Dumaan ang maraming oras at natapos na ang Grade 11 life namin. Marami na kaming pinagdaanan ng aking mga classmates at ngayon ay magba-bakasyon na kami. Masasabi kong worth it lahat ng pinagdaanan at mga duguang projects at assignments na aming pinasa sa aming mga teachers pati na rin ang mga quizzes, long tests, monthly tests, periodical tests, at surprise quizzes na sa awa naman ng Diyos ay saktong napasa ko. Wala naman akong problema pagdating sa mga grades ko. Salamat sa motivation na ibinigay ni nanay at ni tatay. Nang dahil na rin sa tulong nila, makakatuntong na ako sa Grade 12. Hindi ko rin makakalimutan ang suporta nina Calum at Liza pati na rin sina Bryan at Raven noong naaksidente ako dahil sa sobrang katangahan ko. Nabunggo ako sa jeep buti at hindi iyon malubha at minabuti kong hindi na sabihin yun kina mama dahil magiging OA siya at baka mahimatay pa siya. Charot! Ang hindi ko lang mawari ay noong nasa ospital ako, may nagpadala sa akin ng bulaklak at mga prutas. May note doon sa bouquet na nagsasabing mag-ingat daw ako. Hindi rin alam nina Bryan kung sino ang nagpadala nun. Baka raw stalker ko at handa akong patayin kahit anong oras. Charing! Ano na kaya ang mangyayari sa amin sa Grade 12? Sana naman ay maging okay yung lahat pagdating ko doon. Nasa kwarto ako ngayon at nag-iisip na naman ng kung ano ano. Hindi ko talaga maiwasan ang mag overthinking at dahil doon, nagiging anxious ako. Pero oo nga, ano kaya ang mangyayari sa huling hakbang ko sa senior high school? Bahala na nga! But for now, kailangan ko munang enjoyin ang bakasyon dahil iyon ang dapat kong isipin because I deserve it. Matutulog siguro ako buong maghapon at kakainin ang lahat ng hindi ko nakain noong nag-aaral pa ako. Nanamnamin ko ang bakasyon at pagbibigyan ko ang aking sarili. Wala naman akong lovelife kaya magagawa ko kung ano man ang nais ko sa aking buhay.
Bumibigat na ang aking pakiramdam at unti unting sumasara ang talukap ng aking mga mata. Matutulog muna ako at pagkagising ko, kakain ako ng ice cream nang biglang may kumatok sa pintuan. Sigurado akong hindi si Liza yun dahil may spare key ang gagang yun. Baka naman si Bryan. Nagmadali akon bumangon dahil medyo napapalakas na ang pagkatok kung sino man siya.
"Sandali!" Pasigaw kong sabi. Binuksan ko na ang pinto at talagang nagulat ako kung sino ang sumalubong sa akin. Ang nag-iisang James na aking matalik na kaibigan dati.
"Naparito ka?" Panimula ko.
"Ayaw mo ba akong papasukin man lang?" Ani niya. Ang kapal naman ng mukha nito! Pinapasok ko siya sa loob at pinaupo sa sofa.
"Anong pakay mo?" Tinanong ko siya. Pero hindi siya umimik.
"Bakit ang tahimik mo? You're not the type of guy who shuts his mouth." Nagtataka ako kung bakit wala siyang kibo at napaka-dull ng mukha niya.
"I'm leaving." Ano raw?
"What? You're leaving? Okay, just close the gate when you leave." Pinag-titripan ba ako ng lalaking ito?
"No. I mean, pupunta na kami sa Maynila because daddy got his new condominium there." As if namang may pake ako. Charot!
"Bakit mo naman kailangang magpaalam sa akin, ha? Matagal mo rin naman akong iniwan. Why bother?" Nag-iba ang kanyang mukha. Nagalit siya siguro sa akin. Bakit naman? Totoo ang tinuran ko!
"Is this your style of saying goodbye?" Naiinis niyang tanong sa akin.
"Alam mo James, kahit magpaalam ka sa akin, wala na akong pakealam doon dahil para sa akin, matagal mo na akong nilisan at iniwan. Sa girlfriend mo na lang ikaw magpaalam dahil sa kanya lang naman umiikot ang mundo mo." Litanya ko sa kanya. Totoo naman!
