CHAPTER:11

1851 Words
Lunes na ngayon at tumawag nadin si chloe saakin na mamayang 5:00 dapat daw ay nandoon na ako ang akala ko pa nga ay 5:00 ang umpisa ng party pero ang sabi nya mas gusto nya lang daw kasi na 5:00 ako pumunta para makasigurado sya na pupunta ako At para nadin daw makapag bonding pa kami habang hindi pa nag uumpisa... Nandito ako ngayon sa kwarto ko kakaligo ko lang at sinuot ko na yung cocktail dress na binili saakin ni chloe na napakamahal naman.. 4:36pm na Kaya nakabihis na ako dahil nga sabi ni chloe ay pumunta daw ako ng maaga ayaw ko namang biguin sya dahil sinabi kong pupunta ako ng maaga at isa pa kapag hindi ako tumupad sa usapan naku talagang magtatampo yun saakin. si chloe kasi ay may pag ka childish sya at inosente din hindi ko nga alam kung paano inexplain ng asawa nya ang pag-gawa ng ano... Alam nyo na... Kung pano sila nakabuo?.. Paniguradong mahabang paliwanag ang sinabi ng asawa nya dun... Hindi ko na itinali ang buhok ko sinuklay ko nalang ito ay inilugay nalang maganda naman kasi ang buhok ko kaya okay nadin siguro ito at isa pa bumagay naman ito sa cocktail dress na suot ko kaya oks na. Kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa lamesa at lumabas na Saktomg paglabas ko ay may dumaang taxi kaya pinara ko ito.. Nagulat ako ng makitang si manong driver ulit yung driver.. "mukhang gayak na gayak ka iha?" Tanong ni manong driver "may pag-aatendan lang pong party" Sabi ko. Tumango naman ito.. Binigay ko din yung papel na may address ng bahay nila chloe... At tinanggap naman nya ito. "manong pansin ko kayo lagi yung taxi na sinasakyan ko?" "ayy! Napansin mo pala yun haha akala ko'y hindi mo mapapansin" Sagot nito ngunit tinignan ko lang ito at mukhang naintindihan nya naman ito kaya't sinagot nya ang tanong ko. "ah kasi ako lang talaga ang bumabyaheng taxi sa oras ng alas otso Hanggang alas sais ng gabi kaya siguro ako lagi nasasakyan mong taxi" Ah kaya pala ang oras kasi ng pasok ko ay alas otso at ang uwian ay alas sais pero minsan ay inaabot ako ng Alas siyete sa trabaho dahil maraming ginagawa.. Pero sa tingin ko hindi na ulit kami magkikita ni manong dahil natanggal na ako sa trabaho :_< "chloe! Wow naks naman ganda mo today ah!" Napa busangot naman ito ng dahil sa akin nasabi. Na ipinagtaka ko. "today? Today lang? Hindi everyday?" Kaya pala Hahaha "syempre joke lang yun noh! Everyday kang maganda!" ani ko muli at ngumiti na muli ito. Hay naku ang bilis magbago ng mood nito T_T pasok na tayo" sabi saakin ni chloe. Nagsimula syang maglakad papasok ng malaking pintuan kaya sinundan ko sya nakabukas ang malaking pintuan na iyon kaya makikita mo ang ibang bisita na maagang dumating.. Noong tuluyan na kaming nakapasok ni chloe ay nakita ko syang may nilapitan na lalaki niyakap pa nga nya ito na parang walang kausap yung lalaki pero infainess yung lalaki hindi naman nailang niyakap din pabalik si chloe. Narinig kong may part na sinabi si chloe sa hubby? Pero hindi ko na maintindihan yung iba kase medyo malayo ako sa kanila tsaka marami ding nag-uusap usap na mga tao dito.. Nagulat naman ako ng makitang papalapit si chloe tsaka yung lalaki saakin. "chloe this my hubby" Ani ni chloe. "hubby this is sandra my highschool and collage friend until now!."ani muli ni chloe na ikinatawa ko para kasi syang bata hahaha. "hi! Nice to meet you sandra. Your face look's familliar to me..."sabi ng asawa ni chloe na ikinatiingin naming dalawa ni chloe sakanya.. "oh! Naaalala ko na! I saw you at Mr,kairo's company! Yeah!" Ani nito na ikinagulat ko kung ganon baka mag kakilala sila ni sir kairo o sabihin nalang nating kairo dahil hindi ko na sya boss.. "ahh! Magkakilala po ba kayo ni Mr,kairo?" tanong ko sa asawa ni chloe Si chloe ay nakatingin lang saamin na parang nanonood lang sa tv. "ah yeah he's my friend noong collage kami" ani nito "ah."sagot ko nalang ang akala ko ay matatapos na ang usapan pero nagtanong sya saakin. "doon ka ba nag tratrabaho?"tanong nito saakin. "well kahapon yeah but ngayon hindi na....." sabi ko at mukhang naguguluhan sya sa sinabi ko. "natanggal ako kahapon" Muling sabi ko. "oh! I see haysst si kairo talaga mahilig mang fired ng empleyado yun lalo na kapag galit. Wala na talaga syang pinagbago. Tsk tsk tsk." "sige maiwan ko muna kayong dalawa ni chloe"sabi ni mr,sanchez "it's that okay wife?" tanong naman ni mr,sanchez kay chloe "yeah ofcourse hubby!" sagot ni chloe Sa kaniyang asawa at tuluyan na nga kami iniwan ni Mr,sanchez para kausapin ang ibang mga bisita.. "psstt! Uyy sandra!" tawag sakin ni chloe kaya napatingin ako sakanya. "hmm?" "bakit hindi mo sinabi na natanggal ka pala sa trabaho mo?" pagtatanong ni chloe na may malungkot na mukha... Tignan mo