Malaki ang pasasalamat ko dahil sa wakas ay magtatapos na kami sa senior high school sa susunod na linggo. Natapos na ang aming final exams at nagpapa-sign na lamang kami ng clearance sa mga teachers namin pati ang mga piling staff ng aking eskwelahan. Talagang mami-miss ko sina Faye dahil hindi ko na sila magiging kaklase sa college. Hindi pa ako nagpa-enroll sa mga eskwelahan dito pati na rin dito sa mismo kong school dahil ayaw pa nila mama dahil wala pa raw silang pera at hindi pa nagpapadala sa akin. Naiintindihan ko naman iyon sapagkat marami ring nagastos dahil nga patapos na ako. Hindi rin naman ako nagmamadaling mag-enroll dahil malayo pa naman ang pasukan sa kolehiyo. Excited na rin ako dahil makikita ko na rin sa wakas sina Liza, Calum, Bryan, at Raven. Nagulat ako sa kanilang r

