Narito kami ngayon sa hindi ko alam na lugar. Habang masa byahe, natulog kasi ako kya hindi ko naitanong sa kanila kung anong lugar ang pupuntahan namin. Sa palagay ko, nasa probinsiya kami dahil lasap na lasap ko ang presko at malamig na hangin pati na ang payapang aura ng place. Umaga na at tinawag ako nila Bryan para kumain na ng almusal. Pagkarating ko sa kusina ng nirentahan naming bahay, bumungad sa akin ang magarbong handaan. Parang fiesta ngayon, may birthday ba sa kanila? Wala naman akong naaalalang kaaawan ng mga kaibigan ko. Bacon, ham, hotdog, eggs, at fried rice na may kasamang pancake sa isang tray. Bigay daw ito ng may-ari ng resort. Habang kumakain, hindi ko mapigilan na magsalita.
"Guys, sino nagluto nito? May birthday ba or what?" Pambasag ko ng katahimikan. Silang apat na magkatabi ay sabay sabay na tumawa. Bale kasi yung pwesto sa table, parang ako yung padre de pamilya at nasa left side ko sina Bryan at Raven samantalang sa right side ko naman ay sina Liza at Calum.
"Bakit naman kayo tumatawa diyan? Nagbibiro ba ako?" Pabebe kong tanong.
"Wala namang dapat i-celebrate it's just that, babawi lang tayo ngayong bakasyon dahil hindi natin ito nakain noong magtatapos na ang Grade 11." Paliwanag naman ni Liza. Gets ko na! Walang may birthday, bumabawi lang talaga kami sa lahat ng pinagdaanan naming paghihirap noong mga panahong patapos na ang Grade 11 life namin. Naaalala ko pa noon, halos hindi ako kumain ng dinner ng isang buong linggo para lang matapos yung mga projects, requirements, at theses namin sa dalawang subject. Halos mabaliw ako noon mga oras na iyon dahil kulang na nga ako sa tulog, malas pa at naaksidente ako pero hindi naman malala yun. Si Liza yung tumapos ng isa kong thesis na sobrang hirap dahil kailangan ko pang pumunta sa isang location noon.
Samantala, wala na akong sinabi noon at tinapos ko na lamang ang aking pagkain. Nakapagtataka at bakit ang tahimik nila. May problema ba sila o may hinanakit ba sila sa akin? Wala naman akong naaalalang ginawa ko na ikasasama ng loob nila. Nang matapos ang aming breakfast, kaagad silang nagtungo sa kani-kanilang kwarto at syempre, bilang ako ang dakilang fifth wheel, nagligpit ako ng aming pinagkainan. Sure ako na may problema sila sa akin. Kung hindi man, may suliranin sila or lover's quarrel. Hinugasan ko na lamang ang mga plato at hindi ko na inisip ang mga nangyari kanina.
Pagkatapos, pumasok na lamang ako sa aking kwarto at nag-wifi. Habang kinakalikot ko ang aking cellphone, may nag-text sa akin. Si James.
Busy? Teka, busy ba ako? Hindi naman.
Not really. Why? Reply ko sa kanya.
Nothing. It's fun here. I think, you should come. Ano raw? Pupunta ako sa Maynila?
I can't. Nasa bakasyon kami ngayon with my friends. I answered him honestly.
I see. Don't worry, you don't need to come. Sinurprise ako ni Sam at nandito na siya ngayon. Enjoy your vacation and keep safe. Bye for now. Siguro ay tinago na niya yung cellphone na gamit niya dahil nandoon daw ang bruha.
