Chapter 3

993 Words
"Nag walk out talaga ako?" Tinanong ko ulit at umoo siya. "As in?" "Oh my gosh bes di ko kasi alam kung anong nangyari sa akin! Para bang tumigil ang mundo ko nung narinig ko ang boses niya tapos yung puso ko parang lalabas na sa chest ko sa kakatibok nang malakas." Inexplain ko sa kanya and she shook her head. "Sa susunod ma mangyari yun wag kang mag-walk out. Dapat kausapin mo." Ang sabi niya sa akin at nag nod nalang ako. "Asya tara kumain na tayo at baka maubusan pa tayo ng oras." Pag-katapos naming kumain ay pumunta na kami sa next subject namin which is P.E. "Bes alam mo ba kung may jowa si Simon oh wala?" Tanong sa akin no Daff habang nagpapalit kami ng damit para sa P.E namin. "Di ko sure pero ang alam ko ay hindi si Demonia yun." Ang sagot ko at napatawa siya. "Pero kung may maisip man ako na jowa nun, si Irus. Bagay sila ni Irus." Napatigil siya sa kakatawa at tinignan niya ako ng seryoso. "Pano na ikaw bes?" "Anong ako?" "Di ka ba iiyak niyan kasi si My Labs mo taken na?" Nilagay niya ang kamay niya sa kanyang hips and nagkunwari may luha sa mga mata niya. "Ang oa mo. Bakit naman ako iiyak eh diba dapat sumaya pa ako kasi hindi ako ang makakasakit sa kanya sa bandang huli?" Bigla niya na lamang nilagay ang dalawa niyang kamay at nagkunwaring may heart attack siya. "Aray ko naman, ang bitter nang puso ko masyado na may kasamang pag-kasweet." Nagdrama siya at napatawa ako. "Ang drama mo. Kung ako oa ikaw naman madrama." "Pero ang sweet bes eh. Yun ngalang, kawawa ang puso mo." Ngayon ay nagkukunwari siyang umiiyak. "Puso ko? Strong kaya toh! Kahit sampung babae ang jowain nun ok parin tong puso ko noh basta makita ko lang siyang masaya." "Ayieeee ang sweet naman ng beshy ko. Kaya love na love ko yan ehh!" Kinilig siya sa sinabi ko. "Dami mo alam." Nang papalabas na kami ni Daff ng  changing room, biglaang pumasok si Demonia at ang kanyang mga underlings. "Well well well, look who we have here. Ang Miss Tali-Talinuhan at ang kanyang alalay." Sinabi niya habang nag-cross arms siya. Nag pose naman ang tatlo niya pang kasama at lahat sila ay tinitignan kami na para bang langaw lang kami sa kanilang paningin. "Anong kailangan mo Demonia?" Tinanong ko siya at tumawa siya. "Anong kailangan ko? Wala naman akong kailangan pero..." Lumapit siya sa akin at itinulak ako sa lapag. "Cass!" Sigaw ni Daff at tutulungan niya na sana ako pero pinigilan siya nang tatlong underling ni Demonia. "Laban nila yan, wag kang mangengeelam." Banta ni Jessica. "Who would have ever thought that a smart person like you would be kneeling down the floor, begging me to stop hurting her." Nag-yabang si Demonia. Lalabanan na sana ni Daff si Jessica pero pinag-tulungan siya nila Karmen at Fatima. "She's not kneeling down the floor gaga! Her butt is on the floor not her knees!" Sigaw ni Daff at biglaan na lamang akong napatawa. Tinignan ako ni Demonia ng masama at tumayo ako sa lapag. "Anong nakakatawa?" Galit niyang tinanong. "Kayo nakakatawa, ganito pala kayo mambugbog. Takes three people labanan ang isa at ikaw..." This time, tinignan ko siya nang masama at para bang natakot siya. Humakbang ako nang isang beses at napaatras siya. "Girls, tara na." Sinabi niya nalang nang biglaan. "Pero kayang kaya natin si-" Sinubukang mag-protest ni Jessica pero tinignan siya ng masama ni Demonia. "Ang sabi ko, tara na!" Inulit ni Demonia at lumabas na siya. "Babalikan namin kayo!" Banta ni Jessica at sinundan ang kanyang kaibigan. Sumunod narin si Karmen at Fatima at pinuntahan agad ako ni Daff. "Ayos kalang bes? Nasaktan kaba?" Tanong niya at tinignan niya ang buong katawan ko na para bang bata ako. "Ayos lang ako uy!" Ang sabi ko at tumigil na siya. "Diba dapat ako ang magtanong nun kasi ikaw ang napag-tulungan nang tatlong mga bullies?" "Sino kaya sa atin ang napatalsik sa lapag?" She gave me an obvious look. "Di naman masakit." Ang sabi ko tas nilagay ko ang kamay ko sa puso ko. "Ang mas masakit ay yung dito." "Ayyy naku ayan nanaman siya humuhugot nanaman, wala namang pinagdadaanan. Abnormal ka talaga bes, tara na nga at baka masita pa tayo ni Ma'am." Lumabas na siya nang pintuan at sinundan ko habang nakangiti. Pag-kalabas namin ay naghihintay na ang titser at mga kaklase namin. Almost lahat nang students andito na except sa dalawang tao. Si Simon at si Jecus. Nag-bibihis parin ba sila? Normal POV "Uy tol tara na at baka masita tayo ni Ma'am." Tinawag ni Jecus si Simon na nakaupo at may binabasa. "Tol? Tara na. Ano bang binabasa mo diyan?" Tinignan ni Simon si Jecus at napangiti ito. "Ganda nang story, parang ayaw kong tigilan." Ang sabi ni Simon. "Tungkol saan ba yan at umaabot hanggang langit yung ngiti mo?" "Tungkol sa babae na may gusto sa isang lalake. Tatlong taon na niya gusto yung lalake at di niya masabi sabi sa kanya kasi natatakot siya na baka lalo pang mapalayo ang lalake. Ganda nga ehh, konti palang nababasa ko pero nagustuhan ko na agad." Reply ni Simon. "Ah, matagal tagal din since nung huli kang nag-basa nang libro ah. Kung binabasa mo yan edi talagang maganda. Pabasa ako mamaya ah?" "Tapusin ko muna..." Biglang napatigil si Simon. "Kaso parang hindi pa tapos yung story eh so parang mabibitin ako." "Bakit, sino ba yung author niyan at ano yung title?" "Tadhana ang title at yung sumulat ay si-" Hindi natapos ni Simon ang kanyang sinasabi dahil biglang pumasok si Marcus. "Uy mag-sisimula na yung klase! Baka masita kayo diyan ni Ma'am! Bilisan niyo!" Nagmamadaling sabi ni Marcus. "Mamaya nalang yan tol tara na." Lumabas na si Jecus at nilagay ni Simon ang binabasa niya sa kanyang bag tapos sinundan ang mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD