Nagpapasalamat talaga ako at natapos na ang midterms and oral defense namin. Medyo chill chill muna sa ngayon dahil papalapit na ang founding anniversary ng school at balita ko ay maraming mangyayari at magaganap na event. Isa na raw dito ang mga guest stars na magpapasaya sa amin at sa mga alumni ng school na ito. Hindi mawawala sa foundation day ang pageant; balita ko ay bigatin ang mga hurado sa nasabing beauty pageant. Isa ako sa mga naatasang maging organizer dahil na rin daw sa hilig ko rito. Tinanggap ko ang offer dahil marami naman kami at hindi ko palalampasin ang chance na iyon. Pansin kong mabilis ang panahon at marami na ring nangyari sa loob ng ilang buwan ng pag aaral ko dito sa Maynila. Ibig kong sabihin ay napakabilis ng istoryang ito ni Author. Charot! Mas lalo tuloy akong na-excite sa graduation namin at makakasama ko sina Liza na hindi ko rin masyadong nakakausap sa kadahilanang busy din sila sa school. Weekend ngayon kaya naman ay inimbitahan ako ng mga kaibigan ko rito na pumunta sa bagong bukas na bar restaurant na di kalayuan sa aming paaralan. Pumayag naman ako dahil pinahintulutan akong sumama nina mama at papa. Kailangan ko pa talaga silang suyuin para mapapayag na sumama ako. Hindi naman ako lasinggero pero hindi ako madaling malasing dahil sa hindi ko alam na dahilan. Malapit nang gumabi kaya ako'y naligo na at nagbihis. Ang sabi ng mga friends ko, kakain muna raw kami doon at pagkatapos ay iinom na ng alak. All girls kaming lahat and I bet, kasama nila ang mga jowa nila. And obviously, ako ang single sa amin! I'm lovin' it! It's not the right time para mag-drama and it's not the right time to love. Kailangan ko munang makapagtapos ng pag-aaral bago ulit mag-boyfriend. Charing!
Natapos na akong magbihis nang hindi ko namamalayan dahil ang dami dami ko na namang iniisip. Hindi talaga mawawala sa akin ang pagiging overthinker at napaka-nega and anxious ko sa mga nakaraang araw. Hindi na ako sinasaniban ng positivity and motivation spirit hindi gaya noong kami pa ni Thirdy. I mean, wala akong focus sa lahat ng bagay. Madali akong mairita kahit sa isang patak lang ng tubig galing sa gripo. Badtrip ako kapag ganun. Ewan ko ba! Parati ring nagbabago ang ugali ko. Buntis ba ako o ano? Charot! Nakasakay na ako sa jeep papunta sa bahay ng friend ko. She told me na doon muna raw kami magkikita-kita dahil gusto niyang sabay sabay kaming magtungo sa bar. Malaki ang bahay nila dahil mayaman ang kanilang angkan. Pero wala siyang kaartehan sa katawan. Mas gusto pa nga raw niya ang kwek-kwek kaysa sa mga pagkain sa isang sosyal na restaurant. But for the mean time, magpapakalasing kami ngayong gabi para i-celebrate ang pagiging survivors namin sa midterms! Nasa loob na ako ng kanilang bahay at ako na lang pala ang hinihintay nila. Bale, lima kaming magkakaibigan. Yung apat na babae at isang binabae. Silang apat ay may jowa at ako ang napang-iwanan.