Ewan ko ba itong kay James, bakit hindi pa niya hiwalayan yung witch na yun. Ang sama sama ng ugali. Charot! Mabait naman talaga si Sam. Siguro ayaw niya lang talaga sa akin. Nag-f*******: na lamang ako at nagbabad sa internet buong araw. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at maggagabi na noong ako'y magising. Gutom tuloy ako dahil hindi ako nakapag-lunch. Bumaba muna ako para kumuha ng pagkain. Nang makapunta ako doon sa kusina, nagtimpla ako ng hot chocolate at nag-prepare ng sandwich. Napagpasyahan kong lumabas ng aming bahay at kumain habang naka upo sa putting buhangin na nakaharap sa dagat. Paraiso itong lugar na ito dahil hindi masyadong maraming turista ang napupunta at malalayo ang bawat bahay. Masasabi kong perfect ito para sa mga couples. Pero syempre single ako, kailangan kong mag selfie at ipost sa aking i********: account. Feeling bakasyonista at wanderlust ang lola niyo. Bigla namang sumagi sa isipan ang dalawang couples na kasama ko.
Kung kaya napagpasyahan kong bumalik na doon sa tinutuluyan namin para tingnan kung naroon ba sila. Nang buksan ko ang pinto, biglang umalingawngaw ang ingay ng party popper.
"Surprise!" Sigaw ng apat. Huh? Bakit naman may nakalagay na Thank you, Lloyd doon sa tarpaulin na hinahawakan nina Bryan at Raven? Patay na ba ako? Charot!
"Ano ito? Bakit niyo naman ako sinurprise ha?" Ang pagtataka kong tanong sa kanila. Ngumiti naman ang lahat.
"Kasi, ikaw yung naging dahilan parang maging kami ni Calum kung hindi mo siya kinausap noon, malamang ay torpe pa rin siya at hindi niya nasabi ang totoo niyang nararamdaman sa akin." Pagpapaliwanag naman ni Liza. Hala! Konting tulong lang naman yun. Hindi naman big deal sa akin ang tulungan sila dahil obligasyon ko yun bilang kaibigan na inaalala ang kanilang kapakanan.
"You bring out my real feelings para kay Bryan. You made me believe na may something sa inyo and you made me realize kung gaano ko siya kamahal. You helped us to be together and you deserve this kind of treatment. Sorry kung di ka namin kinikimot kanina ha? We are planning our surprise kasi namin for you." Ang litanya ni Raven towards me. Maliit na bagay! Gagawin ko talaga ang lahat para sa mga kaibigan ko kahit ikapahamak ko pa. Ganyan ko sila kamahal at pinapahalagahan.
"Hey sweetie, thank you for everything you've done for us. Without you, I can't imagine how my world would be and without you, I will not going to learn many lessons in my life. So, thank you for everything." Niyakap ako ni Bryan pagkatapos.
"Dahil sa'yo, naging kami ni Louisse. Nang dahil sa'yo, naging akin siya at dahil sa'yo, we are happy together. Salamat Lloyd dahl napakabuti mong kaibigan." Ngumiti ako kay Calum pagkatapos niyang sabihin sa akin ang mga iyon.
"Alam niyo guys, sobrang thankful ako at blessed dahil nakilala ko kayo. You bring out the best in me. Hindi niyo ako pinabayaan kahit pa may kanya kanyang lovelife na kayo. Lagi niyong tatandaan na nandito lang ako. I am always here to guide you, to help you, to support you, and to love you forever. Walang iwanan hanggang pagtanda, okay?" Tuluyan na ring bumagsak ang aking mga luha dahil sa kanila. They made me cry because of joy. It's overwhelming, it's unexplainable. The gaiety was unbearable so I cried.
Sana laging ganito, laging masaya sila pati na rin ako. I promise that I will always be by their side. Hindi ko sila iiwan kahit ano pa ang mangyari. Walang anumang bagay ang makakasira sa friendship namin.
"Group hug tayo." Request ko sa kanila.
"Group hug!" Nagtatawanan kaming lima na parang wala nang bukas.
"Walang iwanan mga gago." Ang sabi ko sa kanila.
"Walang iwanan!" Sabay sabay kaming lima. Pagkatapos nun, lahat kami ay kumain ng dinner sa may dalampasigan with matching lights and music pa. Bongga di ba?