"Are you jealous?" Ang tanong niya.
"In what way, James? Ako? Magseselos? Hell no!" Sagot ko sa kanya.
"You did not fall for me?" Ano raw? Ang kapal naman ng mukha niya!
"Ako? Mahuhulog sa'yo? Never." Nanggagalaiti na ako sa galit buti at napipigilan ko ito.
"Mabuti naman. Before I leave, I just wanna say that I gave those flowers and fruits when you had an accident." Literal na napa-nganga ako nang marinig ko iyon mula sa bibig niya. Siya pala yung nagpabigayy nung mga yun.
"Thank you, sorry." Sabay tumayo ako at niyakap siya. Tumulo naman ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilang umagos.
"Mag-ingat ka doon, James. I will miss you." Nang kumalas na ako sa yakap, kinuha ko ang cellphone niya at sinave ko roon ang aking contact number.
"Hindi raw siya nahulog pero siya naman yung kusang nagbigay ng number niya." Pinalo ko siya sa braso nang malakas.
"Tumigil ka diyan, Jaime! Kung nami-miss mo ako, tawagan mo lang ako. Wag masyadong feelingero." Niyakap niya ako pero this time, mas mahigpit. Punong puno ng damdamin, walang halong kaplastikan.
"Thank you, Gorgeous for everything. I will miss you too." Nang mahimasmasan na ako, nagpaalam na siya dahil mamaya na raw ang byahe nila papuntang Maynila. Mami miss ko talaga itong lalaking to. Isa siya sa bumuo ng aking senior high school life. I will never forget him. Sana hindi ito yung huling pagkikita naming dalawa ni James. Sana ay payagan uli kami ng tadhana na magtagpo ang aming mga landas. Sigurado ako na magiging matagumpay sa buhay si James. May potensiyal siyang maging artista o model at magiging successful na engineer balang araw. Magpapalibre siguro ako sa mamahaling restaurant. Charot! Tumagal din ng isang oras ang aming farewell sa isa't isa. Nawala na yung antok ko at bigla akong nagutom.
Lumabas muna ako at pumunta sa convenience store upang bumili ng ice cream at chichirya. Grabe! Na-miss ko itong kainin. Last time na kumain ako nito, siguro mga tatlong buwan na ang nakalipas. Puro luto ni Liza yung kinakain ko pati mga pizza, burger, fries na minsa'y dala ni Bryan kasama si Raven. Puro lutong bahay kaya medyo naasiwa na ako dahilan para maghanap ako ng iba. Bongga naman ang presyo dito sa convenience store na ito. Parang ginto ang mga sangkap! Nakabili na ako ng pagkain at napag-desisyonan kong umuwi na. Habang naglalakad, nakakita ako ng tindahan na may tinitindang pompoms. Binili ko yung isang balot dahil paborito ko ito magmula pa noong bata pa ako. Sarap ng pompoms diba mga momshie?
Dumiretso na ako sa apartment at naroon na pala sina Calum at Liza. Naroon din si Bryan at Raven. Lahat sila ay nasa sala at kumakain ng carbonara habang nanonood ng hindi ko alam ang title na palabas. Hindi ko na sila pinansin at kaagad akong nagtungo sa aking silid para doon kainin ang mga pinamili ko. Walang diet diet ngayong bakasyon. Ang importante hindi ako nagugutom. Bigla namang nag-vibrate yung phone ko at may nag-text na unregistered number.
Nandito na kami sa Maynila. Kilala ko na kung sino ang nag-text.
Wala akong pake! Reply ko.
Hindi ka maganda! Ano raw?
Don't text me! Nilagyan ko ng galit na emoji.
I can't do that. Sagot niya.
Magagalit ang girlfriend mo. Alam ko namang hindi ako gusto nun. Ang message ko kay gago.
She will never know. Dalawa cellphone ko. Isa sa'yo, isa sa kanya. Wow! Just wow!
Babaero! Biro ko sa kanya.
Don't worry, nakatago itong cellphone ko. Hindi ko na siya nireplyan dahil nawalan na ako ng load.
Tamad na akong lumabas ng bahay. May kumatok naman bigla sa pinto.
"Bakla, mag-ready ka!" Sigaw ni Liza. Anong mag-ready?