Chapter 2: First Day

1441 Words
Unang araw, una at mukhang huling taon ko din sa school na 'to. Philippine Legacy Academy, and surprise part- part owner ang aking tatay last year lang. Again, another reason to not make myself known. Strict instructions na walang special treatment.  "Are those really necessary?" tanong ni Daddy nang kinakabit ko ang mga kolorete sa mukha habang minamaneho niya ang sasakyan. "The glasses, I understand, but the fake braces and that thing on your face? I don't understand."  "Sabi 'don sa mga nababasa ko na magazines and novels, ganito daw para hindi mapansin." "Paanong hindi ka mapapansin eh ang weird ng itsura mo?" tanong ni Daddy. "Dad, just let me be. Let's consider this as an experiment. Ayoko na talagang magkaroon ng mga unnecessary people sa buhay ko." Tumango nalang si Daddy at hindi na nakapag salita. "I'll be fine. " The trauma of finding out that your friends are your friends because you're pretty and popular was the worst thing that ever happened in my life. Biglang lahat ng tawanan at sikretong sinabi niyo sa isa't isa, naging isang malaking joke. I know I don't have the best personality, I know I'm a brat and I'm not the easiest person to deal with, but you're an evil person to use the card "friend" for your own benefit.   "Will you really be okay?"  "I'm fine. Don't worry." bumaba na ako sa sasakyan at hinintay siyang makaalis. Sa totoo lang, nanlalamig ako sa kaba kung ano bang klaseng buhay ang mararanasan ko dito.  Pagkapasok ko sa gate, mga noong nakakunot agad ang nakita ko at may malakas akong feeling na niloko ako nung mga nabasa kong novels and magazines.  "Who's that? Ew."  "Mukhang transferee. What the heck, pano 'yan nakapasok dito?" "Wow Chicks! Paglaki manok!" sabi nung isang lalaki sabay tawa kasama ng mga kasama niya. "Manok na abnormal. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan sa school na 'to ah." Inirapan ko sila at tinignan mula ulo hanggang paa. Yuck. Hindi man lang pinunasan ang black shoes. Pathetic. Mukhang hindi eto ang inaasahan kong outcome ng "perfect ensemble" na ito.  Nakalagpas na ako sa mga tao at hinanap nalang ang section ko. Sa laki ng school na 'to, hindi pala sapat ang verbal direction.  "Nasaan na ba 'yon?"  Kinakabahang binibilisan ko na ang lakad dahil malapit nang mag 7:30 am. Ayoko maging late sa first day ko.  "Hi! Hindi mo ba mahanap pangalan mo? Gusto mo tulungan na kita?" tanong ng isang babaeng nakauniform at naka ponytail.  "Oh, yes please thank you. Zoey Mercado nga pala, transferee." ngumiti siya ng matamis. What a very sweet and friendly girl.  "I'm Dani Alonzo." inakbayan niya ako."Oh! Section 4-H, magkaklase pala tayo eh!" sabik niyang sabi at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. "Ganun ba, buti naman, wala pa akong kakilala dito eh." sabi ko. Why do I sound so shy and kind. It's unlike me. "Don't worry, I got you! Teka lang, hintayin ko lang si Carol, ipapakilala ko siya sayo mamaya." "Dani!" sigaw ng isang babaeng naka pigtails naman. Wow, everyone is really good looking here. Making this face really puts me in the spotlight.  "Oh hello! Late ka nanaman! Eto pala si Zoey, Zoey meet Dani, Dani meet Zoey." Nagtawanan nalang kami, ang kulit din ni Dani eh. Nag ring na ang bell at bumaba na kami sa school grounds para sa Flag Ceremony at daily announcement. Pagkatpos, luminya pabalik ng classroom.  Mga nasa 30 students kami sa classroom na 'to. Mukhang mayayaman lahat ng tao dito.  "Hello Class! Im Ms. Lea Sanchez, miss palang ha!" Nagtawanan ang buong klase. Ang ganda ni ma'am. Siguro mga 25-30 years old lang siya. "Marami sainyo pamilyar na ako pero marami din ang hindi. Kaya, alam niyo naman ang usual routine 'pag first day diba?" "Introduce yourself!" sabay sabi ng buong klase na may halong pagdabog.  "Ok,lets start alphabetically. Ms Alonzo!" Tumayo si Dani na dala ang matamis niya nanamang ngiti at nag pakilala. "Hello, Im Dani Alonzo some of you may already know me. I like playing the piano,singing and cosplaying. I also love samgyupsal. " may konting tawa mula sa klase. "Thank you miss Alonzo for sharing your likes. Next, Ms. Bernardo." Isa isang nagpakilala na ang kaklase ko base sa apelydido hanggang sa umabot na sa akin.  "Ms. Mercado, the new student." Nararamdaman ko na na umiinit na 'yung mukha at tenga ko.  "H-hi, Im, Zoey Mercado transferee. I like-" sasabihin ko na sanang I like silence and serenity nang may matigas na bagay na tumama sa ulo ko. May bumato sa akin ng paper ball. Matigas 'yun kasi may tapal na scotch tape. "Mr. Reyes! Unang araw palang ng school, nang bu-bully ka na! I want to talk to your parents!" tumayo siya at nagbitiw ng smirk habang nakatingin sa akin. "Hi I'm Nathan King Reyes, namamato ng mga masakit sa mata. " nagpigil ng tawa ang mga kaklase ko. Gusto ko siyang sugurin at sampalin pero para akong naka stuck sa sahig.  I'm not really hurt on the comment. I just can't believe how rotten these people are especially this entitled human being. Sino siya para magsabi ng ganon? Akala ko sa Korea ko lang 'to mararansan dahil sa racism and all pero dito? Ako? Masakit sa mata? How foolish.   "Thats enough! Hindi porke sikat ka sa campus na 'to, pwede ka nang mangganyan ha! Sige na Ms. Mercado, you can sit down."sabi ni Ms. Sanchez. Tinignan ko si Nathan King  na nakakunot ang noo.  Natapos nang magpakilala ang lahat pero nararamdaman ko ang ilang mga taong tumitingin sa akin sabay may ibinubulong sa tabi. May tumapik sa balikat ko at may iniabot na papel na naka tupi.  "Okay ka lang? Wag mo silang pansinin. Puro salita lang 'yang mga yan. Meet you lunch!- Dani" What a sweet girl.  "Can someone answer this in the board?" tanong ni Ms. Lea, ang Physics teacher din namin.    "Ma'am, normal pa ba 'yan, parang pang college na 'yang problem na 'yan ah. Tsaka first day palang namin!" reklamo ng iba.  "Ano bang tinuturo sainyo nung mga tutors niyo nung summer? Hindi ba libo libo ang binayad ng mga magulang niyo para sa advanced classes?" tanong ni Ms. Lea. "Ma'am natulog lang kami nun." sabay tawanan uli sila. Masiyahin 'tong section na 'to ha.  Hindi nga pang normal na high school ang physics problem na 'to. Pero kung i-aanalyze mo lang ng mabuti, workable naman.  "Ms. Mercado, parang malalim 'yang iniisip mo? Sinosolve mo ba ang problem? Why don't you show us how?" my ngiting pagkasabi ni Ms. Lea. Dahan dahan akong tumayo at pumunta sa board. May bulungan akong narinig sa likod ko at alam kong kung anu-ano nanaman ang sinasabi nila.  Nanginginig ako at nararamdaman ko ang  malamig na pawis sa katawan ko. Tumingin ako sa board at parang na-blanko ako at ang nakikita ko lang ay 'yung flashback nang pangbu-bully sa akin noon.  "Umupo ka na kung hindi mo alam! Ayaw namin makita 'yang mukha mo diyan!" sigaw ni Nathan at tawanan uli ang buong klase. Naputol ko ang hawak kong chalk sa sobrang inis. Tinignan ko siya na naka-smirk habang hinihintay akong mapahiya. You're not going to win this time mister.  Kumuha ako ng bagong chalk at isinulat ang solution sa board. Pinipigilan ko na tumulo ang luha ko pero alam kong may nakawalang isa o dalawa. Alam kong nakita 'to ni ma'am Lea pero hindi niya nalang pinansin. Natapos ko ang problem at humarap sa klase at ako naman ang nag smirk kay Nathan.  "Good job Ms. Mercado." natahimik ang buong klase hanggang sa makaupo ako. "Nerd!" sigaw ni Nathan at nagtawanan muli ang buong klase. Sino ba 'to? Tatakbo ba 'to sa student council o member ng student council na parang lahat gustong i-win ang favor niya? Ano bang nakakatawa?  "Ano bang nakakatawa?" tanong ko kila Dani at Carol habang kumakain kami ng lunch. "Sino ba 'yung Nathan King na 'yan?" "Have you ever heard about campus crush or campus heartthrob? Siya 'yun. Kaso masama talaga ugali niya. Ewan ko, kulang sa pagmamahal ng magulang." sabi ni Dani habang sinisimot ang sabaw sa bowl. "Ang sarap talaga ng soup." dagdag niya.  "Huy grabe ka naman. Lahat may kanya-kanyang kwento sa buhay." "Ang sabihin mo Carol, attracted ka din sakanya!" pangaasar ni Dani.  "Gago hindi." sabi niya pero namula siya ng konti. Wow what a typical school. You can actually see the discrimination in this cafeteria. The "cool kids" on that corner, the "talented" and the "lowkeys". Nandito kami sa lowkey corner at si Nathan nasa "cool kids" kasama ng mga kaibigan niyang mukhang kulang sa pagmamahal. Look at how they follow girls with their eyes! Disgusting! "Walang kasalanan 'yang kanin mo Zoey. Hayaan mo na kasi 'yang si Nathan, magsasawa din 'yan sa kakaasar sa'yo. Habang pinapansin mo siya, lalo siyang ginaganahang mang-asar." sabi ni Dani. May point siya. Sige, let's not mind him. Let's try to live a normal life. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD