Nathan's POV
"Ma, hanap ka sa school." sabi ko kay mama habang ikinakabit niya 'yung earing niya.
"Bakit ano nanaman ang ginawa mo? Sino nanaman ang pinaiyak mo?" tanong niya.
"Ewan ko, ikaw ang hinahanap eh, baka may kasalanan ka." tumawa ako at binato niya ako ng unan.
"C'mon, I can't do this yearly. Why do you have to make it so hard for me?" sabi niya na may disappointed look. Hindi niya ba talaga alam?
"'Yung transferee, na misunderstood 'yung pagiging friendly ko." hindi na nagsalita si mama at huminga nalang ng malalim.
"This is the last time Nathan. The next time you do this, I can't protect you anymore." sabay kaming pumasok sa school kinabukasan at dumeretso sa conference room para kausapin si Ms. Lea at si Nerd.
Kinwento ni Ms. Lea 'yung nangyari kahapon na sobrang dehado ako sa storya. Eh bakit totoo namang masakit siya sa mata. Akala ko mga chicks lang tinatanggap sa school na 'to. Totally worth it. Alam naman nilang sasabihin ko kung ano 'yung nasa utak ko eh. Hindi na sila nasanay.
"I'm sorry for how my son acted. I blame myself for not raising him right Ms. Zoey." Ha? Anong sinasabi niya? Ngumiti lang si Zoey at tumango. Wow, nasaan 'yung Zoey na todo glare sa akin kahapon?
"Ma-"
"Nathan, please apologize."
"I'm just stating a fact."
"Nathan. Apologize." Eto 'yung first time na nakita ko si mama na ganoon ang tingin sa akin. May halong galit at lungkot.
"I'm sorry for making fun of you." Hindi pa rin siya nagsalita at tumango lang. Natapos ang usapan namin at bumalik na si Ms Lea at Nerd sa classroom.
"Nathan, I'm really disappointed. I hope that you really learned your lesson today." Hindi na ako pinakinggan ni mama sa explanation ko at umalis na siya. Heck. Let's skip class. Palabas na ako nang school nang nakita ko si Nerd kasama ng mga kaibigan niya.
"Hoy! Ugly Duckling! " tawag ko sakanya.
"Bakit Unggoy? Wala pang isang oras 'yung apology mo ha." sabi niya. Unggoy? Hindi niya ba kilala kung sino yung sinasabihan niyang unggoy?!
"Unggoy? How dare you call me a monkey ?! Dont you know me?!" tinginan niya lang ako na may disgusted face. Nakakabwiset.
"I'm sorry, I'm just a transferee student in this school, but of course I know you! You're the SCHOOL MONKEY! Ha! Am i right?" sagot niya sa akin. Aba lumalaban. Pinipigilan na siya ng mga kaibigan niya pero ayaw magpaawat. "You know what, I know this will happen. I know that your apology was just because of your mother. I don't expect a lot from a monkey like you. Get lost."
Monkey?! Anong reference niya para sabihan akong monkey? Hindi na ako nakapagsalita at umalis.
"Humanda ka sa 'kin nerdy girl." sabi ko.
"Humanda your face!" sigaw niya.
Zoey's POV
I can't believe I'm having those petty exchange of words and fights with him!
"Huy hala! Bakit mo ginawa 'yun Zoey?! Babalikan ka talaga niya Zoey! " pagaalalang sabi ni Carol.
"I don't care, balikan niya ako, sige lang." sabi ko habang nilulukot ko ang papel na hawak ko.
"Alam mo nakakatakot ka kapag galit, kawawa 'yung mga hinahawakan mo eh. Minurder mo na 'yan papel oh. Tsaka, buti nalang wala dito yung mga fan girls niya. Kung meron, I'm sorry pero hindi ako lalaban para sa'yo, mahal 'tong nails ko." sabi ni Dani.
"Fan girls?" tanong ko.
"Oo! 'Yung mga supporters niya! May tropa din 'yan."
"Gaano ba kasi siya kasikat, I mean, really? To the point na may fanbase siya?" tanong ko
"Nanonood ka ba nang Boys over flowers o "Meteor Garden?" tumango ako. "Ganun sila! parang F4, ganun ka sikat! Sila yung next na pinaka nirerespeto dito sa school na to next to the director, principal, owner, the teachers in this school." sabi ni Carol. Wow, well researched. I don't care. Tinakpan ko ang mukha ko at itinago ang sigaw sa inis.
"Zoey." sabi ni Dani " What is that on your face?" tinignan ko ang sarili ko sa salamin at na-aalis ko yung makeup na nilagay ko sa mukha ko. "What is this?" Hinawakan niya ang kilay ko at inalis ang fake hair na nakapatong.
"What the hell?!" sigaw ni Carol. "Why are you wearing that?!" hinila ko sila sa women's bathroom at siniguradong walang ibang nandoon at ni-lock ang pinto.
"Do you really know why I don't care about his position in this school whatsoever?" tanong ko sakanila. Tumango sila ng marahan na nakakunot pa din ang noo.
"My father is one of the owners of this school." nagtinginan sila at tumawa. "What?"
"Weh? 'Huwag ka nga mag illusion! Common surname ang mercado at 'yung isang owner lalake lang anak non at 'yung isa naman dalawa lang anak non." As expected, updated nanaman si Carol sa mga ganap.
"How do you know those information?" tanong ni Dani kay Carol.
"Well, mahilig ako sa mga news tidbits. Si Gen at si Carlo Mercado, si Gen ang 'yung teen model sa Korea. Unless illegitimate child ka? C'mon girl, it's okay we will try to understand why you have to wear those weird things." sabi ni Carol.
"Wait- Zoey Genesis Mercado?" tanong ni Dani at kinalikot niya agad ang phone niya. "Is this you? No!" Inalis ko ang fake braces, salamin at inayos ng kaunti ang buhok ko. "Wow. No wonder Clark Kent was unrecognizable as superman."
"WHY? HOW? AND WHY AGAIN?!" Ipinaliwanag ko sakanila ang rason ko na mukhang nagback-fire.
"'Yung mali sa plano, hindi ka nagcheck sa background ng school na 'to. You just made yourself stand out."
"Do you think I havent realized that by now? Pero okay na 'rin, if people found out that I'm Gen, I might be surrounded with plastic people again. It's good that at least I have people who know me."
"What if we're going to just use you? Dalawang araw palang tayo magkakilala ha. You trust easily."
"The fact that you never left me and you're telling those exact words to me means you're not fake. Sa dami kong nakilalang fake people, I already know how to identify one. And if ever you betrayed me, its my fault for trusting you."
"Nakaka-pressure ka namang maging friend." sabi ni Dani. Tumawa kami at tinulungan nila akong ibalik yung itsura ko.
"Please just call me Zoey, Gen is another version of me."Ngumiti ako at niyakap sila. Sila lang kasi ang kumausap sakin without discrimination. Tinapos namin ang araw at hindi namin narinig si Nathan dahil nag skip class ang loko.
"Bye G-, Zoey!" Loko talaga 'yung mga 'yon. Kumaway ako kay Dani at Carol at sumakay na sa sasakyan.
"Anak!"
"Mommy!" sigaw ko. "Si Daddy?"
"Nasa work pa, ako muna susundo sa'yo, bukas pag magsisimula 'yung driver niyo. Oh, bakit ba ang saya saya mo? At ano 'yang nasa mukha mo? May role play ba kayo?"
'"Wala lang to ma, tsaka Na miss ko kasi ikaw kaagad eh. " sabay yakap ko sa kanya.
"Aysus, oo nga pala okay na 'yung bagong bahay malapit din lang dito para madali mong makakausap tito mo kung sakaling may problema."
"Okay mom, kelan ako magsisimulang maglipat?"
"Baka next week nalang, may pinapaayos pa kami eh ng konti. How's school?"
"Okay naman mom. May friends na akong dalawa!"
"That's great! I was really worried that your trauma will affect your friendships. I'm happy that it didn't. " ngumiti lang ako. Si Dad lang ang nakakaalam ng drama ko na may pa hidden identity ako. For sure, susugod kasi si mom dito kung nalaman niyang inaapi ako. "Hindi ba sila nags-swarm sayo dahil popular ka?"
"Hindi naman ma." iniba ko nalang ang usapan dahil baka saan pa 'to papunta.
Sumunod na araw ganon pa din pero may kakaiba akong nararamdaman.
"Dani!" tawag ko. Tumakbo siya papunta sa akin na parang nag-aalala. "Kanina pa kita hinahanap!" sabi niya.
"Bakit ka ba sumisigaw, kararating ko lang, bakit? Anong meron?" tanong ko. Hinila niya ako. "Ouch." Tumigil kami sa may harap ng bulletin board at may nakita ako pubmat na ang nakalagay ay:
FREE DARTPLAY
Where: Multi-purpose hall
When: Now na!
Who: All students
COME ONE COME ALL!
"Ganyan ka ba kaexcited na mag darts? Tara, kung gusto mo." sabi ko.
"Stupid. This is the work of Nathan King." sabi ni Dani. "See for yourself."
Pumunta kami sa multi-purpose hall at nakita ko ang source ng commotion. Nakadikit ang picture ko sa walls at 'yun ang target habang sayang saya ang mga estudyanteng tinatamaan ang mukha ko.
Naging parang carnival ang multi-purpose hall. Gusto ba nilang magreklamo ako na ginagamit nila ang resources ng school para sa hindi makabuluhang mga activity na 'to? Nakita ko si Nathan kasama ng mga kampon niyang unggoy na tumatawa.
"That Monkey! He has no right to insult me like this!"
"Anong plano mo? " tanong ni Dani.
"Kakausapin ko si Tito Lito, ipapatanggal ko lang itong mga pictures ko." sabi ko.
"Tapos ipapa expel mo siya?" tanong ni Carol.
" Ano 'to KDrama? No! I cant do that, even though I'm the daughter of the owner I don't want to stoop down to that level. Mas naaawa ako sakanya na he finds happiness on petty things like this.
"That's very mature of you." Yeah right.
"I'll have to go to the bathroom." Tumakbo ako at hinanap ang CR dahil nanginginig nanaman ako. I'm having constant panic attacks again. Pinagtitinginan padin nila ako at pinagtatawanan. I hate that my body is not cooperating with my brain. My will power is strong but my body is negatively reacting to all those attention.
"Oh hija? Okay ka lang?"Nakasalubong ko si Tito Lito sa corridor at kinailangan ko nang magsabi. Kinwento ko ang mga nangyari.
"Si Mr. Reyes nanaman? Narinig ko 'yung ginawa niya sa'yo kahapon. I will expel him already nakaparami nang kalokohan ng batang 'yan!"
"Wag po Tito! Gaya po ng sabi ko, ayaw ko po gumawa ng issue. Sana po maintindihan niyo. Sinasabi ko lang po 'to kasi gusto ko lang matanggal 'yung mga pictures ko sa Hall. I don't want to make a big deal out of it po." Pero sa totoo lang, naaawa ako sa mother ni Nathan. There must be a reason why he is acting this childish. Its pathetic and at the same time pitiful.
"Sige, the least thing I could do is to let the teachers look out for you. 'Wag mo na akong pipigilan at 'pag nalaman 'to ng father mo magagalit 'yon sa akin kung wala akong ginawa to protect you. Hindi ko man naiintindihan kung bakit mo kailangang magtago ng identity, I will trust you because I know you're a smart lady and you have your reasons."
"Salamat po Tito."
Dressing up like this is really unnecessary, maybe there's a part of me that wants to escape from something.