tong babaeng to nakikisawsaw pa sa problema ko. ︶︿︶ Chos. "need ko pa ba talagang sabihin yun sayo chloe?" Hindi naman sa ayaw kong sabihin kay chloe na natanggal ako sa trabaho pero kasi si chloe yung tipo ng taong sobrang matulungin at maaalalahanin sa sobrang matulungin nga nya naalala ko dati bumili sya ng tilapia sa palengke tapos akalako iluluto nya pero hindi nya niluto ang ginawa nya kumuha sya ng tubig galing drum tapos nilagay nya doon yung tilapiaT_T akala nya siguro mabubuhay yung tilapia kapag nilagay nya doon, kaya ayaw ko ng sabihin sa kanya kasi baka kapag sinabi ko mag aalok yan ng trabaho. Oks naman na mag alok sya ng trabaho pero kasi pag nag alok yan ng trabaho hindi nya alam kung mabuting trabaho ba o masamang trabaho inaalok nya(+_+). "oo naman kailangan mo yun sabihin saakin noh! Friend tayo diba!" "alam ko naman yun pero kasi chloe problema ko yun ayoko namang abalahin kapa dahil sa sarili kong problema. Hindi naman pwedeng palagi nalang akong hihingi ng tulong sayo." Aniya ko kay chloe. Ayaw ko na talagang sabihin pa kay chloe dahil ayokong problemahin nya din problema ko. Ayoko ring maawa pa sya saakin iyakin pa naman sya. "alam mo sandra sa tagal kitang naging kaibigan kapag may problema ako diba sayo din ako lumalapit? Diba noong nawala dito sa earth ang mga magulang ko lumapit din ako sayo?" "Kaya sandra kahit milyon milyon pa problema mo hindi ako mapapagod na tulungan ka kasi mag kaibigan tayo." "Hinding hindi mo ako naabala. Para saan pa ang pagkakaibigan kung hindi tayo mag tutulungan at magdadamayan diba?" umiiyak na sabi ni chloe. Haysst Iyakin talaga tong babaeng to! "salamat chloe!" sabi ko at niyakap sya ng sobrang higpit na parang hindi na sya makahinga. Chos "what's happening here? Bakit nag-iiyakan kayo?". Tanong ni Mr sanchez Saamin ni chloe. Sa pagiging OA namin dito ni chloe hindi na tuloy namin naoansin na lumapit pala asawa nya saamin hay nako. "nothing hubby!" "hmm... Okay! By the way the party will start na are you guys ready?". "oum yes hubby ready na kami ni sandra right sandra?". "yeah" Charisse Park Stories Lumipas ang ilang minuto ay nagsimula ng magsalita ang mc tungkol sa wedding anniversary nila Chloe at nung asawa nya tinatanong tanong pa sila nung mc kung kamusta naman daw ang buhay may asawa. Malaki itong mansyon nila chloe. Naiinip ako kaya inilibot ko saglit ang aking mga mata sa paligid upang malibang ng kaunti ng mahagip ng mata ko ang isang garden. Napalingon ako kay chloe at sa asawa nya, mukhang hindi naman ako hahanapin ni chloe. Kaya Pumasok ako sa may hardin. Ang ganda dito! A-ah no! Hindi lang maganda sobrang ganda dito! Ang daming bulaklak! Iba't ibang bulaklak dito may rose, jasmine, at tulips dito. Halatang alagang alaga itong mga halaman dahil ni isa wala akong makitang lanta manlang. Lumapit ako sa mga bulaklak at bumunot ng tig iisa nito, wala naman sigurong masama kung bumunot ako diba? Kaunti lang naman eh. Inamoy ko ang mga ito! Ang bango! May nakita akong isang upuan na gawa sa kahoy, maayos pa ito at hindi mukhang napag iwanan ng panahon kaya umupo ako doon at tinitigan lamang ang buong hardin ng biglang may narinig akong isang pamilyar na boses... "sandra?" Isang malamig at baritonong boses na hinihiling kong ayaw ko ng marinig pa muli. Hindi ko din alam pero ng marinig ko ang boses nya ay parang nalungkot ako pero ang kalungkutang iyon ay may kahalong tuwa? Teka tuwa?. Bakit naman ako matutuwa... Ugh! Bakit ganto? Kinakabahan akong lumingon sa kanya?. Tsaka bakit ba kasi sya nandito?... Kahit pa kinakabahan ako at nalulungkot ay nilingon ko pa din sya.... Hindi pa din sya nagbabago! Gwapo- ugh! No! Stop! Hindi! Bakit ganto ang mga naiisip ko ngayon?! "sandra" muling tawag nya saaking pangalan ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na malamig ang kanyang mga boses. Kundi parang malungkot? To be continued... ______________________________________ Hello guys! Im back sorry if ngayon nalang ulit ako nakapag update :) Busy kasi ako i hope naiintindihan nyo yun but i will promise na kahit busy ako i will try to update every week because i think kaya ko naman haha but yeah sorry if ngayon lang si author nakapag update:) hope you like this chapter!. Please vote! Please vote! Please vote! Thankyou for reading! Disclaimer:all places, names and others did not really happen, it is based on the imagination of the author/writer.Disclaimer:all places, names and others did not really happen, it is based on the imagination of the author/writer. Author:charissepark8 Copyright year:(2022) Title of the book:Mr,kairo Publisher:charissepark8 Nickname:Arrie Facebook Page Charisse Park Stories
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD