Nag-umpisa na ulit ang klase. Second semester na kung kaya naman magka hiwalay na kami ng strand ni Liza. At dahil gusto kong maging teacher someday, nag-GAS ako (General Academic Strand). Si Liza naman ay STEM at kasama niya roon ang dalawang mag-pinsan. Bale, ako lang talaga yung napahiwalay. Noong Lunes pa nag-umpisa yung klase at maganda naman ang mga nangyayari sa studies ko. Chill chill muna this week at dahil ngayon ay Biyernes, wala masyadong ginagawa. Pinuntahan ko na lamang si Bryan sa training nila para sa sasalihan nilang kompetisyon. Yung plano namin? Tuloy pa rin at talagang napakasama ng tingin sa akin ni Raven. Diba? Maganda talaga ako! Charot!
Oo nga pala! Last day na ngayon ng plano namin at dito na siguro mangyayari ang hinihintay kong pagsabog ng bulkan. Nagtungo na akonsa gymnasium at agad kong nakita si Bryan na naglalaro. Umupo muna ako doon sa bench upang panoorin siya sa kanyang ensayo.
"Go, Bryan!" Ang sigaw ko sa kanya. Agad niya naman akong napansin at kinindatan. Bakbakan talaga ang labanan kahit pa training lang yun. Kitang-kita na badtrip si Raven noong nakita niya ako. Nagpapabebe pa itong isa pang baklang to! Bakit di niya kaya aminin yung nararamdaman niya kay Bryan? Ano to, taguan ng feelings?" Pumito ang coach nila signal na lunch break na. Agad naman akong nilapitan ni Bryan at niyakap.
"Sweetie, acting pa." Niyakap ko naman siya pabalik dahilan para mapatingin sa amin ang mga teammates niya na akala mo, ngayon kang nakakita ng dalawang lalaking nagyayakapan. Kinuha ko yung towel niya sa bag at pinunasan ko ang kanyang pawis.
"Lunch na tayo." Anyaya niya. Libre naman niya kaya hindi ako tatanggi.
Habang papunta sa canteen, inakbayan niya ako at may binulong "subuan mo ako mamaya." Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Tumigil ka nga!" Sabay tulak ko sa kanya na sinabayan niya ng pagtawa.
"Dali na para effective. Last day na natin to, remember? Kapag wala, wala talaga." At nakarating na kami sa canteen.
Ipinang-order niya ako ng dalawang order lang ng kanin. Wala na akong hiya pagdating sa kanya. Habang kumakain, tinapakan niya yung paa ko. Tiningnan ko siya at nakaturo ang labi niya sa kanyang kanan. Nakita ko roon sa di kalayuan si Raven na kasama yung ibang ka teammates niya. Kinuha ko yung kutsara at dinampot yung kanin na nilagyan ko ng sabaw at kunwaring tinawag ko ang atensiyon ni Bryan. Ngumanga naman siya at nag-thums up sa akin. Salitan kaming dalawa hanggang maubos ang kanya. Mabilis ko rin inunos yung pagkain ko para makapunta na sa gym. Umalis na kami doon sa canteen at nag-CR muna.
"Galit na galit siya." Panimula ni Bryan sa akin habang naghuhugas ng kamay.
"Hindi ko nakita. Sayang naman." Ani ko. Hindi ko naman kasi talaga siya tiningnan at baka masaksak ako mamaya.
"We did a great job. Bahala na siya." Sabi niya. Bumalik ulit kami sa gym para makapag-pahinga at mag-kwentuhan saglit.
Umupo muna kami doon sa bench at isinandal niya yung ulo niya sa balikat ko.
"Ang lambot para akong nasa sofa." Sabay tawa niya. Pinalo ko naman siya sa legs bilang ganti. Ilang minuto rin kaming nagtagal sa ganoong pwesto nang biglang mag-vibrate yung phone ko.
"Sweetie, may s*x toy ka palang dala." Humalakhak na naman siya.
"Baliw! May nag-text." Depensa ko.
"Bagong jowa? Ang bilis naman." Sabay kurot niya sa pisngi ko.
"Aray! Ano ba! Text galing kay Sir Dela Cruz." Nag-text yung adviser namin sa English club. May meeting daw kami ngayon na.
"May meeting daw kaming mga officers ng English club ngayon na as in." Bigla akong tumayo at nagpaalam kay Bryan.
"Balik ako pagkatapos, ingat ka." Bilin ko.
"I will." Maikling tugon niya.
Sa wakas! After ng limang daang taon, natapos din ang meeting namin. Pabibo talaga yung president sa English club. Gusto kanya lahat ang idea! May pinaplano kasi silang English Day at baka sa March pa raw yun pero nag-advance meeting na kami para daw alam yung gagawin namin. Naisulat ko lahat ang gagawin ko sa notebook at papunta na ako ngayon sa gymnasium para balikan si Bryan. Natapos na siguro yung training nila dahil mag-aalas sais na ng gabi. Sa hindi kalayuan, nakita ko si Bryan at tila may kausap. Si Raven.
Bryan
Pagkatapos ng aming training, inapproach ako ni Raven at gusto niya raw akong kausapin. Syempre, pumayag ako para sabihin na sa kanya yung totoo at nang matapos na ito. Katabi ko siya ngayon sa bench at hindi kami umiimik.
"What do you want?" Pambasag ko ng katahimikan. Hindi siya nagsalita.
"Diba sinabi mo na huwag na kitang kausapin? Ginawa ko naman. Ano ngayon ang problema mo at sinabi mong mag-usap tayo?" Medyo pataas na yung boses ko buti at nakapagpigil ako.
"Hindi ka magsasalita, Raven? Uuwi na lang ako." Tumayo na ako doon sa kinauupuan ko nang bigla niyang hawakan ang isa kong kamay.
"Ano mo si Lloyd?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Kaibigan ko siya." Tugon konsa kanya.
"Kaibigan pero nagsusubuan kayo ng pagkain sa canteen at hinahatid mo siya araw-araw?" I can't believe na sinabi niya yung mga yun.
"Are you jealous?" Ang tanong ko sa kanya. Bigla siyang tumahimik at huminga nang malalim.
"Why should I be jealous?" Sinagot niya naman ako. Nang marinig ko yun, bigla ko siyang hinalikan sa labi. Na-shock naman siya at pagkaraan ng ilang sandali, tumugon na siya sa aking mga halik. Tumagal ang aming halikan at nang kumalas siya, naghahabol ng hininga. Pati na rin ako.
"He's not my boyfriend okay? I liked him before pero wala na yun. Pinalitan mo kasi siya." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"It was part of a big show. Pinagseselos ka lang namin at ako yung naka isip nun." Tuloy ko.
"Well, you won. You made me jealous and worry all the time." Sabay ngiti niya. Damn it! He's so cute when he smiles.
"I love you, Raven. Thank you for saving my phone and treating me." Nginitian ko rin naman siya.
"I love you too, Bryan. Thank you for coming with me." Para kami ngayong tanga na nakangiti sa bawat isa.
"You're mine." I said in a seductive way.
"I'm all yours, babe." Hindi rin siya nagpatalo. Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon, I kissed him torridly, deeply, passionately.
Bigla namang may nahulog ng kung ano sa di kalayuan at itinigil ko ang aming halikan.
"Sweetie, kanina ka pa diyan?" It was Lloyd. s**t naman! Nakakahiya yung pinaggagawa namin.
"Sorry, my bad." Tugon niya sa akin.
"Come here, may ipapakilala ako sa'yo." Lumapit siya sa kinatatayuan namin ni Raven. This is so awkward!
"Babe, let me introduce to you my sweetie, Lloyd." Nagkamayan naman silang dalawa.
"Nice to meet you, Lloyd. Huwag mo sana siyang agawin sa akin." Pagbibiro ni Raven.
"Hindi ko naman gagawin yun, binasted ko nga yan." Sabay halakhak ni Lloyd.
"Sweetie, wag mo akong ipahiya sa boyfriend ko." Sinuntok ko siya pero very light lang naman.
"Aray ko bakla!" Pagpapabebe naman niya.
"You know guys, you should celebrate your new relationship." Ang suggestion niya.
"What relationship? Hindi pa nga siya nanliligaw." Ang sabi ni Raven.
"What the? Mahal mo namana ako, diba? Bahala ka baka maghanap ako ng iba." Malambing kong sabi sa kanya.
"Edi maghanap ka, gago!" Napalakas namang sabi niya.
"That will never happen. Hey I'm Bryan Quintos. Can I court you?" Bigla naman akong lumuhod sa harapan niya.
"I'm Raven Regalado and sinasagot na kita." Napasigaw naman ako dahil sa tuwa at niyakap ko siya.
He is officially mine now