CHAPTER:10

1637 Words
Tumutunog yung alarm ng cellphone ko pero namatay din kaya hindi na ako bumangon sa pagkakahiga.. Niyakap ko ang unan ko "hmm...ang lambot naman ng unan ko.. Teka malambot? Eh sa pagkaka alam ko parang bato na yumg unan ko kagabi ah? kelan pa naging malambot unan ko?" iminulat ko ang aking mga mata at ang bumungad sa akin ay isang hindi pamilyar na kwarto. Nasaan ako? Ang pagkakatanda ko ay nakatulog ako sa opisina ni sir? Bakit nasa kwarto ako? At kaninong kwarto to?... Tumayo ako sa pagkakahiga at inilibot ang aking paningin sa buong kwarto.. Maganda ang kwarto at malaku din pero yung kulay ay itim at puti... Pero mas nakalalamang ang itim na kulay... May nakita akong pintuan at nagtungo ako dun binuksan ko ito at pagkabukas ko ay bumungad saakin ang opisina ni sir? So mayroon pala syang kwarto dito sa opisina? Hayys bakit pa ba ako mabibigla e mayaman yun malamang magagawa nya lahat ng gugustuhin nya... Iba talaga pag mayaman.. Lumabas ako ng opisina ni sir at patungo ako sa banyo upang maghilamos dahil dito nga ako nakatulog.. Ng makasalubog ko si Coline si coline ay ka-trabaho ko din at mabait naman sya madali din syang pakisamahan pero minsan lang kami kapag usap dahil nga sa maraming Ginagawa dito sa kompanya... "oh! Sandra? Anyare sayo bakit mukhang bagong gising ka?" tanong saakin ni coline sasabihin ko ba ang totoo? Pero baka naman hindi rin nila alam ang tungkol doon sa secret na kwarto ni sir... "a-ah! D-dito kasi ako nakatulog sa opisina" pagsisinungaling ko huhu masama mag sinungaling pero siguro white lie naman to no? "ah okay!" sabi ni coline mukhang nagdududa pa nga sya pero nginitian ko nalang sya.. "uyy! Sandra!"napalingon kami ni coline ng may tumawag sa akin.. Si mariel pala ang tumawag sakin.. Si mariel ay ka trabaho ko din mabait din ito at mahinhin tulad ni coline hindi ko din sya masyado nakakausap dahil medyo busy sa trabaho.. "bakit? Mariel?"tanong ko dito.. Napatingin naman ulit ito saakin naguusap kasi sila ni coline.. Masasabi kong close sila... "ah! Tinatanong kasi ni sir kung tapos mo na ba daw yung mga files" sabi ni mariel nataranta ako ng maalala ko na hindi ko pa nga pala tapos yun dahil nakatulog ako kagabi habang ginagawa yun π_π.. "ay hala! Hindi ko panga pala tapos yun!" "ayy hala ka girl! Need na yun ni sir mamayang 5 kasi may ka meeting sya! Tapusin mo na!" Tumakbo ako papuntang opisina bago ako malayo sa kanilang dalawa ay sumigaw pa si coline.. "girl! Sabay tayong tatlo mag lunch sa cafeteria ha!"sigaw ni coline. "oo nga girl! Para mas maging close din naman tayo!" sigaw naman ni mariel.. Hindi ko na sila nilingon pa dahil huhuhu nagmamadali ako!.. Pagdating ko dito sa opisina ay nadatnan ko si sir na naka upo sa swivel chair nya.. Umakto akong hindi nagmamadali dahil hindi nya pwedeng malaman na Hindi ko pa tapos baka maging dragon pa to!.. "how's your sleep?" luh? Problema nito? Bat ako tinatanong nito?. "ah! Okayy naman po sir hehe...." "did you finish the files that i gave you?." patay! Hindi ko pa nga tapos eh huhu!.. "a-ahh o-opo y-yes n-natapos k-ko yun s-sir" shet bat ako nauutal! Mahahalata ako nito eh... "why do you stutter?" "wala S-sir baka kinabagan lang ako" "you sure?" "oo naman sir" at nginitian ko pa ito para hindi masyado halatang nagsisinungaling ako... "just make sure you finish it because if you don't finish it i will fire you...." Pagkatapos nun ay umalis na sya.... Problema nun? Nung nakaraan mabait pa sya sakin ah? May dalaw ba yun ngayon?. Pumunta na ako sa desk ko naupo Tinitigan ko ang mga files na gagawin ko.. Ang dami! Huhu! Bat ba kasi ako natulog kagabi!.. "huhu sana matapos ko to ngayon... CharisseParkStories ------------------ Kairo pov: hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko na kapag hindi nya natapos yung files tatanggalin ko sya?! siguro dahil.. ayaw kong tuluyang mahulog sa kanya! anong nangyayari sakin? bakit ako nagagalit sa sarili ko kung tatanggalin ko sya? ganun naman na talaga ako dati bago pa sya dumating na kaunting pagkakamali tanggal sa trabaho... pero bakit iba yung pakiramdam ko.. pakiramdam ko kapag tinanggal ko sya sa trabaho malulungkot ako? ahh! ano bang nangyayari sakin? baliw na ba ako? maybe magpapakunsulta ako sa friend kong psychiatrist para masigurado kong baliw na nga ako! ______________________________________ It's already 4:48 pm and hindi pa din tapos ni sandra yung mga files.. Sandra pov: "mariel! Coline! Anong gagawin ko? Hindi ko pa din tapos tong mga files" "girl hindi din namin alam sabi kasi namin sayo ni mariel kaninang lunch.tulungan ka na namin pero tumanggi ka! Ayaan tuloy!" "girl wag mo na pagalitan naiiyak na nga eh!" sabi ni mariel.. "anong gagawin ko ayaw ko pang matanggal sa trabaho! Huhuhu" At tuluyan na nga akong umiyak!. "sorry girl pero hindi ko din alam eh!" Sabi naman ni mariel... "sandra" napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko at alam ko kung kaninong boses yun!.... Yung mukha nila coline at mariel ay alam na alam mo na talaga kung sino yun dahil yung mukha nila may gulat,lungkot at takot.. "ah s-sige girl! Balik na ako sa trabaho ha marami pako gagawin eh!" Sabi ni mariel at umalis na "a-ahh ako d-din girl marami pa ako gagawin eh una na ako ha!" at tumakbo paalis.... Ako naman ay humarap kay sir... "s-sir?" "sandra can i get the files? " "a-ah s-sir sorry! Sa totoo lang po hindi k-ko pa po kasi t-talaga t-tapos yung files " "what?!" Sigaw ni sir saakin sa sobrang lakas ng sigaw nya ay napalingon lahat ng ka trabaho ko saamin.. "sorry sir n-nakatulog p-po kasi a-ako kagabi" Pagpapaliwanag ko sa kanya.. "you're fire from now on I don't want to see your face in my company again..." at umalis na ito... Kinuha ko ang bag ko at tumakbo palabas ng kompanya... Paglabas ko ay may nadaanan akong taxi kaya pinara ko ito... Pagsakay ko ng taxi ay doon ko binuhos ang mga luha ko... Napakasama nya hindi ko lang naman natapos eh tapos tatanggalin na nya ako sa trabaho?!.... Napansin naman ata ng driver na umiiyak ako kaya tinanong nya ako kung anong problema... "iha? Mukhang may problema ka ah?" Tanong saakin nung manong na driver... Hindi ko nga alam pero pamilyar yung mukha nya saakin parang nakita ko na sya dati... "nattanggal po kasi ako sa trabaho eh.." sabi ko habang pinipigilan ang mga luha dahil mukhang gusto na naman kumawala sa aking mga mata ng luhang gustong gusto kong pigilan hindi ko nga alam kung bakit ba ako umiiyak eh pwede naman akong maghanap ulit ng trabaho... Siguro dahil makaki mag pa sweldo si sir kairo tama... Baka nga dahil dun... "naku iha! Alam mo naranasan ko na din matanggal sa trabaho pero hindi ako umiyak.." sabi ni manong saakin.. "bakit naman po?" "alam mo iha maraming trabahong mahahanap hindi ko kailangang umiyak dahil lang nawalan ako ng trabaho dahil kahit umiyak pa tayo walang mangyayare dapat kumilos tayo at isa pa kapag umiyak ako mukhang pinapakita lang natin sa sarili natin na mahina tayo at nawawalan ng pag-asa kaya alam mo ito ang payo ko sayo kahit anong mangyare wag na wag kang mawawalan ng pag-asa... Kahit anong mangyari wag kang susuko mag patuloy kalang... " mahabang pahayag ni manong... Ng dahil sa sinabi nya nagpapasalamat ako dahil lumakas ang loob ko ng dahil doon dahil wala pa saaking nakapagsabi ng mga bagay na ganon dahil imbis na mga magulang ko dapat ang gumagabay ay wala sila dahil matagal na silang wala.. Pero hindi ko sila sinisisi doon at hindi rin ako magagalit sa kanila hanggat hindi ko alam ang dahilan kung bakit nila ako iniwan dahil kahit papaano gusto kong marinig ang mga dahilan nila at paghingi ng tawad sa pag-iwan nila saakin.... "salamat po manong pinagaan nyo po ang loob ko..." "walang anuman iha.." sabi ni manong at nginitian pa ako.. "saan pala ang destinasyon mo iha?" "ah sa ******apartment po " Sabi ko at nagpatuloy na ito pag drive. Pamilyar talaga ang mukha ni manong saakin... "manong nagkita napo ba tayo noon?" Tanong ko dito. "ayy! Mukhang makakalimutin ka iha.."tinignan ko naman ito ng may pagtataka "ako yung naging taxi driver mi nung nakaraan yung pinakiusapan mong bilisan yung pag da-drive pero hindi ako pumayag..." Sabi ulit nito nagulat naman ako... "ganun po ba? Kung ganon sana po magkita po ulit tayo" Nginitian naman ako nito Bababa na ako dahil nandito na ako sa may apartment na inuupahan ko pero bago ako bumaba ay sinilip ko ang bintana ng driver seat ng taxi.. At mukhang napansin naman ako ni manong dahil ibinaba nya ang bintana... "manong maraming salamat po sa pag comfort nyo saakin" "naku! Wala iyon! Sige na una na ako ha!" sabi naman nito kaya tinanguan ko nalang ito.. At tuluyan ng lumihis ang sasakyan.. Ako naman ay umakyat na sa room ko... ______________________________________ Hi my lovely readers hope okay lang sainyo na hindi ko na dito nilagay yung about kay chloe kasi i think need ko na talaga mag update kasi 1 week din akong hindi nag update i know na marami na akong promise about dun sa pa-party ni chloe na diko natupad huhu im sorry but this time i promise next chapter na talaga pa party ni chlod yun lang thankyou my readers..?? Please vote! Vote Vote Vote!!! Disclaimer:all places, names and others did not really happen, it is based on the imagination of the author/writer.Disclaimer:all places, names and others did not really happen, it is based on the imagination of the author/writer. Author:charissepark8 Copyright year:(2022) Title of the book:Mr,kairo Publisher:charissepark8 Nickname:Arrie FOLLOW ME ON MY sss PAGE FB PAGE NAME:Charisse Park Stories https://w**************m/profile.php?id=100086883554279
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD