Narito pa rin kami sa hindi ko alam na lugar. Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal and kailangan namin ng maraming energy para sa adventures namin mamaya. Ayaw nilang kainin yung mga pancakes kaya ako na lang ang umubos sa mga ito. Mas prefer daw nila ng rice meal. Sabagay, mas kailangan nila yun compare sa katawan ko.
Nang matapos ang aming breakfast, kaagad kaming gumayak at nagpalit ng damit. Siguro ay magsusuot ako ng red gown para sa island hopping namin. Charot! Of course, I will wear proper attire para sa aming adventure no? Pagkalabas ko ng kwarto, ako na lamang pala ang hinihintay nila at tumingin sila sa akin nang may pagtataka sa kanilang mukha.
"Bes, hindi tayo pupunta ng stage at mag-swimsuit competition." Ani ni Liza. Hala, ano bang masama sa sinusuot ko ngayon?
"Sweetie, masyadong vulgar yung legs mo. And crop top? Nah!" Pati ba naman si Bryan?
"Bakla, palit ka na. Nagmukha kang si Winnie the Pooh." Pagkatapos sabihin ni Raven yun, nagtawanan silang lahat. Na-realize ko na talagang nakakahiya ngayon ang suot ko. Crop top na ninakaw ko kay Liza at yung pekpek shorts na ginagamit ni Raven kapag naglalaro siya ng volleyball ang sinuot ko. Sayang naman! Maaga ko sanang tatapusin ang laban mga momshie!
Kaagad naman akong bumalik sa bahay at dali daling nagpalit ng damit. This time, disente na talaga yung suot ko. Para sa ikakatahimik ng lahat! Pagkalabas ko, wala na silang nasabi pa. At alam ko na wala na silang reklamo sa sinusuot ko ngayon. Naglakad kami papuntang dalampasigan at kaagad na sumalubong sa amin ang isang bangka. Syempre may bangkero. Ayaw ko namang magsagwan at baka ma-activate ang mga muscles ko. Hindi ko kakayanin yun.
Limang isla raw ang aming pupuntahan. Ang isla Uno, dos, tres, kwatro, singko. Diba? Napaka-unique ng pangalan? Ayon kasi sa aming tourguide s***h bangkero, may limang anak daw kasi ang may ari ng mga islang yun. Obviuosly, si Uno ang panganay and so on. Puro daw sila mga lalaki at pare parehong makikisig, gwapo, at mga artistahin daw ang kanilang hitsura. Yun lang ang mga details na alam ko dahil hindi na ako nakinig kay kuya. Pagkalipas ng kalahating oras, nakatungtong na kami sa Isla Uno. May malaking kweba iyon at iilang mga kubo na nagsisilbing pahingahan ng mga turista. Nagtungo kami doon sa kweba at namangha ako sa kakaiba nitong ganda. Maraming rock formations ang naroon pati na ng mga paniki. Napagpasyahan naming umalis na at pumunta sa ikalawang isla. Ang Isla de Dos. Puting puti ang buhangin at presko ang hangin, sa di kalayuanay may isang bar na medyo maraming customer ang naroroon. Ang KJ naman talaga ng mga kasama ko at ayaw daw nilang uminom kahit kaunti kung kaya't nagtungo kami sa Thirdy Island. Ang highlight sa islang ito ay may mga rock formations na kung malawak ang imagination mo, tiyak na marami kang maiisip na mga imahe sa utak mo. May tindahan naman dito ng mga souvenirs na napaka ganda ngunit napakamahal din ng presyo. Nag stay kami doon ng isang oras dahil may zipline pala sa bandang likod ng mga rock formations. Pagkatapos ay ang Fourth Island. Dito naman, marami ang tindahan ng seafood. May restaurant din na nag-ooffer ng fresh seafood dishes, ihawan, at pwedeng ikaw pa ang magluto. Naparami ang kain ko ng tahong at hipon. At ang resulta, sumakit ang batok ko. Charot! Sa Isla Cinco Fuego ang entertainment island. Gabi na nang makarating kami dito at sinalubong kami ng nagbabagang fire dance performance. Magaling ang mga nagtatanghal at napagdesisyonan naming mag stay doon at manood ng show. Nagutom kaming lahat at buti na lamang ay may nagtitinda doon ng chichirya pati ng softdrinks. Naging masaya at puno ng thrill ang aming island hopping experience. Hindi kami napagod dahil hindi na namin yun napansin sa mga sarili namin. Mas lalong naging matibay ang aming pagkakaibigan nang dahil sa adventure na yun. Nagyaya na akong umuwi at pumayag naman sila. Sumakay na kami roon sa bangka at makalipas ang isang oras, nakarating na kami sa nirentahan naming bahay. Hindi ako nagpa tumpik tumpik pa at naligo agad ako dahil sobrang lagkit ko na. Sa bahay ko naramdaman yung pagod at sobrang wala na ako sa wisyo. Charot! Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama. Napakalambot at napakabango ng unan at kumot na ngayon ko lang na-appreciate.
Kinabukasan, maaga akong nagising at kinalkal ko ang aking cellphone. Marami akong nakunan na magagandang view sa mga islang aming pinuntahan pati na ang mga selfie na hindi mawawala. Marami rin kaming groufie noong nasa Isla Cinco Fuego kami; maganda kasi ang view doon at perfect na i-post ko ito sa aking i********: account. May pumukaw sa aking atensiyon doon sa isang picture. Isang lalaking tila may ngiti sa kanyang labi at nakatingin siya sa camera na sinabayan pa ng napakagandang background. Shet! Ang gwapo gwapo niya! Hindi ba siya artista o model? Maputi siya, makinis din ang balat, may hawak siyang rosas sa kanyang kanang kamay at nakasando na kitang kita ang biceps niya! Hindi ko buburahin ang picture na ito dahil remembrance ko ito sa Thirdy Island. May location kasi yung phone ko kaya natukoy ko agad kung saan ko nakunan yun.
"Kain na!" Ang sigaw ni Liza sa ibaba. Breakfast time na at bumaba na ako para kumain. As usual, may mga pancakes na naman na bigay daw ng management nang libre. At syempre, ako ang kumain ng mga ito. Pagkatapos ng aming not so healthy breakfast ay lumabas ako ng bahay. Si Bryan ang nagpresintang maghugas ng mga plato kaya kaagad akong lumayas doon. Naglakad lakad lang ako sa buhangin na iniisip ko ako yung isang model sa mga videoke na emote kung emote ang peg. Nilalasap ko ang bawat sandali dahil feeling ko nga ay nasa loob ako ng videoke machine nang biglang may mabangga akong matigas na bagay dahilan para ako'y matumba. Ano pa kasing alam kong emote emote? Natumba tukoy ako.
"Are you okay?" Boses ng isang lalake. Tao pala ang nabangga ko at hindi kung ano. Tinulungan niya akong makatayo at nagulat ako noong makita ko kung sino siya. Para siyang pamilyar sa akin.
"Hey, I'm really sorry for hitting you. I'm Thirdy Fuentabella by the way." Pagpapakilala niya. Ay! Oo nga pala! Siya yung napicturan ko doon sa Thirdy Island. Siya siguro yung anak ng may ari.
"Okay lang. I'm Lloyd de la Cruz. Ikaw ba yung nakunan ko ng picture kahapon?" Agad ko namang kinuha sa bulsa ko yung aking cellphone at ipinakita sa kanya yung larawan.
"Ako nga yan." Ani niya. Siya nga yun! Yung gwapo kahapon!
"Bakit ka naman may picture sa akin? Are you stalking me?" Hindi agad ako nakasagot. Wala akong masabi. Help me!