Ilang minuto pa ang lumipas bago nagsimulang tawagin pa Isa Isa Ang mga aplikante.Mababakas sa mukha ng bawat Isa sa kanila Ang kaba habang hinihintay na tawagin Ang kani kanyang pangalan.Tumatagal din ng halos bente minuto ang bawat aplikante sa loob ng opisina bago lalabas at tuloy tuloy na sa pag-alis.Maya-maya lamang ay narinig na ni Janine Ang pagtawag sa pangalan Niya.Agad siyang tumayo at pumasok sa loob na puno ng kaba.Pagtuntong Niya sa loob nang opisina,agad niyang namataan ang punong barangay, ang MSWD officer,at iba pang opisyal sa harapan.Nagbigay galang siya sa mga ito saka umupo sa silyang inilaan para sa kaniya.
Ano ang nagtulak sa iyo para maisipan mong mag apply bilang isang child development worker?panimulang tanong ni kapitan jueves sa kanya.
Bukod po sa kailangan ko talaga ng trabaho,mahilig po Ako sa bata.masaya po pag may bata sa paligid.,sagot ni Janine.
Ikaw Ang pinakabata sa lahat ng mga aplikante at dalaga pa.Paanu kami nakasisiguro na magagampanan mo Ang iyong trabaho sa oras na Ikaw Ang piliin Namin para sa posisyong ito?.ang tanong naman sa kanya ni madam Aida.
Kung sakali man po na Ako Ang inyong piliin,I promise to give all the best I can para maturuan at magabayan Ang mga bata nang naaayon sa adhikain nang early childhood care and development nang ating bansa.
Napatingin si Janine sa iba pang opisyal na naroon at nakita niyang nakangiti Ang mga ito sa kaniya.Medyo gumaan Ang
kanyang pakiramdam dahil dun.
Marami pang ibang katanungan na maayos naman niyang nasagot lahat bago Siya sinabihan ng kapitan na tapos na Ang interview at maaari na siyang lumabas.Malalaman daw nila ang resulta sa susunod na linggo.
Agad naman siyang nagpasalamat at nagpaalam sa mga ito bago lumabas ng opisina.
Agad niyang hinanap si Monique pagkalabas Niya nang barangay hall.Nakita Niya itong tutok na tutok sa pagbabasa ng baon nitong pocketbook kaya naman naisipan niya itong gulatin.
Bulaga!!!!!!panggugulat Niya Dito mula sa likuran.Napatalon naman ito at nabitawan Ang binabasa sa gulat.
Ang sama mo!!!!Ani Monique.
Ahahahahahahahhahah!!!!!nakita mu sana itsura mu sa pagtalon,ahahahhaha!!!Hindi matigil tigil sa pagtawa si Janine.Pabiro naman siyang hinampas ni Monique sa ulo kayat napatigil Siya sa pagtawa.Maluha luha pa Siya sa pagtawa.
oh anu kumusta Yung interview nito?Anu sabi?Pasok ka daw ba?Nakuha mu ba?sunod sunod na tanong ni Monique sa kanya.
Anu ka ba naman,Isa Isa lang ang tanong pwede?
Nasagot ko naman yata ng Tama Ang lahat nang tanong nila,kaya umaasa Ako na Ako Ang mapipili.Next week pa raw Namin malalaman Ang resulta.Kaya ipagdasal mu na sana Ako Ang mapili nila.
Ay ganun ba!akala ko kasi agad agad niyo nang malalaman kung sino ang tatanggapin.
Oh Siya,tara na muna sa store ni tita Michelle.Ginutom ako sa kahihintay sa'yo Dito,hehe.
Sige,tara na.Gutom na gutom na rin Ako.Hindi ako kumain ng agahan kanina eh.
Sabay na silang naglakad paalis ng barangay hall patungo sa pinakamalaking store sa kanila para magmerienda.