CHAPTER:15

652 Words
Nagising ako sa tunog ng alarm na nanggagaling sa lamesa sa gilid ng aking kama. Pinatay ko ito kaagad at bumangon na sa pagkakahiga. Pumunta ako ng banyo at binuksan ang tubig. Mag iinit na muna ako ng tubig dahil masyadong malamig yung tubig na nanggaling sa gripo. Kaya naman pumunta ako ng kusina at nagpainit na ng tubig. Habang nagpapainit ako ng tubig ay nag almusal narin ako. Bumili ako ng pandesal kahapon pero hindi ko naubos kaya yung natira ay kinakain ko ngayon. Kumulo na yung tubig na ininit ko kaya naman ay pinatay ko na, pinatay ko na rin ang gasul at kinuha ang takore na ginamit ko sa pag-papainit nito. Nagtungo na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay ginawa ko nadin ang iba kong morning rituals at umalis na ako. (Fast forward) 8:30 ng umaga ay nakarating na ako sa coffee shop kaya naman ay inumpisahan ko ng magtrabaho. As usual kakauti lang ang mga customers kaya hindi naman masyadong nakakapagod. Mas mapapagod ka sa mga customers na nagrereklamo. Tulad nalang ng nangyari kanina. “hindi ba ang sabi ko Cappuccino!?” Sigaw ng babaeng customer saakin. Sa lakas ng sigaw niya ay oati yung ibang customer ay napatingin saamin. “o-opo” sagot ko. “eh bakit macchiato ang binigay mo sakin!?”sigaw muli ng babae. “pasensya napo nagkamali lang po kasi ako ng bigay” sagot ko dito, ngunit mukhang mas nagalit pa ito. “so sino ang may kasalanan?!” sarkastikong tanong nito saakin ngunit halatang galit pa din. “ a-ako po” sagot ko dito. “buti alam mo! Ngayon bigay mo sakin order ko! ”.aniya ng babaeng customer. Pagkasabi niya nun ay kaagad akong pumunta ng kusina at kinuha yung order niya. At kaagad ko ring ibinigay dahil baka mamaya ay magalit na naman. Kinuha niya yung order niya at kaagad ding umalis. Babalik na sana ako ng kusina dahil may ibang nag oorder ng marealize ko ang isang bagay. Tumakbo ako palabas ng coffee shop at hinagilap yung babae. Pero bigo akong makita yung babae malamang ay nakalayo na. Patay! Hindi pa siya nagbabayad eh! *** “sandra okay ka lang?” tanong ni suzie saakin dahil kanina pa ako nakatulala dito. Hindi pa din kasi mawala sa isip ko yung babaeng hindi nagbayad eh. “suzie sa tingin mo ba magiging okay ako kung yung binili nung babaeng hindi nagbayad makakaltas sa sahod ko?” malungkot kong tanong dito. “hayaan mo nalang kasi yun. Makakarma din yun!” sagot naman ni suzie na halatang sinabi lang yun para palakasin yung loob ko. Paano ko hahayaan yun eh ang mahal mahal kaya nung inorder niya. Pero wala na akong magagawa. Saan ko naman kasi hahagilapin yun eh hindi ko naman yun kilala. *** Lumipas na ang ilang oras at mag a out ako ng maaga, ibabalik ko pa kasi yung coat nung lalaki. Alas singko alang ng hapon pero nagmakaawa ako kay niko na mag a out ako ng maaga. Pumayag naman siya. Kaya heto ako ngayon at nililigpit yung mga gamit ko dito sa staff room. At pagkatapos kong ligpitin ay lumabas nadin ako. “niko, suzie alis nako ha?”. paalam ko sa dalawa. Kaagad naman nila akong nilingon. May ginagawa kasi silang dalawa. Si niko ay gumagawa ng kape at nakaharap sa coffee maker. Si suzie naman ay nagsusulat ng mga order. “sige lang girl! Kaya na namin dito. Shoo! Alis na!”.pabirong aniya ni suzie na ikinatawa ko. Pagkatapos kong magpaalam ay umalis na ako. Dinukot ko ang calling card na ibinigay saakin ng lalaki nakalagay na din duon ang pangalan niya. Nagpara ako ng taxi at sumakay na ipinakita ko sakanya ang calling card para malaman niya kung saang address ang aking pupuntahan. “manong ditong address po.” aniya ko kay manong driver. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD