Chapter 18

1125 Words
Heto na sa wakas at patapos na ako sa Prelims ng ika-12 na baitang. Masasabi kong hindi ako pamilyar sa bagong eskwelahan na aking pinapasukan sa ngayon. Inilipat kasi ako nina mama sa Maynila dahil sila'y nasa ibang bansa. Ako lang mag-isa ngayon dito. Pinili ko yung school na ito dahil maganda ang feedback ng mga alumni at kilala ito pagdating sa quality education. At sa palagay ko, hindi ako nagsisisi sa aking pinasukang eskwelahan dahil mababait at marunong rumespeto ang mga tao rito. Sa ngayon, nakatira ako sa isang apartment na masasabi kong tama lang para sa akin. Mag isa lang ako dahil naiwan sa probinsiya sina Liza. Sa halos lahat ng pagkakataon, lagi ko silang nami miss. Simula noong ako'y nagpaalam sa kanya, halos araw araw kaming magka chat sa messenger. Hindi ko maikakaila na gusto ko pa roon kaysa dito pero alam ko na tama ang desisyon nina mama dahil para rin naman sa akin ang pagsasakripisyo na ginagawa nila. Kaunting tiis na lang at tutuntong na ako sa kolehiyo na ipinangako ko kina mama na mas lalo kong pagbubutihin ang aking pag-aaral. Medyo hirap noong una akong naparito dahil wala akong kakilala at school-bahay lang ang naging routine ko noon pero nang marami na akong naging kakilala dito, sinasama nila ako kapag sila ay kakain sa labas o di kaya naman ay mag-stroll sa kamaynilaan. Pero sa ngayon, kailangan kong maghanda para sa thesis namin next week.   Sa murang edad pa lamang ay natuto na ako sa mga gawaing bahay kaya hindi problema sa akin ang maglaba, mag plantsa ng aking damit, maghugas ng plato, at maglinis ng bahay. Walan kaso sa akin yun. Mabait din naman ang landlady dito. Hindi siya masungit at hindi masyadong strict sa oras ng pag uwi. Tinatapos na kasi namin ang aming thesis para hindi na kami pahirapan sa finals. Sa Marso pa namin yun dapat i-defend pero napag-desisyonang sa katapusan ng Enero namin ito ipapasa dahil Marso ang aming foundation day. Bongga raw ang foundation day namin dahil maraming alumni at mga artista ang dadalo at magtatanghal. Okay na sa akin ang makita ang girl crush kong si Liza Soberano. Pwedeng pwede na sa akin yun. Mahirap ang buhay dito sa Maynila at marami ding peligro ang maaari mong harapin. Medyo sanay na ako sa mga snatcher kaya alam ko ang gagawin ko kapag nasa bus o sa jeep ako. Napakarami ko na namang iniisip nang biglang mag ring ang aking cellphone. Tumatawag si Bryan. Sinagot ko naman agad ito.   Napatawag ka? Napakagandang bagi na aking tinuran.   Ganon? Madalang na nga lang tayong nag-uusap, ganyan pa ang greeting mo. May pagtatampo na halata sa kanyang tinig.   Hello sweetie tootsie Bryan bunny munchy crunchy beki! Kumusta ka na? Sobrang na miss kita kay tagal na nating hindi nag-uusap. How's life with Raven? Ayan! Okay na ba? Sigaw ko sa kanya.   That's better. Anyway, how are you? May jowa ka na ba? Sabay tawa niya sa kabilang linya.   Nang-aasar ka ba ha? Wala akong jowa!  Busy ako sa studies ko! Bakla ka ng taon! Naasar ako sa sinabi niya.   Nagkita or nag-usap na ba kayo? Naka-move on ka na ba? Pigil na tawa niya. Naiinis talaga ako sa baklang ito.   Huwag na nating pag-usapan yun. It's over. By the way, kumusta naman kayo ni Raven? Bigla naman siyang tumahimik.   Let me guess, nag-away kayo no? Hula ko.   You're right. Tama nga ang hula ko.   Bakit naman kayo nag-away? Nanlalalake ka siguro. Pang aasar ko sa kanya. Siya naman ngayon ang ibu bully ko.   Hindi kasi ako nakapunta sa birthday ng nanay niya kagabi. Paliwanag niya.   Ginagawa kasi namin yung project namin sa Chemistry and hindi ko siya nasabihan na hindi ako makakapunta sa birthday ni Tita. Kaya nagalit siya at hindi niya ako minessage or tinawagan man lang. Tuloy niya.   Naku bakla, mag sorry ka at diligan mo na lang. Magkakabati rin kayo. Payo ko.   Sige sige. Thank you, sweetie. Bye for now. Move on ka na okay? Pagpapaalam niya sa akin.   Papatayin kita pag nakita kita. Sabay baba ko ng linya.   Nakakainis naman kasi talaga siya! Ano bang katangahan kasi ang ginawa ko noong bakasyon? Ganito kasi yan mga momshie, buhat nang magkakilala kami ni Thirdy noong bakasyon, kinuha niya yung number at address ko. Pagkaraan ng ilang araw na nakauwi na kami mula sa bakasyon namin, hindi na siya nagsawang mag text sa akin at pinuntahan pa niya ako sa aming apartment nang maraming beses. We went out and dated for several times and one time na lumabas kami, he told me na he likes me. That time, gusto ko rin siya kaya niligawan niya ako and pagkaraan ng ilang weeks, sinagot ko siya. Halos araw araw ay nagkikita kami at dumating yung time na natutulog na siya sa aming apartment pero sa sofa siya noon. Nagtabi lang kaming matulog noong isang gabi na lasing siya dahil nagkita kita silang magkakapatid. Walang nangyari sa amin pero pagkagising ko the next morning, nakayakap akonsa kanya. Sobrang hiya ko noon sa kanya pero nawala rin agad yun eventually. Umabot din kami ng isang buwan dahil nag work yung relationship naming dalawa. Pero lahat ng bagay ay may hangganan, inamin niya sa akin na nakabuntis siya habang kami pa. Malugod ko naman siyang pinakawalan dahil magkakapamilya na siya. Hindi ako nagwala sa harapan niya dahil alam kong magiging mabuting ama siya. Naging masaya pa nga ako dahil deserve niya yung normal na pamilya at hindi tulad sa aking alam konna hindi siya mabibigyan ng anak. Pinayuhan ko siya na maging responsable siyang ama at niyakap bago siya umalis. Nang lumisan siya ay doon ako umiyak. Sakto namang dumating noon sina Liza at Bryan at pinayuhang tumigil na ako sa kaiiyak. Hindi madaling gawin yung sinabi nila. Lumipas ang isang linggo at doon ko lamang natanggap na wala na si Thirdy sa buhay ko. Isa siyang mabuting tao at tapat kung magmahal pero mas may mabuti pang plano sa kanya ang tadhana, at hindi iyon ikinagalit o ikinasama ng aking loob. Siya ang una kong boyfriend at siya ang nagturo sa akin kung papaano magmahal nang hindi palihim. Hiningi niya yung kamay ko kay papa at pinatunayang karapat dapat siya para sa akin. Pero tulad nga ng sinabi ko, mas may mabuting plano sa kanya ang tadhana. Ang pagkakaroon niya ng pamilya ay isang napakalaking biyaya. Sinabi ko rin naman yun kina mama at hindi nila iyon ikinagalit. Nag-usap na rin kami ni Thirdy nang palihim kaya mas naging maluwang ang aking paghinga nang malaman kong pinanagutan at mahal niya pala ang babaeng magiging ina ng kanyang anak.   Ang pagpapalaya at pagtanggap ay mahirap na gawin sa una pero magiging worth it ang lahat pagdating ng tamang panahon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD