Shiela’s: POV
Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa sinabi ni Sir. Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko ang sarili ko, inayos ko ang mukha ko at nanatili pa ring normal.
“Ahemmm…” tikhim ko para pigilan ang pagbasag ng boses ko. Ayaw kong magmukhang kawawa. Kung ayaw niya akong tanggapin, mas mabuti na rin. Ayaw kong magtiis, ang pangit ng ugali niya, hindi bagay sa kanyang mukha.
“Ahh Sir, I understand po kung wala kayong tiwala sa akin. May ibang mga company pa namang magha-hire, Sir. Doon na lang po ako makikipagsapalaran na matanggap. Pakibalik na lang po sa akin ang resume ko, Sir. Have a nice day,” kalmado kong saad sabay dampot sa folder.
Napatawa siya ng pagak, kasabay ng pag lamukos ng resume ko sa kamay niya kaya nangigigil ang laman ko.
Parang makakasuntok yata ako ng matanda dito. “Lord, pigilan mo ako,” mga katagang sambit sa aking isipan.
“Bigla nalang siyang nag salita.Anong rason mong magtrabaho sa edad na iyan at tumigil sa pag-aaral?” biglang tanong niya sa akin.
Bumuntong-hininga ako.
“Para sa gamot ng papa kong na-paralyze dahil sa highblood, kaya kailangan ko ng trabaho para makapag-ipon narin at makabalik sa pag-aaral, dahil si papa nalang ang tanging meron ako.” Kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya.
Tumahimik siya saglit.
“If wala na po kayong tanong, Sir, lalabas na ako at magpapasa ako ng resume sa ibang agency,” paalam ko at tumayo.
Ngunit bago pa ako makakahakbang ay—
“You’re hired,” bigla niyang sabi, dahilan para matigil ako at muling bumaling sa kanya..
“Sir, ano po ulit yung sinabi niyo?” ngiting tanong ko sabay kalikot sa tenga ko, baka nagkamali lang ako ng narinig.
“Tsssk, wag mong kakalikutin yang tenga mo, hindi ka bingi. Tama ang narinig mo, you’re hired—in one condition,” malamig niyang sabi ulit.
Hindi ko napigilan, bumalik ako sa upuan at hinawakan ang kamay niya.
“Naku, thank you so much Sir!” masaya kong saad..
Tumingin siya sa kamay kong nakapatong sa kamay niya..
“Don’t lay your dirty hand on mine,” inis nitong saad kaya agad kong binawi ang kamay ko..
“Sorry po Sir, excited lang po. Ano po ba yung condition niyo? Kahit ano po Sir, kahit janitress po ay okay lang basta’t may trabaho po ako,” masaya kong tanong..
“You’re hired as my secretary starting today, pero may isa akong i-o-offer sa’yo just for today at babayaran kita agad sa serbisyong ito. Kailangan ko lang gawin to.”
“ Tumango ako.Sige po Sir, kahit ano ay gagawin ko,” ngiting sagot ko.
“Walang urungan, Miss Alcasin. Mamayang hapon, sumama ka sa akin sa bahay ko at magpanggap na girlfriend ko sa harap ng mommy at lolo ko,” kalmado niyang sabi.
Napanganga ako sa sinabi niya.
“S–Sir, nagbibiro lang naman po kayo, diba? Hehe… bakit naman po ako?”
“Wag ng maraming tanong, Miss Alcasin. Wala akong oras makipagbiruan sa’yo. Fifty thousand. 4:00 PM sharp. You may now go outside. Tatawagan ko lang ang janitor para ihanda ang table mo sa labas,”
sagot ni Sir, walang emosyon at muling humarap sa laptop niya..
Lutang akong tumayo at naglakad palabas. Hindi pa nagsi-sink sa utak ko ang lahat ng sinabi ni Sir..
Sumakay ako ng elevator pababa sa 15th floor at dumiretso sa office ni Kim. Pagdating ko sa table niya ay umupo ako kaya napaangat siya ng mukha..
“Ohh, tapos ka na pala. Bad news ba? Hindi ka natanggap?” dismayadong saad niya ng makita ang mukha ko.
Tumingin muna ako sa ibang table, wala ang mga kasama niya kaya agad akong nag salita.
“Ewan ko pinsan, hindi ko alam kung good news ba ito o bad news. Tanggap naman ako pero kasi… ano—”
“Anong kasi?” putol ni Kim.
“Insan kasi… sabi ni Sir, unang araw ko ngayon sa trabaho, magpanggap daw muna ako bilang girlfriend niya sa harap ng lolo niya mamaya,” malungkot kong saad..
“Hoy!” sabi ni Kim sabay tulak, sa akin kaya sa gulat ko ay nahulog ako sa upuan.
“Araaaay…” ungol ko kaya dali-daling tumayo si Kim at inalalayan ako.
Tawang-tawa siya sa mukha ko.
“Anong nakakatawa? Pambihira ka naman, insan eh!”
“Loka ka Shiela, sino ba ang hindi matatawa sa’yo? Ang ganda ng nangyari sa’yo tapos yang mukha mo parang Biyernes Santo. My God, Shiela! ", Ang swerte mo nga! Makakasama mo si Sir mamaya at magpanggap na girlfriend niya. Walang mali doon, magda-drama ka lang naman doon kaysa naman hindi ka matanggap, diba? Kaya chill pinsan, pakisamahan mo lang si Sir. Ang swerte mo pinsan, mahawakan mo ang kamay ng isang Trishatan Almansori,” ngiting sabi ng pinsan ko..
“Anong mahawakan? Ang arte nga nun. Bahala na, baka hindi seryoso yon. Tatakas ako mamaya, total secretary ang posisyon ko, hindi artista.”
“Hindi marunong magbiro si Sir, Tristan pinsan, kaya careful ka. Sige na, wag mo muna isipin yan. Bumalik ka na doon sa taas, sumenyas na ang janitor,” utos ng pinsan ko..
Kaya tumayo ako at bumalik sa taas. Pagdating ko doon ay dumiretso ako sa harap ng pintuan ng office ni Sir. May maliit na counter at mesa, bumungad sa akin ang mga folder at ang computer sa gilid.
Sinimulan kong i-check ang mga ito at nag-encode. Alam ko kung paano gumawa ng report dahil ito ang lagi naming ginagawa sa school.
Iyon ang ginawa ko hanggang sumapit ang 11:30 Ng tumunog ang cellphone ko.
Tita, basa ko sa nakatatak sa screen agad kong sinagot..
"Hello Tita kumusta po si Papa? " agad kong tanong..
"Hito't nagpapa hinga na Shiela kaya ako tumawag sayo ngayon dahil galing kami sa hospital kanina para sa kanyang fallow up chek up may na dag-dag naman sa kanyang gamot dahil lumabas na ang ang resulta ng ibanng laboratory niya tumaas din ang sugatr niya at medyo humina ang kanya ng heart beat kaya nag nagrequest na naman ang doctor ng ECG para masiguro na hindi na apiktuhan ang kanya ng heart at naka schedule narin ang Threarapy niya sa lunes. Shiela kaylangan na natin na malaking halaga ng pera para sa mga bayarin at gamot na hindi ko pa nabili.
Bumuntong hininga ako..
Okay Tita hahanap ako ng paraan dito padala ako bukas sagut ko..
Sigi Hija sabihan mo si Kim baka may extra pa iyon. Mag ingat kayo diyan. Paalam ni Tita. Agad kong binaba ang tawag. Bumigat ang dib;din ko saan ako kukuha ng pera..
Tumayo na ako at niligpit ang gamit para mag-lunch nang bigla na lang may nilapag sa harap ko na paper bag kaya napaangat ako ng mukha.
“Wear this. Tumawag si Mommy, and this afternoon ka sumama sa akin. Hintayin kita sa baba, 10 minutes. Magpalit ka na agad,” walang emosyon na utos ni Sir sabay talikod at nagtungo sa elevator.
Nakatulala akong nakatingin sa likod niya. Napahilamos ako sa mukha ko.
“Diyos ko! "… seryoso pala siya.”
Agad kong tinawagan si Kim ngunit nakaapat na akong dial ay hindi niya sinagot. Six minutes na lang ang natira.
Bumagsak ang balikat ko at nagtungo sa restroom para doon magbihis.
Tiningnan ko ang laman ng paper bag—isang formal white dress na may ternong silver jewelry set at isang maliit na sling style pouch na kulay puti rin..
Agad ko itong isinuot. Nagpahid ako ng lipstick at naglagay ng face powder, lumabas dahil wala nang oras.
Pagkatapos ay agad akong bumaba.
Tahimik ang paligid dahil nasa cafeteria halos lahat ng empleyado. Dumiretso ako sa parking lot at agad kong nakita si Sir sa driver’s seat.
“You took so long. Get in,” mariin niyang utos sabay tingin sa suot ko.
Agad akong sumunod. Tahimik kami hanggang makarating sa bahay nila—hindi pala bahay, isang napakalaking mansion.
Hindi ko narinig ang ugong ng kotse na huminto. Tanging t***k ng puso ko ang narinig ko.
Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto.
“Bumaba ka na,” saad niya at inabot ang kamay niya kaya napatitig ako dito.
Tinulak ko iyon.
“Kaya ko pong bumaba, Sir. Baka madumihan pa yang kamay mo,” sagot ko at bumaba ng kotse.
Pagkasara niya ng pinto ay lumapit siya sa akin at pinagsiklop ang kamay namin. Nanigas ako. Bawiin ko sana ang kamay ko dahil para akong nakuryente sa ginawa niya..
“Behave. This is A part of the script kaya wag kang mag-inarte. Hindi bagay sa’yo,” mahina niyang bulong.
Hindi na ako sumagot dahil papasok na kami sa loob.
Pagpasok pa lang namin ay agad akong nalula. Para itong palasyo sa sobrang ganda—naglalakihang glass chandelier at mga mamahaling figurine ang nakapalibot sa sala.
Dumako ang tingin ko sa isang babaeng nakaupo. Hindi ko matansya kung ilang taon na siya dahil sopistikada ang dating niya.
May dalawang lalaki—isang may edad na at isang matanda na nakatingin sa amin.
“Apo! Ang ganda naman ng magiging grand child in-law ko. Halika kayo at magmano kayong dalawa dito,” masayang saad nito.
Agad na lumapit si Sir at nagmano sa mga ito, sumunod din ako sa kanya.
“Lo, bakit naparito si Judge Suarez? Is there a problem?”