Si Faye ay ang mother hen ng grupo. Siya ang ilaw ng grupo at kasama niya ngayon ang jowa niyang si Brent na kilala sa school bilang bad boy at suplado. Pero nagbabago ang lahat kapag kasama na niya si Faye. Si Angel ang beauty queen sa grupo. Mabait yan at witty din. May jowa siya na si Oliver na famous sa school dahil sa galing niyang kumanta at sumayaw. Epic ang kanyang proposal kay Angel dahil sa Europe pa siya nagkalakas ng loob para tanungin si Angel na kung gusto na niya itong maging boyfriend. Pumayag naman ang lola niyo. Si Joy ang pinakakalog sa amin. Mas hyper pa yan kaysa sa akin ayan tuloy at nakuryente siya noong isang araw bago ang aming oral defense. Si Mark naman yung jowa niya na kilala bilang business minded. Actually, sa murang edad niya, may business na yan katuwang ang kanyang tatay. Galain ang couple na yan palibhasa richkid silang dalawa. At si Annie na bunso ng grupo. Nakakaloka ang kanyang pagka childish at pagka immature. Buti at nariyan ang jowa niyang si Alex na tino tolerate ang kanyang ka-abnormalan. Hindi mawawala sa bag niya ang isang pakete ng oreo cookies at gummy bears. Pero sa kabila ng lahat, mabait siyang tao at magaling magbigay ng advice. Ewan ko ba kay Alex at kung ano ang nakita niya sa babaeng yan. At si Lloyd na pinaka maganda sa lahat pero walang jowa. Nakabuntis kasi ang ex niya kaya todo crayola siya after. At talagang inintroduce ko yung sarili ko sa ganoong paraan?! Hahaha!
"Tara na." Sabi ni Faye.
"Sige." Sagot ko sa kanya.
"Lloyd the goddess, alam mo na." Ani niya. Ibig sabihin nun, kina Faye ako makikisakay dahil may kanya-kanyang sasakyan ang mga yan. Wala akong jowa so technically, kay Faye ako sasabay dahil mabait ang jowa niya.
Nilisan na namin ang kanilang bahay at nagtungo doon sa bar. Pagkarating namin doon, naroon yung parang isang usher na ginuide kami sa aming pwesto. May connection kasi ang papa ni Mark dito kay napunta kami sa VIP section. In fairness, maganda yung place and masasarap din ang mga pagkain doon. Pinapak ko lang yung mga buttered shrimp at crabs. Wala akong pake kung mamamatay ako. Charot! Makalipas siguro ng isang oras, nakakain at nakapag pahinga na kami at we are ready for the main reason why we're here. Sabay sabay kaming nagtungo sa dancefloor sa ibaba at sumayaw na parang mga baliw. Kitang kita ang kahusayan ni Oliver sa sayawan at lumabas ang hidden talent ng mga babaeng ito. Medyo nahihiya ako kaya naman umorder ako ng iced tea doon sa bartender. Mamaya na lamang ako magpapakasasa sa alak. Magaala-dalagang pilipina muna ako at mamaya na ako magpapaka maria ozawa. Umupo lang ako at pinanood silang nababaliw sa dance floor. In fairness, hindi naka sumpong si Annie at magkayakap lang sila ni Alex na sumasabay sa slow rock na naka-play ngayon. Pinagmamasdan ko lang silang lahat and they look so perfect. Bagay na bagay silang lahat mag jowa at sa palagay ko, may forever sa kanilang apat!
"Give me two more glasses." Natuon ang aking pansin sa katabi ko. Medyo madilim kaya hindi ko siya masyadong maaninag pero pamilyar sa akin ang kanyang boses.
"Sir, marami na po kayong nainom and lasing na lasing na po kayo. Umuwi na lamang po kayo." Ang sabi naman ng bartender na nag-aalala doon sa customer. Napalingon ako sa pwesto ng lalaki at nagulat ako nang makita ko kung sino siya. Si James na halatang lasing na lasing na.
"James? Anong ginagawa mo rito?" Ang tanong ko sa kanya.
"Lloyd, is that you? Hey." Bati niya sa akin.
"Lasing na lasing ka na. Tumigil ka na." Suhestiyon ko.
"No. I won't. The pain's unbearable." Ika niya.
"What do you mean?" Nagtataka ako sa sinabi niya.
"Sam and I broke up." Ano? Tama ba narinig ko? Nag-break sila?