bata ng matikman ang inumin at tinulak ang tasa. Mabuti na lang at maagap ang Ina at nahawakan ng mabuti ito. Pinagtulungan nila ni Lola na ipaubos ang laman ng tasa sa batas kahit na labag sa loob nito kaya panay ang iyak.
Si Lola Florencia ay isang kilalang manggagamot sa lugar namin. Babaylan, manghihilot, mangkukulam etc. That's what they thought and called her. They also very much respect her out of gratitude and fear. Fear that if they offend her they believe that she can curse them too but still many respect her because she helps many people in times of need like this.
Kadalasan ay yung mga walang kayang magpa hospital ang mga nagpapagamot sa kanya pero tuwing may komplikasyon talaga ang mga ito ay pinapayuhan niya pa ring magpakonsulta sa doktor kaya walang masabing masama ang mga tao. Minsan pa nga ay siya na mismo ang nagbibigay ng pera pampagamot o nagre-refer sa kilalang foundation kung saan pwedeng humingi ng tulong medikal.
That's why I’m very proud to be her granddaughter.
Nang maubos ng bata ang inumin at tumahan sa ito sa kakaiyak ay pinapahinga muna ito ni Lola sa upuan. Nag usap pa sila ni Aling Lilith tungkol sa dinaramdam ng anak nito kaya naisipan ko ng tingnan kung may pagkain na sa mesa at kung wala ay magluluto sana ako ng naging interesante ang pinag uusapan nila.
"Nga pala Inay Flor, narinig nyo ba kagabi ang nakakatakot na alolong sa kagubatan? Nakakapangilabot ng laman ano?" tanong ni Aling Lilith kay lola at napansin ko kaagad ng gumuhit ang pagkabigla sa mukha nito.
"Narinig nyo rin yun kagabi?"pagtatakang tanong nito.
"Opo, parang ang lapit lang kasi dito sa atin, sobrang lakas," Sagot nito at sumimsim ng kape bago nagpatuloy, "Hindi kasi ako makatulog kagabi sa iyak ni julia kaya nag init ako ng tubig para mainom niya ng marinig ko iyon, talagang natakot ako kaya minadali ko ang pag iinit ng tubig.." pagkukwento pa ng Ali.
Halos gabi-gabi ko na rin naririnig iyon pero sa hinuha ko ay ligaw na aso lamang sa gubat.
"At ito pa! Kanina ng papunta kami dito ay nagkukumpulan ang mga tao sa taniman ni Andres! May nakakasulasok na amoy! yun pala ay may kung anong pumatay sa dalawang baka niya kagabi," Nanlalaki ang mga matang kwento nito. "Kawawa nga si Andres ibibenta niya sana yun pandagdag matrikula ng anak niya. Pinayuhan nga siya ni Kapitan na kunan ng litrato at lumapit kay mayor para matulungan sila,"
Si Lola ay tahimik lang na nakikinig sa kwento.
"Sabi nga ni kapitan na baka galing sa gubat ang hayop na pumatay. Halos wala na kasing nakakapasok doon. Alam mo namang matagal ng iminumungkahi na buksan kahit papano ang gubat. Alam naman natin na gusto ni Mayor na protektahan ang kagubatan at ang bundok Arang laban sa mga ilegal na panunuso pero siguro dahil wala ng taong nakakapasok dun ay baka meron ng mababangis na hayop na naninirahan," Walang prenong kwento ni Aling Lilith.
Sinipat ni Lola ang bata habang nakikinig sa kwento ng Ina nito. Mukhang bumuti naman ang kalagayan ni Julia dahil bumalik na sa pamumula ang kaninang maputlang mukha nito at ngumingiti-ngiti na kay lola.
Ang Mount Arang ay ang pinakamataas at pinakamalawak na bundok sa aming syudad. SInarado ito sa publiko dahil talamak ang mga illegal loggers at dahil na din sa mga rare endangered species na natagpuan dito. Mas naging strikto ang pagpoprotekta doon ng may isang naligaw na babae ang nakitang patay dahil sa pagkahulog sa bangin kaya nilagyan ng matataas na bakod na yari sa bakal ang paanan papuntang gubat para wala na talagang makapasok. Mabuti na lang at napapaligiran ng malawak na rumaragasang ilong at iba pang bahagi kaya iilan na lamang ang pumapanhik doon kung meron pa man.
"Mababangis na hayop. . ." Narinig kong wala sa sariling bulong na usal ni lola ng umalis na ang mag ina at tumulong ito sa niluluto kong agahan namin. Makikita rin sa mukha nito ang pag aalala sa hindi ko malamang dahilan. . .
"May klase pa ako, will you be okay on your own?" pag aalalang tanong ni Leni sa akin. Napangisi naman ako sa itsura ng mukha nito na nag aalangan na pumasok sa classroom ng susunod niyang klase.
"Hindi na ako bata! I'll be fine don't worry!" nakangisi kong sabi at tinulak na siya papasok ng classroom bago nagpaalam.
Lahat ng mga kaibigan ko ay may mga klase pa samantalang vacant ko naman so I decided to go to the library to do some research para sa group demo namin.
"Good Afternoon," I smile and greet the middle-aged librarian who smiles and greets me back.
I ask for help in which aisle the specific subject that I need for my research and the librarian willingly helps me and even recommends some books.
Pumunta ako sa sinabi nitong shelf number. Alphanumeric ang number ng mga shelves at napakalawak ng library. Panahon pa ng Amerikano ang ilan sa mga gamit at libro dito pero makikitang matitibay pa rin at nasa kondisyon dahil sa alagang-alaga ang mga ito.
Ang ikalawang palapag ay gawa sa sinaunang matitibay na kahoy na mas maganda pwestuhan kung mag aaral ka. Japanese style ang disenyo na sa malambot na carpet ka uupo dahil mababa lamang ang mga mesa. It was made for self study to avoid distractions and the most quiet part of the library.
On the other hand,
The computers were located on the first floor together with most of the books and large tables for group studies. Libre ang lahat ng mga gamit from bond papers, markers, colored pens and papers to any sort of school supplies. Ang library ang pinaka nagustuhan kong parte ng magtour kami dito.
Nakita ko ang aisle ng books para sa subject na hinahanap ko sa isang sulok sa first floor at kasalukuyang namimili ng librong babasahin ng marinig ko ang mahinang pagtawag ng pangalan ko. Agad akong na estatwa sa kinatatayuan ko at nagsitayuan ang mga balahibo sa batok pababa sa likod ko ng maramdaman ko kung gaano kalapit ang pamilyar na boses na bumulong sa likod ko..
“Javi..” may banta sa boses kong tawag rin sa kanya. I know what he’s doing dahil palagi naming ginagawa ito noong high school. I’m always at the library tuwing break time not just because I need to study or read some books but to wait for him too. It was the most private place for us kung saan pwede kaming mag usap ng hindi nakikita ng iba o minsan ay. . .
"W-what are you doing here?" nauutal kong tanong na namumula na ang mukha dahil sa mga alaalang pumasok sa isip ko nuong high school.
Hindi nga ako nagkamali ng ang kaninang nakakulong niyang dalawang braso sa magkabilang gilid ko ay biglang yumapos sa katawan ko sabay diin ng labi niya sa batok ko. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko at may gumagapang na init sa katawan ko kaya agad akong nagpumiglas para makaalis sa pagkakayakap niya.
“Javi! stop it! may makakakita sa atin!” galit na bulong ko habang patuloy pa rin sa pagpupumiglas ngunit hindi ito nakikinig at ang mga halik nito ay gumapang papuntang punong tainga ko.
“I missed you..” he murmured as he inhaled my scent. I felt like I’m melting at how hot his breath was. If this was before, I would just close my eyes and enjoy it for a couple of minutes to rest my weariness. Weariness in everything back then, being a top student, bullying, being his secret girlfriend, ignoring all the girls who’s always swarming around him, etc. It was exhausting but we managed to keep our relationship strong and private until that day. . .
Hindi ko siya hinayaang manalo ngayon. Binigay ko ang lakas ko para makaalis sa pagkakayakap niya at agad na humarap at tinulak siya para maalis sa pagkakakulong.
That’s how I saw his state, Magulo ang kulay tsokolate nitong buhok at nangingitim ang ilalim ng dalawa nitong mata. Kapansin pansin rin ang putok sa gilid ng labi at nag pu-purple ng kaliwang panga nito pati ang kanang pisngi nito. He's dressed in tight black t-shirt that shows his abs, a simple maong jeans and black cap.
"What did you do?!" nawala saglit ang galit ko at puma ibabaw ang pag aalala dahil sa kalagayan niya.
He flinched when my hand came in contact with his bruised face but instantly closed his eyes and held my hand too, pressing it more on his cheek. My eyes bulged and instantly withdrew when what I did finally sank in. I need to stop myself from freely touching him whenever I'm worried about him.
Nakita ko ang sakit sa mga mata niya ng inalis ko ang kamay ko at bahagyang humakbang pa atras para makalayo ng kunti.
"Anong ginagawa mo dito?! at bakit puro ka pasa ?!" nakahalukipkip kong tanong sa kanya.
Nakatitig lamang siya sa akin na akala mo’y takot kumurap.
"Javi?" pukaw ko sa malalim nitong titig.
"A-ahh. . I was running an errands," sabi nito sabay iwas ng tingin sa akin. He was 1 year ahead of me kaya dapat ay second year na siya. Addison also told me na hindi muna ito magpapatuloy sa kolehiyo for some reason. I tried not to ask kahit na gustong-gusto kong malaman lahat ng nangyayari sa kanya but Addison understands me and still tells me some news about him. I was so concern that he's skipping school because of what happen to us but Addison told me that he's thinking of joining the military.
“Wala na ba akong karapatang malaman kung anong nangyari dyan sa mukha mo?” seryoso kong tanong ulit ng hindi niya sinagot ang ikalawang tanong ko. I was concerned, always concerned about him.
He just look at me stubbornly so I just gave up. Kun sabagay wala na nga siguro akong karapatan. Siguro ay ako na lang din ang nag iisip na pwede pa naming ibalik ang pagkakaibigan namin kahit yun na lang.
"Alis nako," napag desisyonan kung bumalik na lang sa susunod at akmang aalis na ako ng hinarang niya ulit ang dadaanan ko ng isang kamay dahilan para makulong ulit ako.
"Anong ginagawa mo? Padaanin mo ko!" galit kong utos sa kanya.
"I missed you Selena," pag uulit nito sa sinabi kanina but this time with a pleading look,
“Stop it Jav! I’m trying to move on for ghad sakes!” buong lakas ko na sinuntok-suntok ang dibdib niya pero parang sumusuntok lang ako sa pader.
“I've been a mess for months and I don't know what to do.." sabi niya at ulit akong hinapit sa bewang para yumakap. He is leaning his forehead on my hair and smell it.
Iniwas ko ulit ang katawan ko sa kanya pero mas mahigpit na ang pagkakayakap niya ngayon kesa kanina, "And what about me? Do you think I'm ok?! Can you please talk to Lauren to stop bothering me? Wala naman akong ginawang masama sa kanya!"
I gave up. Naubos lang ang lakas ko ng hindi man lang ito natitinag. I anxiously look left and right and heave a sigh when no one is present. Just for a couple of minutes, I will let him for a couple of minutes. . .
"I'm sorry, I will talk to her promise," Hinawakan niya ang isang pisngi ko at matiim akong tiningnan bago ulit hinalikan ang noo ko, " I love you Selena, and I’ve been trying to respect your decision but it was f*cking hard!” mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin para bang dudurugin niya ang mga buto ko. I tap his hard chest to let him know that I can’t breathe. I sigh of relief when he finally let go of me and looks at me straight into my eyes before kissing my temple again. ”I’m sorry baby. . but I made my decision, I can't lose you, I will crawl back to you kahit ilang beses mo pa akong ipagtabuyan, I won’t give you up,”
I am speechless. I don’t even know kung ano ang dapat kung sabihin o gawin. I can feel his pain and I would be in denial if I said that I didn’t miss him too. But then, is it worth it? giving him a chance? hindi na matatahimik ang buhay ko kung patuloy itong nakakabit sa kanya. This is not just about his betrayal anymore. Marami na ang gulong nangyari at alam kong marami pa ang mangyayari kahit na wala na siya sa buhay ko.
I clench my fists when tears fall on my eyes. For f*cking sakes! I already told myself not to cry anymore!, "We already talked about this! you don’t know what's been going on in my life for the past couple of months. Hindi mo alam ang hirap at sakit dahil wala ka! and now you're telling me that you won't give up?! You are so selfish!!" My voice raises and I don't care anymore kung may nakikinig man sa amin. "I don’t want to associate my life with you anymore Javi! and it's final!"
Tumakbo na ako sa palabas ng hindi pinapansin ang tawag niya. Hindi ko na rin pinansin ang tingin ng mga estudyanteng nakaupo sa mga mesa at computer at dire-diretso na lumabas ng library. Agad akong nagtungo sa banyo para maghilamos dahil siguradong magtatanong na naman ang mga kaibigan ko sa namamaga kong mata kong hindi ito maagapan. Tipid lang din akong ngumiti sa nagtatanong na mukha ni Hannah na kaklase ko ng magkasalubong kami sa pintuan ng banyo.
I wash my face with cold running water, cursing myself for crying again. It also pissed me off when I saw how puffy my eyes were and how red my nose was. I’m sure they’ll notice.
"Get out of my way!!" I quickly glanced sideways when I heard the shout outside. The door was pushed so forcefully that it hit the wall with a loud thump and bounced back.
"You slut!"
It was Lauren, pointing fingers at me.
Oh God! huwag naman sana!
"What is it this time?" I asked.
"Hindi mo Alam?! talaga?! Akala mo matatago mo ang panglalandi mo dahil nasa library kayo?!” napahakbang ako paatras ng makita ang namumula niyang mga mata at kita rin ang mga nag iigtingan niyang ugat sa leeg.
I knew Lauren well, well enough to know that she speak complete tagalog once she lost her cool and her face now is beyond furious. May kabang gumapang sa akin sa paraan ng pagtitig niya na akala mo ay lalamunin niya ako ng buhay. “Sinabi ko na sayo diba?! Alam ko ang bawat kilos at galaw niyo sa paaralang ito!.. Maraming mata ang nagbabantay sayo malandi ka!"
"Can you please calm down?! Wala akong ginagawang masama! Umiiwas na nga ako eh?! At baka nakakalimutan mo?! Ikaw ang unang lumandi sa boyfriend ko! kung hindi mo gustong mawala si Javi sayo, edi itali mo!" I shout at her clenching my fists to stop myself from shaking. For some reason ay hindi ko rin makontrol ang emosyon ko. My heart was beating so fast with fear but my body is hot in rage.
"I'm not as weak as you! I'll take and protect what's mine! so leave Javi alone!!" Inisang hakbang niya ang pagitan namin at agad na hinablot ang buhok ko.
Mas lalong nag init ang katawan ko sa galit kaya inabot ko rin ang buhok niya at hinila pababa kaya mas lalo siyang nanggagalaiti sa galit.
"He was never yours in the first place!" I completely lost my temper and my mind was clouded with rage. Isa ang babaeng to sa nagpapahirap sa buhay ko!
"Let go of me! You slut! I swear i'll kill you!" Galit na galit na sigaw nito at hinila din pababa ang buhok ko kaya pareho na kaming nakayuko.
"Ikaw ang nauna! I'm so done with you! Inuubos mo talaga ang pasensiya ko!!" I scream too.
Naramdaman ko na lang ang pintuan ng cubicle sa likod ko na bumukas ng bahagya kaya nagpagilid ako para sana maiwasan pero huli na ang lahat at bumukas ito ng tuluyan ng itulak niya ako kaya pareho kaming natumba papasok sa loob.
May iba na ring kamay ang humila sa akin patayo sa gilid ko kaya mas lalong nag init ang katawan ko at buong lakas na hinila rin ang buhok ng isa pa niyang kasama sa gilid dahilan para maipit siya ng bumagsak din ito sa amin at sinipa ang paa ng isa pa para ma out of balance at lumayo sa amin saglit.
Sigaw ng sigaw si Lauren at mas lalong hinihila ang buhok ko kaya napaigik ako sa sakit ng anit ko. Parang mapipigtas na sa anit ang buhok ko at sumasakit na rin ang ulo ko pero hindi ako magpapatalo sa mga bruhang to!
Mas lalo ko pang hinila ang buhok nilang dalawa. I really want to topple and pin her down to stop her like how Javi thought me pero marami ng kamay ang nakikisali sa buhok ko.
"Tang*na kayo! Anong ginagawa niyo sa kaibigan namin!!" I was relief when I heard Leni’s voice.
Mas lalong lumakas ang mga sigawan pero hindi ko na makita dahil unti-unti ng nagdidilim ang paningin ko dahil sa sakit ng ulo ko. Someone grab Lauren kaya mas lalong dumiin ang pagkakasabunot niya pero mabilis lang naman dahil nakuha din ang kamay nito sa buhok ko. I saw Morgana stopping Lauren from attacking me again.
Nang makatayo ako ay nakita ko si Zen at Leni na sinasabunutan pa rin ang mga kaibigan ni Lauren samantalang si Lauren naman ay inaawat ni Morgana sa isang gilid.
"Walang hiya kang malandi ka!!" Sigaw nito but I didn’t mind her because my sight is still blurry.
Nagwawala talaga siya kay Momo at nakaramdam na naman ako ng takot ng makitang pulang-pula na naman ang mga mata niya!
Binalingan si Morgana ni Lauren at akmang sasabunutan din ng isang malakas na sampal ang nagpatigil sa kanilang lahat. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung gaano kapula ang pisngi ni Lauren dahil sa sampal ni Morgana na parang pati panga niya ay ma-misaligned.
"How-how dare you b*tch!!" nanlalaki ang mata at hindi makapaniwalang sigaw nito kay Morgana.
Isang mas malakas na sampal ulit ang tumama sa kabilang pisngi na naman nito. I gulp in fear when we felt how the room went tense. Nakatalikod si Morgana sa amin kaya hindi ko makita ang reaksyon ng mukha nito samantalang pagkalingon ko sa ibang kasama namin ay nakita kong nakayuko si Addi at ang isa pa nitong kasama habang nakatulala lang na nakatingin sa kanila ang dalawa pa.
What’s happening? bakit parang feeling ko bumagal at dumilim ang lahat sa paligid ko?
"Again?" Malamig ang boses na tanong ni Morgana sa nakayuko ng si Lauren.
I was about to say something when-
"Anong nangyayari dito?!” Everything went back to normal when a teacher barge in. Mukhang may nag report sa amin. "All of you, in Dean's office NOW!"