Pagdating Niya sa may harapan ng barangay hall ay agad siyang nilapitan ni Monique at hinila sa gilid.
halika rito,ang tagal tagal mu.buti na lang late din Yung ibang opisyales.halos kararating lang din nila.,ani Monique sa kanya.
Hindi pa ba sila nag-umpisa para sa interview?,tanong ni Janine sabay palibot ng kanyang mga mata upang tingnan kung sinu sino ang mga tulad niyang aplikante.Nakita niyang andun yung isang dating pastor or ministro ng Iglesia na asawa nang isa nilang kamag-anak.meron ding Isa na empleyado na ng barangay ngunit nagnanais din sumubok ng bagong trabaho.meron pang iba pero Hindi na niya Nakita Ang mga ito.halos 10 silang lahat na aplikante.
Mamaya pa daw,may aayusin daw muna sa taas bago magpapasok.sagot naman ni Monique.
Kinakabahan ako Monique.pa'nu kung hndi ko masagot Yung mga katanungan nila..ayysss! nakakahiya pag nagkataon sabi ni Janine.
Don't worry my friend!kayang kaya mu Yan,Ikaw pa.isipin mu nalang na parang mga guro lang natin sa highschool Ang mga mag iinterview sa into.parang sa recitation lang bah,hehehe.,pagpapalakas ni Monique sa kanya.
Kaya mu yan Bess,fighting!! at nagmuwestra pa ito na parang makikipagbunong braso na ikinatawa naman niya.
Sa totoo lang,kinakabahan talaga Siya dahil ito Ang unang beses niyang pag apply ng trabaho na medyo formal na at seryoso.Sana naman ay makapasa siya nang sa gayon ay meron na siyang aasahang regular na trabaho at sahod kada buwan kahit na nga maliit lang ito.Mula kasi nung tumigil siya sa pag-aaral dahil hndi na kayang tustusan pa ng mga magulang niya ang kanyang tuition at iba pang gastusin ay umuwi na lang muna siya dito at sinubukang magtinda ng kakanin o mga pangmerienda sa eskwelahan.nagluluto Siya at dinadala naman ng kapatid Niya sa school para ibenta tuwing may pasok.pero kunti lng Ang kita kasi Marami na din namang nagbebenta dun ng pagkain tulad nila.Kaya umaasa Siya at nagbabakasakali na matanggap siya sa trabahong aapplayan nang sa gayon ay makatulong naman siya kahit kunti sa mga magulang Niya.Kahit allowance man lang nang kapatid Niya o do kaya ay pang ulam lang nila sa araw-araw ay ok na sa kanya.malaking tulong na rin yun kung sakali man,kaya sana sana sana ...
Woyyy!!,siko sa kanya ni Monique.
Lalim nang iniisip mu ah.,anito sa kanya.
Naisip ko lang kasi na sana matanggap ako dito para naman makatulong Ako kina mama kahit kunti man lang.,sagot ko sa kanya.
Kaya nga galingan mu mamaya sa interview nyo.Pero sigurado Ako na matatanggap ka dyan.magaling ka eh,sagot naman nito sabay thumbs up pa sa kanya.
Magdilang anghel ka sana mah pren,.Ani Janine.
Oh sige na,dalhin mu na yang application letter mu dun Kay Sec.josie.Nakita Kong kinukuha na Niya Ang mga yan.dadalhin Niya siguro sa taas bago kayo tawagin Isa Isa.Galingan mu ha.
Sige, sige..antayin mu Ako dito ah.libre mu Ako ng merienda mamaya.hindi pa kasi Ako nag almusal eh hehehe..
ok sige dun ka na,Dito lang muna Ako.Basa lang Ako ng pocketbook hehehe,Ani Monique sabay kuha ng baon niyang pocketbook sa sling bag nito.
Ikaw talaga,Hindi ka rin adik sa pocketbook Noh..napapailing ding tugon ni Janine Dito.
Sige,dun na muna ako.wish me luck..at naglakad na ito patungo sa harapan ng barangay hall para ibigay Kay sec.josie Ang kanyang application letter.