Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nakikita ko sa kanyang mga mukha. Hindi ko mawari kung tama ba ang nakikita ko sa kanyang mga mukha,ang kanyang mga mukha ay may kalungkutan? Pero bakit?, dahil ba saakin?.
Teka bakit ko ba sya inaalala hindi ko naman sya lubos na kilala para malaman kung anong dahilan ng kalungkutan nya ang lakas ng loob kong isipin na ako ang dahilan ng kalungkutan sa kanyang mga mukha, tsk minsan talaga masyado ng sumusobra ang pagka feelingera ko.
"sandra?"
Muling tawag ni sir kairo sa aking pangalan. Napansin siguro nito na kanina pa ako hindi nasagot sa pagtawag nya sa aking mga pangalan.
"you're here" sabi nito. Tango lamang ang naisagot ko. Cold kasi ako.
"it's nice to see you here"
Tsk it's nice too see you here daw pero sabi nya sakin ayaw na nya makita pagmumukha ko. Siraulo din to eh gulo nya!
"okay" sagot ko at lumakad palabas ng garden at akmang aalis na sana ng hawakan nya ang braso ko upang pigilan ako.
"can we talk?"
Aniya nito. Can we talk. Kaltukan ko kaya sya hindi ba nya nahahalata na ayaw ko syang kausapin? Nagtatampo ako sa kanya noh! Tampo alam nyo yun tampo ganern? Char. Ayaw ko syang kausapin kasi. Wala lang ayaw ko lang syang kausapin. Katamad kasi sya kausap. Panget ka bonding.
"okay" sagot ko na lamang dito. Cold kasi ang peg ko ngayon kaya hayaan nyo na ako.
Hinila nya ako sa may upuang kahoy kanina kung saan ako naupo kanina. Umupo sya doon. Nanatili lamang akong nakatayo ayaw ko syang tabihan baka may virus sya na covid baka mahawa pako naku wala ako pambayad pang hospital kaya social distancing muna Char.
"upo ka dito sa tabi ko"
Ani nito. Ngunit hindi ko sya pinakinggan.
Bahala sya dyan tampo ako sa kanya. Char.
"No. Thanks. Sabihin mo nalang kung ano yung gusto mong sabihin para matapos na"
Pak! cold yarn? Kung magusap kami parang mag jowa dati tapos nag break eh. Ex boss ko lang naman sya wala namin kaming relationship dati.
"im sorry" aniya nito
"para saan?"tanong ko dito. Kasi bakit sya nagsosorry?.
"for firing you" aniya naman nito.
"hindi mo kailangan magsorry" sabi ko at akmang aalis na. Wala naman palang kwenta sasabihin nya mag sosorry lang naman pala sya eh wala naman syang ginawang mali.:>
Pero napatigil na naman ako sa paglalakad ng hawakan na naman nya ang braso ko. Pag ako hindi nakapagtimpi puputulin ko yang kamay nya para hindi na nya ko mapigilan sa pag alis. Atat na atat na ko umalis hindi nya ba na see see? Baka hinahanap na ko ni chloe. :
"hey!" narinig ko pang sabi nito pero hindi ko na sya pinakinggan. Wala kong pake sa kanya noh! Tampo padin ako sakanya. Char babalik na ako dahil baka hinahanap na ako ni chloe.
***
"uyy! Sandra saan ka galing?"tanong saakin ni chloe.
"wala sa ano lang sa banyo" sagot ko dito hala nag sinungaling na naman ako huhu. Banyo daw ako galing pero sa garden talaga.
"banyo? Eh bakit may hawak kang bulaklak?" tanong saakin nito. Hala shems hindi ko pala na itapon yung bulaklak na pinitas ko sa garden nila.
"ha! W-wala ano to. Design sa banyo nyo pinitas ko".
"ha? Design eh wala naman kaming design na bulaklak sa banyo namin eh, tsaka paano mo nalaman kung saan yung banyo namin?"itong babaeng to ang daming taong halatang pinaglihi sya sa pagiging chismosa ng nanay nya. Char.
"a-ah ano may nagturo lang sakin ng banyo" ang dami ko ng nasabing kasinungalingan kay chloe. Haysst...
"eh saan naman galing iyang bulaklak na hawak mo?" tanong muli nya. Anong idadahilan ko? Baka pag sinabi kong pinitas ko to sa garden nila pumunta sya doon tapos makita nya yung mokong na nagtanggal saakin ng trabaho tapos awayin nya. Tsaka isa pa baka magalit din sya kasi pinitas ko yung bulaklak ang ganda pa naman tas pipitasin ko lang.
Kaya naman nagpalusot nalang ako sabi ko nagugutom na ako kaya samahan nalang nya akong kumain. Pumayag naman sya doon.
"chloe anong oras mong balak sabihin?".
Tanong ko. Naata't na kasi ako na marinig na sinasabi nyang buntis sya dun sa asawa nya.
"ha? ang alin?" tanong ni chloe habang ngumunguya pa ng manok na kinakain nya. Nandito ako sa tabi nya habang kumakain din ng manok. Favorite namin kumain ni chloe ng manok since highschool kaya ang saya kumain ng kasama sya parang bumalik kami sa pagiging highschool namin.
"hindi mo talaga gets? O gusto mo i explain ko pa para magets mo, gusto mo ata mabuking tayo ng asawa mo eh mas magandang surprise yun." aniya ko habang ngumunguya ng manok. Ang sarap ng manok crunchy, juicy and meaty! Kaya mag jollibee kana. Char. Hindi to sponsored wag kayong ano.
"alin ba?" tanong nito muli saakin. Seryoso ba sya o nagbibiro sya o sadyang lutang sya. Ay i forgot lagi naman yan lutang.
"na buntis ka!"bulong ko sa kanya na medyo nilaksan ko pero sigurado akong walang makakarinig. Binulong ko pa kung may makakarinig din pala. Nilaksan ko medyo ang boses ko dahil baka hindi na naman nya maintindihan uulitin ko na naman edi naging sirang plaka ako.
"ah mamaya pa. Bakit? Hindi ka ba makapaghintay? Inggit ka ata eh." aba! Anong inggit. Sapakin ko sya eh.
"ba't naman ako maiinggit? Ayokong lumaki tyan ko noh!" pang-aasar ko sakanya.
"tse! Bahala ka dyan! Akin na nga yang manok! Wag kang manghihingi saakin ha!" sabay hablot ng plato ko pati na rin ng hawak kong manok. Bastos to ah! Kumakain yung tao inaagaw nya?...
To be continued...