Chapter 2

997 Words
"Dami mong alam." Nilabas ko na ang notebook ko at nag-kunwaring nagsusulat ako. "Just saying gurl, sa sobrang lapit niyang Demonia na yan malay mo may mangyare sa kanilang dalawa." Patuloy niyang pinaglalaban na baka maging si Demonia at Simon. "Manyare? Kay Demonia at Simon? Kilala ko si Jed noh. Ayaw na ayaw niya ang babae na gumagawa ng first move sa kanya kasi pinapaniwalaan niya na dapat trabaho niya yun." Pangiti kong sinabi and tinaas niya ang isa niyang kilay. "At san mo naman yan nalaman?" Tanong niya. "Edi san pa ba? Sa panaginip ko!" Sagot ko. "Sinabi niya kaya sa akin sa panaginip ko." "Hay naku, nabaliw na sa pag-big." "Totoo noh, kaya di kami masyadong nag-uusap sa totoong buhay kasi sa panaginip ko kami nagbabonding." Pabiro ko nang sinabi and she shook her head. "Tama nga ang kasabihan na nababaliw ang mga tao pagdating sa pag-ibig." "Eto naman, sige na labas mo na gamit mo at baka mamaya may makalimutan ka nanaman." "Ay ay ay, change topic?" "Sinasabi kolang at baka mamaya sisihin mo nanaman ako sa mga nawawalang gamit mo." And that was the end of our conversation kasi pumasok na ang aming titser na si Sir Mike. "See you later babe." Sinabi ni Demonia kay Simon na may kasamang kindat. "Kapal talaga nang mukha niyang Demonya nayan, bagay na bagay ang kanyang pangalan. Assuming maysado." Sinabi ni Daff at napangiti ako kasi imbis na ako amg mainis, mas nauuna pa siyang mainis keysa sa akin. "Uy, kalma lang." Sinabi ko sa kanya at tinuro niya si Demonia. "Kapal nang mukha." Binulong niya at ngumiti nalang ako. "Okay class, paki labas ang inyong homework and past it in front of you." Sabi ni Sir at pinasa namin ang aming homework. Pagkatapos kolektahin ni Sir, nagsulat siya nang tanong sa blackboard. "If I have 500 apples and I gave 200 away, then my friends gave me double of what I currently have and I shared 150 to my family, how many apples will I have left?" Tanong ni Sir at na-calculate ko agad ang sagot. Tinaas ni Demonia ang kanyang kamay. "Yes Demonia?" Tanong ni Sir. "Wala na bang mas mahirap na tanong kaysa diyan? Sobrang dali naman. Ang sagot ay 400!" May mga studyante na tumawa nang mahina at yung iba naman ay nilait siya nang pasikreto. "Wrong." Ang sabi ni Sir at nagulat si Demonia. "Cassandra will you please give us the correct answer?" Nagulat ako nang tinawag niya ang aking pangalan kasi parang lahat nang tao ay napatingin sa akin. Nakita ko rin si Simon na tumingin sa akin at sumagot agad ako nang mabilis para makaupo agad. "450 po sir." Mabilisan kong sinabi at umupo agad. Tinaas korin ang libro sa mukha ko para walang makakita na nagbla-blush ako. "Hoy bes okay kalang diyan?" Kinalabit ako ni Daff at sinilip ko siya. "Nakita mo ba yun? Tumingin sa akin so Simon emegesh beshy tumingin siya sa akin!" Sinabi ko nang pabulong at parang di siya natuwa sa sinabi ko. "Tinignan kalang naman niya, anong meron dun? Wala namang malisya yun noh. Tyaka lahat nang tao kanina tumingin sayo so... normal lang naman yun diba?" Tanong niya at dinilaan ko siya. "Eh basta, tinignan niya ako at masaya na ako dun." Bigla na lamang tumayo si Demonia sa kanyang upuan at hinampas ang kanyang lamesa. "Wait a minute, sinasabi mo ba na mali ang sagot ko! I am never wrong, NEVER kaya kung ang sagot nang babaeng ito ang tama, then I am taking this to the Principal at ipapatangal kita sa school na toh!" Binanta ni Demonia at lalabas na sana siya nang classroom pero sinigawan siya ni Sir. "GO BACK TO YOUR SEAT MISS GLASGOW!" Sa sobrang lakas nang boses ni Sir, halos napatalon ang buong klase maliban nalang kay Simon at ang kanyang mga kasama. Bumalik si Demonia sa kanyang upuan at para bang napapaiyak na siya. May mga studyante na nag-bulungan at nag-tawanan. Hindi ko nalang sila pinansin at binuksan ko ang story book ko. Di nag-tagal, tumunog na ang bell, senyas na tanghalian na. On the way na kami ni Daff sa canteen when all of the sudden, pagka-turn namin nang corner ay may nakabangga sa akin. Nahulog ang mga gamit ko at dali dali ko itong pinulot without looking kung sino ang nakabangga sa akin. "Sorry, tulungan na kita." Nang marinig ko ang boses ng nakabanga sa akin, para bang tumigil ang aking mundo. Don't tell me... Tinignan ko ang owner ng boses at si Simon nga ang nakabangga sa akin. OH MY GOSH! Agad agad kong pinulot lahat nang gamit ko at kinuha ang napulot niyang gamit ko. "Okay kalang?" Tanong niya at nag nod nalang ako sabay alis agad. "Uy bes!" "Bes!" "Beshy!" "HOY CASSANDRA!" Nagulat ako kay Daff at napatitig sa kanya. "Anyare na sayo? Ilang beses na kitang tinawag pero parang nakakita ka diyan nang multo." "Bes, panaginip na toh?" Tinanong ko siya at parang napaisip siya. "Hindi, bakit naman toh magiging panaginip?" Ang sagot niya. "Oh my gosh bes! Nakabangaan ko si Simon!" Sinabi ko habang kinikilig. "Oh tapos?" Parang di siya naniniwala sa sinasabi ko. "Ayun bes nahulog ko mga gamit ko tapos tinulungan niya akong pulutin lahat!" "Malamang siya nakabanga edi dapat siya din pumulot diba? Kitang kita ko yun noh." Bigla na lamang siyang napatawa. "Tapos sinabi niya na Sorry, tulungan na kita tapos ikaw naman parang tanga na nakatitig sa kanya. Tinanong ka niya na Okay kalang? Pero anong ginawa mo? Nag walk out ka." Bigla ko na lamang naalala ang nangyari at nagulat sa naging reaksyon ko. "Nag walk out ako?" Tanong ko sa kanya at nag nod siya. "Oo, bigla ka nalang nag-walk out nung tinanong niya kung okay kalang? Pambihira naman bes, yun na yung pagkakataon mo na kausapin siya pero pinalampas mo pa. Hay naku talagang ito, nagmukha ka tuloy na tanga sa harap niya." Ang sabi niya at nag pout ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD