Shiela’s: POV
Kinakabahan ako sa mga ngiti ng lolo ni Sir Tristan habang nakatingin sa amin. Pero pinilit kong maging kalmado, baka kasi maihi ako. Tang/ ina, ano ba itong pinasok kong trabaho, nakaka-kaba. Ganito kaya ang feelings pag haharap sa parents ng kasintahan nila?
Tumikim ang lolo ni Sir.
“Tristan, hindi mo man lang ba kami ipakilala diyan sa magiging asawa mo?” masayang saad nito na siyang lalong nagpakaba sa akin.
“Lolo, kasintahan ko pa lang po. Hindi pa po namin napag-usapan ang bagay na iyan,” saad ni Sir Tristan at bumaling sa akin.
“Babe, this is my Lolo Juancho, and my Mommy Rubelyn. And this is Judge Suarez, close friend ng Mommy ko,” formal na pakilala ni Sir sa amin.
“Lolo, Mom… this is my girlfriend Shiela. Pasensya na at ngayon ko lang naipakilala sa inyo dahil ngayon pa lang siya naging handa. Kaka-graduate lang niya last week kaya ngayon lang siya pumayag.” Pagsisinungaling niya sa kanyang lolo.
Kaya napa-iling na lang ako. Ang galing palang magsinungaling ng matandang ‘to, wika ko sa aking isipan.
“Perfect, apo! Ngayong handa na pala si Shiela ay simulan mo na ang seremonya, Judge, para matapos na tayo,” biglang saad ng lolo ni Sir Tristan.
“Lolo!” malakas na boses ni Sir ang dumagundong sa buong sala. Nanlamig ang kamay ko. Hindi ako makagalaw, parang gusto kong tumakbo palabas at umuwi ng Cebu. Diyos ko po!"
“Lo, respetuhin mo naman ang desisyon namin. Hindi pwede yang ginagawa binabalak mo!” kalmadong sabi ni Sir, pero namumula ang mukha niya, halatang nagpipigil sa galit."
“At kailan ka pa magdedesisyon, Tristan? Pag naagaw na siya ng iba? Tingnan mo yang girlfriend mo, ang ganda at bata pa. This is for your own good, Tristan. Wala ka nang magagawa, handa na ang lahat. Sige na, Judge, simulan mo na,” saad ng lolo niya.
Tumayo ang Mommy ni Tristan dala ang wedding ring at inabot ito sa kanyang anak.
“Sir…” mahina kong sambit, nanginginig ang boses ko.
Hinawakan niya ang kamay ko.
“Relax… pabayaan muna natin si Lolo. Ayaw ko siyang ipahiya sa harap ni Mr. Suarez. Kakausapin ko siya after this,” mahinang sabi ni Sir.
Pero hindi iyon sapat para maibsan ang kaba at takot ko.
My goodness… instant may asawa Ano ba ito? "Lord trabaho lang ang kaylangan ko hindi asawa..
“Mom…” saad ni Sir na tila naghahanap ng kakampi, ngunit gaya ng lolo niya ay tila parang wala lang din sa kanya.
Sinimulan ng Judge ang seremonya hanggang matapos ito, pero tila wala akong narinig. Tanging laman ng utak ko kung paano kami after nito at kung paano ako tatakas sa lugar na ito."
Natauhan na lang ako nang biglang hawakan ni Sir ang kamay ko at isuot ang singsing Hindi ko narinig ang mga sinabi ng judge na blanko ang utak sa mga nangyari. May inilapag na papel sa harap namin na pinapirmahan..
Nanginginig ang kamay ko at napilitan na pumirma. Hindi ko na binasa ang nakasulat. May tiwala ako kay Sir… after nito talagang aalis ako..
Natapos ang seremonya. Umalis ang Judge.
Pagkalabas ng Judge ay agad akong tumayo.
“Excuse me… pwede bang maki-CR? Naiihi ako,” bulong ko sa kanya..
“Doon,” turo niya sa kitchen, “kaliwa, may comfort room doon.”
Tumango ako at agad na nagtungo roon, hawak ang cellphone ko.
Pagdating ko ay agad akong umihi at pagkatapos ay tinawagan ko si Kim via video call.
“Tringgg…” tunog ang cellphone ko at agad naman sinagot ng pinsan ko. Bumungad sa akin ang mukha niyang nagtataka, nasa labas ito ng De-Luxe building.
“Hoy bruha ka pinsan, nasaan ka ba? Bat ngayon ka lang nag-online? Kanina pa ako hanap nang hanap sa’yo!” sermon nito sa akin..
“Pinsan, nandito ako sa bahay nila Sir. Remember sa sinabi ko sa’yo kanina? But something happened… pinsan, tulungan mo ako, hindi ko alam paano lulusot dito. Pinsan please!”
“Wait! Wait! Huminga ka muna ha, chill lang insan. Ano bang ibig mong sabihin? Ano, tapos na ba drama niyo? Umuwi ka na lang, dumiretso ka na lang sa apartment. Bibili muna ako ng bigas at ulam sa market,” sabi ni Kim.
“Pinsan…kasi pinakasal kasi kami ng lolo ni Sir…” sagot ko—
Lumagapak ang kabilang linya. Ulap na lang ang nakita ko. Nakita ko ang mukha ni Kim, alam kong nahulog ang cellphone niya."
“Shiela, wag ka ngang magbiro! Umuwi ka na lang, wag mo ako pagtripan. Hindi ako naniniwala sa’yo. Sige na, may huminto nang jeep, sasakay na ako,” paalam nito sabay patay ng cellphone."
Napaawang ang labi ko. Pinasok ko na ang cellphone ko sa bulsa at lumabas ng CR.
Mula dito ay hindi makita ang sala kaya lumabas ako. Nakita ko ang back door, dali-dali ko itong tinungo.
Nang makalabas ako ng bahay nila ay dumaan ako sa gilid ng halaman at tinungo ang gate. Subalit hindi pa ako tuluyang makalapit sa gate ay natanaw ko si Sir na kausap ang guard kaya umatras ako at nagtago muna sa halaman sa gilid.
“Ouch, s**t!” daing ko nang masagi ng branch ng halaman ang pwet ko.
Ilang minuto ay bumalik sa loob si Sir. At nang makapasok siya ay agad kong nilapitan ang guard na nakaupo sa guard house..
Dumiretso ako sa gate, akma ko sanang buksan ito ngunit naka-lock.
“Kuya, pabukas po!” ngiting tawag ko rito.
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
“Sorry po, ma'am bilin ni Sir na wag kayong palabasin. Bumalik na lang po kayo sa loob, hinahanap po kayo ni Sir.”
“Kuya please, need ko po makauwi ngayon,” muli kong sabi sa kanya."
“Ma’am, sumusunod lang po ako sa utos ni Sir. Pasensya na po.”
Nanlulumong naglakad ako pabalik sa loob, ngunit hindi ako pumasok. Dumiretso ako sa gilid na halamanan may pader.
Umangat ang tingin ko sa mataas pader.
My God… hindi ako maaaring umakyat diyan, ang taas!
What the— napaatras ako nang bigla na lang akong bumangga sa matigas na bagay..
“Aray ko!” reklamo ko, ngunit paglingon ko ay mukha ni Sir ang bumungad sa akin.
“Aakyat ka diyan? Baka gusto mong ma-toasted diyan, may live wires ,” malamig na boses ni Sir.
“Sir, uuwi na po ako. Tapos na drama natin diba? Kaya wala na pong rason mag-stay ako. Hinintay na po ako ng pinsan ko, magsasaing pa raw ako,” tila pabiro kong sabi para gumaan ang usapan..
“No. Just stay. Let’s talk about this tomorrow. And do you think papayagan ka ni Lolo na umalis? Let me handle this. Just behave. Pero kung gusto mong umakyat diyan at magpa-toasted sa mga live wires sa taas just go! …” ngising saad niya at may inabot sa akin..
“Here. Naka-pangalan na sa’yo ang ATM na ‘to at na-transfer ko na diyan ang bayad ko sa’yo. Get inside. Magdi-dinner tayo, and don’t act like a kid.”