Nagising ako na masakit ang buo kong katawan especially doon sa alam niyo na. Kaya paika-ika ako kung maglakad ngayon. Pagkagising ko, wala na si James sa tabi ko. Hindi ako makapaniwala na nagawa talaga namin yun kagabi. Ano ang kahihinatnan nito? Tuwing ako'y maglalakad, kumikirot ang sakit! Naalala kong kailangan pa pala naming magpa-sign ng clearance ngayong araw. Agad agad akong nagbihis at pumara ng taxi para makauwi sa aking apartment. Tinitiis ko ang sakit sa bandang likuran ko para agad na akong makauwi. Pagkarating ko sa tapat ng aking apartment, nagbayad na ako kay manong at dali daling pumasok sa loob. Naligo at nag-compose ng aking sarili. Relax, Lloyd. Ginawa niyo lang yun dahil masaya siya sa natanggap niyang karangalan at wala yung ibang kahulugan. Alam ko sa kaloob-looban

