kabanata 5

714 Words
Lunes ng umaga masiglang nagluluto si Janine ng kanyang almusal sabay indak sa saliw ng musikang nanggagaling sa tv.Himalang maaga siyang gumising ngayon kahit halos madaling araw na siyang nakatulog dahil sa panonood ng Korean nobela.Marahil ito ay dahil sa kaalamang ngayon na nila malalaman Ang resulta ng kanilang application. Hindi pa rin Niya mapigilang kabahan sa kadahilanang mas marami ng experience sa bata Ang ibang mga aplikante ngunit umaasa pa rin siya na sana Siya ang mapili. Pagkatapos niyang magluto,agad na siyang nag-agahan at nilinis Ang kanyang Kalat sa kusina bago nagpunta sa banyo para maligo at mag ayos. Palabas na siya sa kanilang bahay ng maisipan niyang tawagan si Monique. Hello Monique,San kana?palabas na Ako ng bahay. Maliligo pa lang ako bes.,anito sa kabilang linya. Kita na lang tayo sa barangay hall mamaya.,dagdag pa nito. oh sige,kita kits nalang dun.bye bye!!..Aniya at pinatay na Ang cellphone bago naglakad patungo na sa sentro ng kanilang barangay. Tahimik siyang nagdarasal habang mabilis na naglalakad sa gilid ng kalsada. Pagtapat niya sa may waiting shed sa kanilang sitio,nakita niyang marami nang tao na naghuhuntahan doon tulad nang madalas nangyayari sa araw araw. Meron dun Ang dinala pa ang tinimplang kape at dun na iniinom habang nakikipagkwentuhan. Meron namang naninigarilyo lang sa isang sulok,naglalaro ng chess at iba pa. Karaniwang tanawin na Ang ganun sa kanilang Lugar lalo na tuwing umaga at sa hapon pagkatapos ng kanikanilang trabaho.Paraan na siguro nila ito ng pagrerelaks mula sa maghapong trabaho sa bukid. Patuloy lang siyang naglalakad sa gilid nang may biglang bumusina sa kanyang likuran.Napatalon Siya bigla sa pagkagulat. pagtingin Niya sa likod,ang kanyang kuya Joni pala na nakasakay sa motorsiklo nito.Tawang tawa sa panggugulat na naman sa kanya. Palagi itong nanggugulat kahit saan man Siya Makita nito lalo na pag alam nitong okupado Siya sa ibang bagay at Hindi ito napansin. Kuya!!!!!Loko Loko ka talaga..sigaw ko sa kanya. San ba punta mu at bihis na bihis ka yata.wow ha!himalang presentable ka yatang tingnan Ngayon.,pang-aasar nito sa kanya. Pupunta akong barangay hall Ngayon kuya,Ngayon na daw kasi namin malalaman kung sino sa amin Ang napili nilang kapalit ni mam Rhea. Aahh..ganun ba.Aalis na pala si Rhea.Sige,halika na..sabay ka na sa akin idadaan nalang kita doon para hindi ka na mapagod.nakadress to kill ka pa naman ngayun.akala ko may date kana wala Naman Pala,hahaha.. Agad naman akong umangkas sa likuran nito at pinatakbo na ulit nito Ang motor. Pagdating sa barangay hall,agad siyang bumaba at nagpasalamat dito Saka agad nang tumalikod para Hindi na niya marinig Ang iba pa nitong pang-aalaska sa kanya. Pinsan Niya ito sa ama,pero parang kapatid lang ang turing nito sa kanya.Ugali lang talaga nito Ang mapang-asar lalo na sa taong alam nitong madaling mapikon. Ilang minuto lang Ang lumipas dumating din si Monique.Mas excited pa itong Malaman Ang resulta kaysa sa kanya. Bess,malakas Ang kutob Kong Ikaw Ang mapipili nila kapitan para sa posisyong iyon.,bulong nito sa kanya. Wag Kang maingay,baka marinig at baka kung ano pa Sabihin sa'yo. Basta Bess,yun Ang nararamdaman ko.,pagpipilit nito. Magdilang anghel ka sana my dear friend!. Oo naman bess...claim natin yan. Ilang sandali pa nagsidatingan na Ang mga kapwa Niya aplikante.Lahat ay kinakabahan sa resulta. Nang makumpleto na silang lahat ay pinapasok na sila sa loob at pinaupo sa mga bakanteng silya. Habang naghihintay sa pagdating ng Municipal Social worker.Nag uusap usap di silang aplikante,na kung sino man sa kanila Ang mapalad na napili ay dpat manlibre ng kahit banana cue oh d kaya biscuit na pangkape.Sinang-ayunan naman nilang lahat ang suggestion ng kasamahan nila. Maya-maya pa dumating na Ang social worker na kanilang hinihintay.Agad silang umayos sa pagkakaupo at humarap na sa mga opisyal. Labis ang tuwa na kanyang nararamdaman dahil sa Siya Ang napili ng mga ito na papalit Kay mam Rhea. Sa wakas may regular na siyang trabaho pero kinakailangan niyang dumalo sa training ng dalawang linggo sa munisipyo. Agad niyang hinanap Ang kaibigan paglabas niya at sinabing Siya Ang napili.sabay kwento sa mga nangyari sa loob. Sabi ko sa'yo eh..malakas kasi Ang kutob Kong matatanggap ka. congrats sa'yo may trabaho ka na Bes.Tara na kina anti Michelle,libre mu na Ako merienda.halo- halo lang Masaya na ako hehehe. Thank you!Sige,tara na bes.. at sabay na silang naglakad tungo sa tindahan nila anti Michelle para magmerienda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD